Kinarga na namin si hammer tail sa aming bangka,
papunta na kami sa sea market.
"Hindi ko akalaing gagawin natin to boy." ang sabi ni kuya,
"Oo nga e." ang sagot ko naman,
"Pamilya natin hindi pa natin nakikita." ang sabi ni kuya na parang maluluha na,
mahal na mahal ni kuya ang pamilya nya,
gagawin nya ang lahat para sa mga ito,
nagkataon lang na nalulong sya sa kung ano mang bagay,
pero kung pamilya nya na ang paguusapan,
iba na yun.
hindi parin ako nawawalan ng pagasa,
ang kinakatakot ko lang makuha sila ng gobyerno.
Magtatanghali na ng makarating kami sa sea market,
marami ding nakapila sa iba't ibang Collector's office,
ang iba dala ang ulo ng sikat na naging cannibal,
pati narin ang mga iba pang hall of famer,
may nagdala din ng mga weirdong nilalang na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko,
ang iba nagdala ng mga bagay na talaga namang nakakaintriga,
Gold bars,
Diamonds,
aanhin naman nila yun kung wala namang bibili,
pero mukang malaki ang kikitain nila lalo pa't sa sea market nila ibebenta ito,
pero paano nila nahanap ang mga ito?
meron pa silang ibang pinapahanap,
ang pinakamahal na nilalang,
ang mga nabubuhay pang mga Higante noong una pang panahon.
pero totoo kaya na may nabubuhay pang ganong mga nilalang?
imposible.
pumasok na kami sa Collector's office.
"Wow, hindi ko akalaing mahuhuli nyo si hammer tail, iwan nyo nalang sya sa mga tauhan ko, sila na ang bahala, kunin nyo nalang ang pera nyo sa cashier's office," ang sabi ni bawnshoo.
sabi ni isaac,
lilinisin daw si hammer tail at pagkatapos ipapasubasta,
ano naman ang gagawin nila kay hammer tail?
nagkakagulo na nga nakuha pa nilang gawin ang mga ganitong bagay.
sinasabi ko sayo pag nasa sea market ka lahat ng balita malalaman mo,
magkakaroon ng gera sa pagitan ng china at russia,
malaking problema ito sa buong mundo.
baka sila ang magsimula ng gera sa iba pang mga bansa,
kapanig din ng china ang North korea,
kung saan unti unting sinasakop ang maliliit na bansa.
tumataas na din unti unti ang tubig,
bakit ba nagkakasabay sabay ang lahat ng ito?
huli na para magsisi,
dumadating na ang kaguluhan,
parang panaginip lang ang lahat,
hindi isa itong bangungot,
parang sana namatay ka na lang bago dumating ang lahat ng ito.
Umuwi na kami sa maridugue dala dala ang mga pagkaen galing sa batangas
at ang P1.1M na kinita namin sa paghuli kay hammer tail,
kagaya ng plano nagdiwang kami at naginuman,
matagal tagal din na hindi ako uminom,
siguro yung mga huli kong inom e kasama ko sila Chickboy at Pizza boy, yun ang isa sa nakakatawang inuman at hindi ko malilimutan,
sunod yung nagkita kami nila Scar, Silent at Darkskin.
yun yung mga mamimis kong inuman.
12 ako ng matuto akong uminom siguro hindi na ganong kabata hindi katulad ng ibang kabataan na sa tiyan palang ng nanay nila e marunong na uminom.
hindi ko alam kung ito na ang huli kong inom sa buhay ko,
ito ako kasama si kuya at ang mga bago naming kasamahan,
pilit na nilalabanan ang mga problemang hinaharap namin ngayon,
hindi man namin alam kung ano ba ang dapat naming gawin pero alam ko hindi kami pababayaan ng lumikha sa amin.
patuloy akong magdadasal at hihingi ng tulong sa kanya,
sabi ko nga hanggat kaya ko pang magdasal sa kanya,
may pagasa pa.
mahirap man ang kalagayan ko,
kahit anong mangyari hindi ako mawawalan ng pagasa sa kanya,
kaylangan kong kumapit hanggang sa huli.