Nasa bayan na ako ng antipolo city at pasakay naman papuntang marikina city. medyo mahaba pa ang byahe. minsan natutulala nalang ako bigla at magiisip ng kung ano ano, daydreaming kung baga. marami akong naiisip na weird na bagay katulad ng iniisip ko na tauhan lang ako sa mundong ito dahil hindi ko makita ang sarili ko, iniisip din kaya ng ibang tao yun? siguro hindi, dahil hindi naman sila katulad kong baliw.
iniisip ko rin kung anong rehiliyon ang paniniwalaan ko. pero iisa lang ang pinaniniwalaan ko, na may manlilikha sa mundong ito at naniniwala ako sa kanya. pero kung sasabihin ko ang mga katagang ito, may mga magsasabi na hindi lang sapat na maniwala ka lang sa diyos. sa totoo lang, hindi naman relihiyon ang makakapagligtas sa tao, kung hindi ang sarili nila, kung ano ang nasa puso at paniniwala nila. bakit pa kaylangan magsiraan ang ibang mga rehiliyon kung ang nais lang nila e mapalapit ang bawat isa sa tunay na manlilikha? kaya ang ibang tao lalong naliligaw, nalilito, naguguluhan na kung sinong paniniwalaan. dadating ang panahon masisira ang mundo dahil sa relihiyon.