Hunyo 2, 2010. Part Two.

21 0 0
                                    

Nakarating na kami sa sea market,

sobrang laki nito

ang daming mga barkong nakatigil dito,

ang dami ding mga namimili galing sa iba't ibang bansa.

"Pu@!#^$% boy tingnan mo ang mahal ng sardinas, hahaha."

ang sabi ni kuya,

nagulat ako sa presyo,

P500 isang delata ng sardinas.

sobrang laki ng kanilang tubo,

saan kaya nila ito nakukuha?

"Sa pilipinas din nila yan nakuha."

ang sabi ni Isaac,

"Paano?"

ang tanong ko,

"Marahil binenta na ng may ari ang secret formula ng sardinas ng pilipinas."

ang sagot ni Isaac,

marami din akong nakitang mga artista na namimili dito,

siguro ay sa ibang bansa na sila naninirahan.

dumiretso na kami sa Philippines Collector's Office,

kinausap namin si Bawnshoo

ang namamahala sa Philippines Collector's Office.

"Anong mapaglilingkod ko sa mga anak ng bayan?"

ang tanong ni bawnshoo,

"Kaylangan namin ng pera bawnshoo."

ang sabi ni Isaac,

"May trabaho akong ipapagawa sa inyo sa halagang 1M, call?"

ang tanong ni bawnshoo,

"Sige, sabihin mo kung anong gagawin namin."

ang sabi ni Isaac,

napakalaki ng kikitain namin,

pero mukang delikado naman ang trabahong ipapagawa sa amin.

"Gusto kong hulihin nyo si Hammer tail patay o buhay."

ang sabi ni bawnshoo,

"Si hammer tail? napakahirap naman ata nun?"

ang sabi ni Isaac,

"Call?!"

ang tanong ni bawnshoo,

"Wala na bang dagdag?"

ang tanong ulit ni Isaac,

  "P1.1M take it or leave it."

ang sabi ni bawnshoo,

"Call."

ang sagot ni Isaac.

Noong mga oras na yun iniisip ko kung sino si hammer tail,

ang sabi ni Isaac,

si hammer tail ang pinakamalaking buwaya sa buong mundo,

hindi kaya yun yung halimaw na lumusob samin sa cavite?

"Mamili muna tayo."

ang yaya ni Isaac,

"Teka wala kaming pera, saka napakamahal ng bilihin dito."

ang sabi ni kuya,

"Wag kayong magalala, may pera pa kaming P450K, bibili tayo ng mura lang, kaylangan natin ng pagkaen sa base."

ang paliwanag ni Isaac,

tumulong nalang kami ni kuya sa pamimili,

bumili si isaac ng limang tray ng itlog na nagkakahalaga ng P15k,

bumili din sya ng isang kilong tuyo,

na nagkakahalaga ng P20k,

bumili din sya ng dalawang sako ng bigas na nagkakahalaga ng P80k.

partida hindi pa nagtataas ang presyo ng bilihin.

hindi na daw nila kaylangan ng mantika

dahil pwede naman nila itong initin sa apoy,

hindi na din nila kaylangan ng mga pang sahog

dahil may mga tanim silang mga gulay sa base,

para sa kanila karne na ang tuyo at itlog,

wag mo ng subukang bumili ng karne ng baboy, manok at baka,

dahil sa 1/8kilo palang ng mga ito

nagkakahalaga na ng kalahating milyong piso.

hindi dahil sa O.A sila magpresyo,

wala na kasi silang mapagkukunan,

unti unti na kasing nagiging extinct ang mga hayop sa iba't ibang bansa,

kasama na dun ang baboy, manok at baka dahil sila ang karaniwang kinakaen ng tao,

dahil sa mga nangyayaring kalamidad,

nahihirapan ang mga taong paramihin sila ulit.

Bumalik na kami ulit sa maridugue,

naisip ko bakit hindi nalang sila mangisda,

pero sabi ni Isaac,

wala ng laman ang dagat,

tinanong ko kung bakit,

sabi nya lang

"Kinaen na ng mga halimaw sa dagat."

bigla akong kinabahan,

may mga halimaw sa dagat?

hindi ko alam kung binibiro nya lang ako o trip nya lang manloko.

pero kung totoo nga ang sinasabi nya,

kahit  ang dagat delikado na.

Sa totoo lang daw may mapagkukunan naman sila ng pagkaen sa luzon,

sa mga supermarket o mga mall na hindi pa gumuguho,

pero napakadelikado dahil sa mga nilalang na nakapaligid dito,

mukang ang ibig nyang sabihin ay ang mga manghahabol,

buhay pa pala sila.

akala ko noon nalipol na sila ng bagyo.

sila ang dahilan kung bakit nasira ang buong pilipinas.

dahil sa virus na yun,

hindi ko na alam kung nasaan na ang pamilya ko,

kung nasaan na ang babaeng minamahal ko.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon