Mayo 9,2010. Part Three

37 0 0
                                    

napalitan ang balita,

tungkol naman sa labas ng pilipinas, isang bansa ang gumagawa ng isang pampasabog na sandata na umalarma pa sa iba pang mga bansa.

mukang ang nais ng bansang ito ay hindi kapayapaan kundi kasikatan at kaguluhan. nais nilang makuha ang kapangyarihan.

kung may makakanuod ng balitang yun, maaring magulat sila, pwede ding balewalain lang nila at palipasin nalang ang araw.

kung sa bagay aanhin ko naman ang mga balitang yun? hindi naman nakakaen, hindi naman pagkakakitaan, magsasayang lang ako ng oras kakaisip sa mga walang kwentang balita, basta buhay ako ayos na, wala din naman akong magagawa.

5:36pm, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa T.V, totoo ba ito? Quarantine sa antipolo? mga nakamask na mga tao? mga harang sa kalsada? isang daang katao ang namatay?

Senyales, Pag ubo, pagsusuka, pamumula ng mga mata?

Makikita mo sa T.V ang mga nakahilerang katawan na nakatalukbong ng puting kumot. halos lahat may mga bahid ng dugo sa kanilang mga katawan dahil sa pagsusuka.

hindi mapakali si lola, dahil si tita nasa antipolo, hindi kami makalabas ng bahay dahil sa nabalitaan namin, mukang alam na ng lahat ang balita, dahil napakatahimik sa labas.

may narinig kami sa labas na motor, tapos may kumakatok, kinabahan kami bigla,

pero nalaman namin na si tita dahil tinatawag nya kami. agad binuksan ni lola ang gate, mukang alalang ala si tita, wala na kasi syang masakyan na motor dahil nga sa quarantine sa antipolo, nakiusap nalang sya sa kanyang kaibigan na ihatid nalang sya dito.

nagpatuloy kami sa panonood. 6:19pm, tumaas na sa 300 ang namatay sa antipolo, hindi na kami mapakali.

hindi alam ng mga pinsan ko ang nangyayari, si lola naman patuloy na nagdadasal.

wala ng ibang palabas sa T.V kung hindi ang balitang yun, ano na ba ang nangyayari sa bayan ng antipolo? ano ang bagong uri ng virus na yun?

9:00pm,

isang oras ng walang kuryente, hindi na namin alam ang nangyayari sa balita sa T.V, napakadilim, nagmistulang ghosttown ang lugar namin.

biglang nagring ang cellphone ko, tumatawag si maria, sinagot ko, pero biglang namatay ang cellphone ko, narinig ko ang boses nya, pero saglit lang.

umakyat kami sa teres ng bahay, tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa amin, fullmoon. biglang may sumigaw sa labas,

nagsitinginan kami sa baba mula sa teres, hindi namin maaninag kung sino ang naroon, pero mukang babae.

humihingi ng saklolo, lumabas din ang iba pa naming kapitbahay mula sa teres nila at tinutukan ang babae ng flashlight, nagsigawan ang iba sa nakita nila, duguan ang babae. "Dyos ko po!" sabi ng isa, lumabas ang iba naming kapitbahay para tulungan ang babae, lumabas din kami,

punit punit ang damit ng babae at madaming kalmot sa iba't ibang parte ng kanyang katawan, takot na takot ang babae,

"hindi sila mga tao!", umiiyak ang babae habang binabanggit nya ito, biglang sumuka ang babae ng dugo, bigla akong kinabahan, anong ibig nyang sabihin? hindi kaya? sana mali ang iniisip ko, imposible.

nagsiiyakan ang iba at tila natatakot na sa nangyayari, "Ano bang nangyayari?!" ang sabi ng isa. biglang napahiga ang babae at hinahabol nya ang kanyang paghinga, nahihirapan sya, maya maya, hindi na gumagalaw ang babae at hindi na rin humihinga.

sa hindi kalayuan may naririnig akong tumatakbo,

napatingin kami sa direksyon na yun, mga taong nagsisitakbuhan, mga apat? hindi mga anim? padami sila ng padami, tinutukan ng mga kapitbahay namin ng kanilang mga flashlight ang mga paparating na tao at nagulat kami sa aming mga nakita,

nanlilisik ang kanilang mga mata at duguan ang kanilang mga damit, tinanong ng isa naming kapitbahay kung kasamahan ba nila ang babae, pero hindi sila nagsasalita.

unti unti silang lumalapit sa amin,

unti unti rin kaming umaatras.

biglang tumakbo ang isa sa kanila at hinabol ang isa sa mga kapitbahay namin,

nagsitakbuhan kaming lahat papunta sa kanya kanya naming bahay at dali daling sinara ang pinto!

ano ba talagang nangyayari?!

nagsisiiyakan ang iba sa mga kapit bahay namin, hindi namin alam ang gagawin namin, pati si lola umiiyak na din at mga pinsan ko.

tumatawag si tita sa mga kakilala nya para humingi ng tulong, pero hindi nya ito makontak.

"Si Dan nasaan?!" merong sumisigaw na isa sa mga kapitbahay namin, "Naiwan sa labas si Dan!" ang sigaw ulit nito.

hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa amin, bigla kong naisip sila maria, sana ay ok lang sila.

nung mga panahong yun, wala akong magawa kung hindi magdasal nalang sa manlilikha na sana'y nasa maayos na kalagayan ang mga mahal ko sa buhay, siguradong nagaalala na ang aking ina na nasa ibang bansa at si maria.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon