Pupunta na kami sa cavite para hanapin si hammer tail,
hindi ko alam kung nasa cavite pa si hammer tail.
nagsimula na ulit kaming maglayag,
kinakabahan talaga ako dahil sa sinabi ni isaac na may mga halimaw sa ilalim ng dagat.
titigil muna kami sa batangas,
titingnan namin kung ano ang pwede naming makuha
pagkatapos ay maglalayag ulit diretso na sa cavite
. parang mas mainam pang maglakad nalang kesa maglayag sa dagat.
hindi na ako masyadong kinakabahan,
dahil iba na ang hawak kong armas,
hindi na melee
kundi long range.
bukod dun marami na akong kasama.
kung titingnan mo mula sa malayo ang mga city ng luzon,
wala ng kabuhay buhay,
mangilan ngilan na lang ang puno at halaman,
kaya mo na silang bilangin ng hindi ka man lang malilito,
dadating ang panahon na dudumi na ang hangin
at yun ang ikamamatay ng lahat ng tao.
"Hindi mo akalaing mangyayari ito no?"
ang tanong ni Isaac,
"Siguro."
ang sagot ko,
"Ba't naman siguro?"
ang tanong nya,
"Maraming beses ko na itong nakita."
ang sabi ko,
"Ha? paano?"
ang tanong nya ulit,
"May mga taong nagbibigay ng mga signs."
ang sagot ko,
"Hindi ko maintindihan."
ang sabi ni Isaac,
"Makikita mo ang mga signs sa pelikula, sa cartoons, akala mo isa lang scenario pero sa totoo lang, may gusto silang ipahiwatig."
ang sagot ko ulit.
tingin ko hindi ako nagets ni Isaac.
Nakarating na kami sa batangas,
bumaba na kami sa aming bangka,
napakatahimik ng paligid,
marami ng gumuhong building,
napakadumi dahil sa mga basura,
marami ding mga langaw dahil sa mga nabubulok na pagkaen.
maghahanap kami ng supermarket at pharmacy,
nakakita na kami ng supermarket at doon pumasok,
napakainit at napakaalikabok,
bukod dun napakadilim pa,
napasipol si Isaac,
nanlaki ang mga mata ko,
napakalaki ng ngiti ni kuya,
natuwa ang iba naming mga kasama,
napakaraming pagkaen,
kumuha na kami ng kanya kanyang lalagyan,
para itong hulog mula sa langit,
"Boy sa 2015 pa ito maeexpired oh."
ang sabi ni kuya habang hawak hawak nya ang isang delata ng corned beef,
mainam ito dahil hindi na kami magaalala,
pero may mga delata din na malapit na maexpire,
pero dalhin na din daw namin sabi ni isaac,
baka magamit pa daw namin ang mga yun.
"HULALA! Inuman na!"
ang sigaw ng isa naming kasama,
may mga alak syang nakita,
"Sige magdala kayo, pero hindi tayo ngayon iinom, pagnahuli natin si hammer tail saka tayo magdidiwang sa base."
ang sabi ni isaac.
"Wow! hahaha!"
ang sabi ni kuya,
kaya pala sya tuwang tuwa,
para syang nanalo sa lotto,
nakakita kasi sya ng kahon kahong sigarilyo,
hindi lang yun meron pa sa isang malaking istante na mga sigarilyo na may brand,
siguro nagkakahalaga ito ng kalahating bilyong piso sa pera ngayon.
syempre mapipigilan pa ba ni kuya ang paghithit.
napadaan ako sa fruits,
vegetables and meat section,
kung ikaw sa kalagayan ko hindi ka na babalik,
wag mo ng itanong,
ok na ba yung makakita ka ng uod nakasing laki ng hinlalaki mo?