Mayo 10, 2010. Part Five

33 0 0
                                    

Nakakanibago, wala man lang mga tao o mga manghahabol, malinis at walang harang ang daan, hindi kaya lumikas na sila papuntang manila?

may hindi talaga tama.

malapit na kami sa masinag, kung saan tatlo ang dadaanan mong kalsada,

ang isa pakanan ay sa cogeo,

padiretso sa marikina

at pakaliwa papuntang manila,

ng nasa masinag na kami,

hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta,

nasa marikina si maria,

gusto ko syang puntahan,

pero ang destino namin ay pamanila,

ayokong magpakabayani, hindi dahil naduduwag ako,

hindi ko lang alam kung anong madadatnan ko pagdating sa marikina,

pinapaubaya ko nalang sa manlilikha ang lahat.

kanina pa naghahanap ng malinaw na istasyon si sofia, pero wala parin. ano na kayang nangyayari?

9:01

naubusan kami ng gas kaya pumunta kami sa gasoline station, kami nalang ang nagpagas sa sasakyan dahil wala namang tao.

Nadaanan namin ang Sta. lucia mall, bukas ito pero wala namang mga tao,

napagisipan naming pumunta dito,

Nag U turn kami at nagpark lang sa harapan nito,

malinis ang daan,

walang mga jeep na nakaharang dito na akala mo e may jeep festival,

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon