Tumuloy na lang kami sa isang mansyon dito sa cavite,
maayos pa ang mansyon maalikabok nga lang.
madilim ang buong paligid,
flashlight lang ang gamit namin pagpasok sa mansyon,
mahirap na,
baka may makaalam kung nasaan kami,
dahan dahan lang ang pagpasok namin,
sa pagtuloy namin may napansin kaming mga nakaparadang sasakyan,
ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng mga sasakyan,
bukod pa dun walang ganito sa pilipinas,
pero hindi narin magagamit ang mga ito,
dahil delikado na ang pagbabyahe.
bukas ang pintuan ng mansyon,
bakit kaya?
pumasok na kami.
napakalaki ng loob,
parang hari at reyna ang nakatira dito,
napakaswerte nila.
sa paglibot namin sa mansyon wala naman kaming nakitang panganib
bukod sa mga antiques na nakadisplay at mga alahas sa mga kwarto.
"Sige dito muna tayo, buksan nyo na yung mga plastik na dinala natin."
ang sabi ni isaac,
kahit papaano e may makakaen kami sa gabing ito,
kahit puro delata lang ang nakuha namin at mga noodles.
"Sino kaya ang mayari ng bahay na ito?" ang tanong ko,
"Siguro e mataas ang katungkulan o kaya e pinanganak talagang mayaman."
ang sagot ni isaac.
"Pwede ring boksingero." ang sagot ko,
"Oh kaya yung mga nagnanakaw ng pera ng bayan." ang sabi naman ni kuya.
"Tama ka dun, imbis ang sarili nating bansa ang pinapayaman nila sarili nila ang nililigtas nila sa kahirapan." ang sagot ni isaac.
"Pwede rin namang magkaroon ng mansyon ang mahihirap ah? swerte nga lang ang tawag dun o kaya nanalo ka sa lotto." ang sabi ulit ni kuya.
"Ewan ko nga ba kung bakit walang mahirap na umuupo." ang sabi pa ni isaac.
"Hindi naman pwede yun." ang sagot ni kuya,
"Ano bang pinaguusapan nyo at tila nagtatalo na kayo?" biglang sumabat ang isa naming kasamahan na si Bob
"Tungkol sa kahirapan bro." ang sagot ni isaac,
"Kahirapan? alam nyo ba kung bakit hindi lahat ng tao pwedeng maging networker?"
ang tanong ni bob,
"Bakit?" ang tanong naming tatlo,
"Kasi hindi lahat ng tao gustong maging networker."ang sagot ni bob,
"Anong konek?" ang tanong ni isaac.
biglang may narinig kaming sumabog sa labas,
"Ano yun?" ang tanong namin,
tumingin kami sa bintana,
"Bro magsihanda kayo, nasa labas ang worth P1.1M!" ang sigaw ni isaac,
hinanda na namin ang mga lubid at mga sandata namin para sa paghuli kay hammer tail,
sa paglabas namin sa mansyon,
"Si hammer tail ba to?" ang pagtataka ni isaac,
nakikita namin ang hugis nya sa kadiliman,
lumaki ang katawan ni hammer tail,
pero bakit?
wala ng taong naninirahan dito sa cavite para kainin nya,
o hindi kaya kinakaen nya din ang mga manghahabol?
niratrat na namin si hammer tail dahilan kaya ito ay magwala,
winasiwas nya ang kanyang malaking buntot,
"Magingat kayo sa buntot ni hammer tail!" ang babala ni isaac,
pagtinamaan ka ng buntot ni hammer tail,
sigurado para kang nabangga ng race car sa lakas.
napakabilis ni hammer tail,
nagtatago sya sa kadiliman,
para syang ahas,
bigla syang sumulpot sa likuran ng kasamahan namin at kinagat ang paa nito,
kaagad naputol ang mga binti nito,
balak pa namin syang iligtas pero hindi kami makalapit dahil sa buntot ni hammer tail,
"Granada!"
hinagis ng isa naming kasama ang grandang hawak nya papunta kay hammer tail,
pero ginawang baseball ni hammer tail ang granada at tumalsik ito sa iba naming mga kasama,
nagsitakbuhan sila,
nagsitalsikan ang mga bato,
napakaalikabok ng paligid,
nawala na naman si hammer tail,
hindi ko akalaing magiging mahirap ang paghuli namin kay hammer tail,
parang hindi sya tinatablan ng mga bala.
"Kaylangan malambat natin sya at maitali para hindi sya makatakas!" ang sigaw ni bob,
pinalitan ni isaac ang kanyang sandata,
"Panghuli ng malaking isda yan di ba?" ang tanong ko,
"Palitan nyo ang mga sandata nyo, mapapasubo tayo kay hammer tail!" ang sabi ni isaac,
biglang lumabas si hammer tail at papunta sa direksyon ko,
napatakbo ako,
sasabihin ko sayo,
tumaas ang adrenaline ko,
sino bang hindi,
tinutok ni isaac kay hammer tail ang kanyang sandata,
kabadong kabado ako nung mga oras na yun,
parang napakatagal,
akala ko mapuputulan ako ng dalawang binti.
bumulusok ang palaso sa katawan ni hammer tail kaya napahinto ito,
kumabit sa kanyang laman,
bumulusok na din ang iba pang palaso,
nagwawala si hammer tail,
winawasiwas nya ang kanyang buntot kaya nadadala sila isaac,
"Ang lambat!" ang sigaw ni isaac,
binato na nila kuya ang malaking lambat,
nagkabuhol buhol ito sa katawan ni hammer tail,
tinali naman nila isaac ang mga lubid sa mga nakatumbang poste at sasakyan,
niratrat namin si hammer tail,
nagkalasoglasog ang kanyang mga laman,
hindi na nya mawasiwas ang kanyang buntot,
pero delikado parin syang lapitan,
hindi namin sya tinigilan hanggang maubos na ang aming mga bala.
umuusok ang buong katawan ni hammer tail,
wasak wasak narin ang lambat na humuli sa kanya,
"Aantayin nating magumaga bago natin sya dalhin sa sea market." ang sabi ni isaac,
sa wakas nahuli na namin si hammer tail na nagkakahalaga ng P1.1M,
pero kapalit naman nito ay may namatay sa aming grupo at muntikan pa ako.