Mayo 10, 2010. Part Six

31 0 0
                                    

Hindi ko akalaing may mga nagaantay pala sa amin sa labas,

ang mga manghahabol,

nasa buong marcos highway,

saan sila nanggaling?

habang nasa loob kami ng mall,

sila naman ay dumadami dito sa labas?

"Doon tayo sa sasakyan! dali!" ang sigaw ko,

tumakbo kami sa abot ng aming makakaya papunta sa sasakyan

at buong manghahabol sa marcos highway ay handa na kaming patayin,

"Dali dali!" ang sigaw ni sebastian,

malapit na kami sa sasakyan ng biglang umangat ang lupa na parang isang tore ang itsura kung saan naroon ito at tumalsik sa himpapawid,

napaatras ako at napatumba sa nangyari,

parang nagislomo ang lahat sa akin.

napalibutan na kami,

wala na kaming matakbuhan,

ang mga manghahabol nagkalat kahit saan,

nilabas na namin ang mga armas namin

at nagsimula na kaming barilin sila,

sobrang dami nila,

ang iba hindi pa matamaan sa ulo,

ngayon lang ako nagpaputok ng baril sa buong buhay ko,

malapit na sila sa amin

ng biglang magsiangatan ang lupa na tinatapakan nila,

talsikan sila sa himpapawid,

ang iba nabagsakan ng mga tumatalsik na bato at poste,

sabi ko na nga ba,

pagkatapos ng katuwaan namin may ganitong darating,

tumatakbo kami patawid ng riverbanks,

hinahabol parin kami ng mga manghahabol,

nagsisiangatan ang mga lupa sa likod namin,

sa gilid at sa harap,

lumilindol ulit,

sana lang walang madali sa amin,

sobrang adrenaline na itong nangyayari sa amin,

konti nalang aatakihin na kami sa puso.

napakabilis ng mga manghahabol,

hindi kami makatakbo ng maayos dahil sa lindol

at sa mga nagsisiangatang mga lupa,

hindi namin sila mabaril ng maayos,

naiiyak na si sofia,

pero kaylangan naming magpatuloy,

"Dali!" ang sigaw ko,

nasa tulay na kami at malapit na itong gumuho,

dali dali na kaming tumakbo sa kabilang bahagi ng tulay

Pagdating namin sa kabilang bahagi,

tuluyan na itong bumagsak,

huminto narin ang lindol,

swerte lang ba kami?

hingal na hingal kami pagkatapos,

pakiramdam ko mamatay na ako,

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon