Mayo 10, 2010. Part Four

36 0 0
                                    

8:30 sa orasan ng kotse,

papunta na kami sa sumulong highway,

wala ng pagasa sa mga dinaanan namin,

paanong pati dun inabot?

ang ibang lugar dun,

nandun ang isa sa mga kaibigan ko,

nakita ko sya tumatakbo,

wala man lang akong nagawa para tulungan sya,

matagal na kaming hindi nagkikita, nagkita kami sa ganon pang sitwasyon.

malapit na kami sa skwelahan ko,

ang skul kung saan ang mga istudyante at mga teacher ay waterproof, best in perfect attendance.

dito ko nakilala si maria, kung saan nahulog ako sa matatamis nyang ngiti.

mukang hindi na ako makakapasok dito,

mukang hindi na ulit ito magbubukas.

maraming alaala ang maiiwan ko dito,

mga kalokohan,

kapalpakan,

kahihiyan.

nakakamiss pumasok, pero hindi nakakamiss magaral, pasok lang.

boring na subjects pag boring ang prof,

alive na alive ka kahit hindi maganda ang tinuturo na subject basta kwela ang prof ok na.

pero sadyang ganoon talaga hindi naman lahat ng tao e pare pareho ng kakayahan magturo.

tapos merong prof na magsasabi, "Tayo ay mga hayop, mga unggoy tayo."

minsan natatawa nalang ako e,

hindi kaya ang prof na yun e nanggaling talaga sa mga lahi ng unggoy?

naalala ko tuloy ang kwento ni guyo at ungat,

ang sabi ni ungat kay guyo, "Guyo alam mo bang nanggaling tayo sa mga unggoy." ang mayabang na sabi ni ungat kay guyo,

"Ganon ba ungat? kung ganon ay hindi na ako maniniwala sa pari sa mga sinasabi nya na tayo ay nagmula kay eva at adan?" ang sabi naman ni guyo.

minsan naguguluhan na ako,

bakit pa natin tinatawag ang sarili natin na tao kung mga hayop naman pala tayo?

sabi nga ni maria, kung sa unggoy tayo nanggaling bakit yung mga unggoy sa gubat hindi pa nagiging tao?

siguro naman nung bagong silang ka ng iyong ina hindi ka mukang unggoy? pwera nalang kung muka ka talagang unggoy.

Sa dami ng pinaniniwalaan natin lahat ng yun naghahalo na, kaya maraming nababaliw. maraming ayaw na magisip. maraming nagiging matalino, marami ding nagiging budong.

Naalala ko pa sa skwelahan na ito noong buwan ng wika,

hindi ko alam kung ano bang sinecelebrate nila,

buwan daw ng wika,

wikang pilipino,

pero nabibingi ako sa tugtog nilang newyork,

nanonosebleed ako,

hindi ko akalaing nakakanosebleed ang buwan ng wika.

may tinanong pa nga ako na member ng filipino club kung bakit nila sinicelebrate ang buwan ng wika,

ang sagot nya ay hindi nya alam.

Wala man lang akong naririnig na pilipinong awit, puro foreign.

siguro nga boring ang awiting pilipino, boring tayo.

minsan lang ang buwan ng wika pero ang minsan na yun, wala pang kwenta.

kahit Filipino subject may halo ng english kaya hindi mo na alam kung ano na ba ang tunay na salitang Filipino,

tinangkilik natin ang gawa ng mga dayo,

ibinato sa hangin ang gawa ng filipino,

kaya hindi tayo umuunlad kasi pinapaunlad natin ang ibang bansa.

hindi ko alam kung nakuha na ba natin ang tunay na kalayaan,

tayo tayo na nga lang,

naglolokohan pa.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon