Mayo 8,2010. Part Nine

45 0 0
                                    

hinatid ko na si maria sa sakayan, nakakalungkot mang isipin pero kaylangan, mga estudyante lang kami. pero magkikita din naman kami. pagkatapos sumakay na ako papuntang bayan ng antipolo. maggagabi na ng sasakay na ako sa tricycle.

Nakasakay na ako, medyo inaantok na din ako, kanina energetic pa ako nung kasama ko pa si maria. nadaanan namin ang isang club, maraming nasa labas na babae, na nakasuot ng mga sexy na damit, marami sa kanila na matatawag nating sayang dahil sa angkin nilang kagandahan.

karaniwan mga hindi mga nakapagtapos ng pagaaral o nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. hindi makahanap ng matinong trabaho, niloko, binenta ng magulang o kung sino man, o tingin nila dun sila makakakuha ng malaking pera. hindi natin sila masisisi, hindi naman talaga, kasi wala tayong karapatan.

malapit na ako sa bahay, sa wakas. pagdating sa bahay diretso na ako sa aking kama at natulog na, panibagong bukas na naman ang sa akin ay dadating.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon