Mayo 10, 2010.Part Two

37 0 0
                                    

Pinilit kong makalusot sa mga sasakyang nakaharang sa kalsada, may mga sasakyang mukang nagbanggaan, meron naman sa bahay na bumangga.

nagpatuloy ang ganitong sinaryo hanggang makarating na ako bayan ng antipolo.

sasabihin ko sayo napahinto ako ng mga oras na yun.

pakiramdam ko dito na magtatapos ang buhay ko.

apat ang pwede kong daanan,

ang isa daan pabalik,

ang tatlo hindi mo na madadaanan sa sobrang dami ng sasakyan,

nagkalat ang mga kagamitan,

nakatumba ang mga poste,

ganito pala ang pwedeng mangyari pag nagkagulo na,

ang mga nakikita mong mga effects sa movies pwede palang maging totoo.

malapit ng mag umaga, may nakita ako maliit na daan, maliit din ang chance, pero susubukan kong dumaan dun.

humarurut na ako, sa hindi kalayuan, may mga umaakyat sa ibabaw ng mga sasakyan,

nandyan na sila,

hindi ko alam kung anong bilang nila,

ayoko ng malaman pa.

salamat nalang at nakalusot ako.

diniretso ko ang daan papunta sa simbahan ng antipolo, sa plaza.

napakaraming humahabol sa akin. kung saan saang one way na ako dumaan para mapabilis.

Ang daming nasusunog na bahay sa bawat madaanan kong kalsada,

ito ang unang pagkakataong makakita ako ng mga ganito,

madami akong naririnig na mga umiiyak,

may mga naririnig akong ambulance,

ang gulo sa antipolo, akala mo gera, para akong aatakihin sa puso.

may mga nakita akong gangster na binabato ang mga nanghahabol, hinahampas ng tubo, sinasapak sapak, walang nagawa ang mga gangster dahil napakadami at napakabilis ng mga ito.

hindi ko na alam kung anong nangyari sa grupo ng mga gangster na yun.

dumiretso na ako papunta sa simbahan ng antipolo, malapit na mararating ko na, sobrang usok, hindi ko na makita ang daan, ng biglang may nabangga ako,

hindi ko nakita sa sobrang usok,

napakabilis,

tumilapon ako at bumagsak sa isang nakatumbang signboard.

ang bilis ng pangyayari,

hindi ako makahinga,

parang napuruhan ata ang spinal cord ko,

hindi ako makapagsalita,

mga ilang minuto pa akong ganon, nangyari na sa akin ito dati, kaya sa isip ko kaylangan kong magrelax, nasaan na ba ako? nasusunog pala ang mga tindahan ng mga muslim kaya mausok,

natatanaw ko na ang plaza.

May helicopter na bumagsak sa tuktok ng simbahan ng antipolo, nawasak ang kalahati nito,

masakit parin ang buo kong katawan,

nanghihina ang aking mga tuhod,

may mga konting galos.

ang bayan ng antipolo ay tuluyan ng nawasak.

madaming mga patay sa kalsada, bata man o matanda, hindi nakaligtas, sa mga walang awang mamamaslang.

meron pa akong nakita sa loob ng mga fastfood, meron din sa loob ng mga sasakyan.

sa harapan ko,

may isang kalunos lunos na katawan,

nahati ito,

isang binata.

nagulat ako ng bigla itong gumalaw at akmang aatake,

napalundag ako,

galit na galit sya sa akin,

nanlilisik ang kanyang mga mata,

kahit putol na ang katawan nya, buhay parin sya.

gumagapang na sya papunta sa akin,

napatakbo ako,

pakiramdam ko isa itong masamang bangungot,

pero sana bangungot lang ang lahat ng ito.

kaylangan kong makahanap ng daanan palabas sa antipolo.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon