Mayo 8,2010.

95 1 2
                                    

Paggising sa umaga, hilamos, mumog, dilig ng halaman, yan ang gawain ko sa araw araw, panibagong araw na naman para sa akin. bumaba na ako para kumaen ng almusal, maya maya may pupuntahan ako, sa marikina city. DATE? syempre, kanino? sa aking kasintahan, si maria. 9 months na kami, bago palang kung tutuusin, pero alam ko at alam nya na mahal namin ang isa't isa, hindi naman importante kung ilang dekada na kayo nagsasama, ang importante, kaya nyong harapin ang mga pagsubok ng magkasama.

ilang beses na akong nasaktan, hindi ko naman sinabing niloloko ako ng mga babae o hindi rin sila nasaktan dahil sa akin, siguro hindi lang ako perfect man para sa kanila, hindi ko sila masisisi, ito lang ako e, tao lang. pinili ko si maria hindi dahil perfect girl sya para sa akin, oo sabihin na nating perfect sya sa akin, bukod dun mahal ko din sya, hindi man perpekto ang relasyon namin, nagiging perpekto dahil sa pagmamahal namin sa isa't isa.

Ang Librong Walang PangalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon