Kia's POV
Nagising ako dahil parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa aking tiyan. Pagmulat ko nang aking mata ay nagtaka ako dahil hindi ito ang kwarto ko, pagtingin ko sa bagay na nakadagan sa aking tiyan ay nagulat ako dahil may brasong nakayakap saken,paglingon ko sa taong nagmamay ari nun ay nagulat ako at namangha dahil sa kagwapuhang taglay nito. Tinitigan ko ito mula sa kanyang makapal na kilay, mahahabang pilik-mata, sa kanyang matangos na ilong hanggang sa kanyang manipis na labi na mamula mula.
"Staring is rude"
Nabigla ako sa kanyang sinabi at bigla akong napabangon at napatili.
"Argh! Your so loud!" Asik ng lalaki.
"Who are you? And what did you do to me?!?" Histerikal kong tanong.
Imbes na sumagot ay tumayo ito nang walang kahit anong saplot sa katawan. Bigla nag init ang aking mukha at tinakpan ang aking mga mata gamit ang dalawa kong kamay ngunit sa di sinasadya ay nahulog ang kumot na tanging nagtatakip sa aking katawan. Hanggang sa marinig ko siyang nagsalita.
"What a nice boobies" sabi nito na may pilyong ngiti sa mga labi.
Tinanggal ko ang aking mga kamay na nakatakip sa aking mata at dali dali kinuha ang kumot para itago ang aking katawan, punamulahan ako ng mukha dahil sa pagkapahiya pero agad pinandilatan ko sya upang tumigil na ito,laking pasalamat ko dahil nakasuot na ito ng kanyang boxer shorts, binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti bago tumalikod upang pumasok sa banyo. Pinilit kong tumayo ngunit sadyang masakit ang aking ulo at ang bahagi na nasa pagitan ng aking mga hita pero pinilit kong bumangon at mabilis na kinuha ang nagkalat kong damit sa sahig para magbihis, nang matapos akong magbihis ay saktong lumabas naman ito ng banyo at halatang bagong paligo. Natulala ako sa kanya.
"He's so damn hot and sexy" kausap ko sa aking sarili. Napukaw lamang ako sa aking pagkakatitig nang bigla siyang magsalita.
"You're drooling" sabi nito at naka smirk.
"Hindi noh!! Ang kapal mo!" Asik ko sabay talikod at pasimpleng punas sa gilid nang aking labi na dun ko lang napagtanto na nang aasar lamang pala ito.
Mabilis akong umalis sa kwartong iyon ngunit ng palabas na ako nang pinto ay may kamay na pumigil sa aking braso. Nilingon ko ito at dire diretsong sinabing..
"Kalimutan mo nalang kung anong mga nangyari kagabi. Kelangan ko nang umalis" malamig kong sabi.
Nagulat ito sa aking sinabi at tanging pagtataka lamang ang makikita mong nakarehistro sa kanyang mukha, mabilis kong binawi ang aking mga braso at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. Nang makalabas ako sa condominium ay dali dali akong pumara ng taxi at umuwi nang bahay.
*ASUNCION MANSION*
Kia's POV
Pagkapasok ko sa aming mansion ay dire diretso akong umakyat at pumasok sa aking kwarto at ni-lock ito. Mabilis akong humiga sa aking kama at umiyak nang umiyak.
"What have i done?" Sambit ko habang umiiyak.
Iyak lang ako nang iyak nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone, pagtingin ko ay si blake ang tumatawag, mas lalo akong naiyak at nakokonsensya dahil alam kong sa ginawa ko ay niloko ko na rin ang taong mahal ko,imbes na sagutin ito ay hinayaan kong magsawa ito sa kakatawag hanggang sa tumigil na dahil hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon at wala na akong mukhang maihaharap sakanya. Sa sobrang kakaiyak ay hindi ko namalayan na nakatulog ako, pagmulat ko nang aking mga mata ay inisip kong baka isang masamang panaginip lamang iyon ngunit hindi dahil nakita kong yung suot ko parin kagabi ang suot ko ngaun. Mabilis akong bumangon at nagtungo sa banyo, habang dumadaloy ang tubig sa aking katawan ay wala ring tigil ang aking mga luha sa pagdaloy sobrang pinagsisisihan ko ang nangyari ngunit napagdesisyonan kong kalimutan nalang ang lahat at yun na ang magiging una at huling pagkikita namin nang walang hiyang lalaking yun. Matapos maligo at magbihis ay nagtungo ako sa kusina upang kumain ngunit pinagsisihan ko lamang dahil naroon ang aking ama at ang fiancee nitong si anna, imbes na tumuloy ay mabilis akong umalis at kinuha na lamang ang mga gamit upang magtungo sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...