Kia's POV
Sumunod nalang ako kina Tristan sa swimming pool area dahil ayokong magmokmok nalang sa kwarto. Pagdating ko roon ay busy ang kambal sa pagsi swimming dahil tinuturuan sila ni Tristan. Umupo na lamang ako sa cottage nang biglang makita kong papalapit si Hannah kila Tristan. Nakasuot ito nang isang Black bikini, kitang kita ang kaseksihan nito sa suot at litaw na litaw ang kaputian nito. Dahil sa nakita ay biglang umarko ang aking kilay sa inis dahil nang makita ito ni Tristan ay isang napakatamis na ngiti ang isinalubong nito sa babae.
"Bwiset ka talaga Hannah!! Isa ka pa Tristan! Nilalandi kana nga, nagpapalandi karin!!" Inis na sabi ko sa aking isipan.
Buti nalang ay nakasuot rin ako nang two piece. Isang white bikini na ang top ay strapless. Lumakad ako papunta sa kinaroroonan nang mga ito at bawat madaan kong mga lalake ay napapalingon sa direksyon ko.Napapangiti na lamang ako dahil sa hindi parin pala kumukupas ang ganda ko at dahil na rin sa kitang kita ko sa reaksyon nang mukha nina Tristan at Hannah ang pagkainis. Nang makalapit ako sa mga ito ay tiningnan ko lang si Tristan at binigyan ko ito nang nakakalokong ngiti saka ko tiningnan si Hannah na mula ulo hanggang paa.
"Nagpa footspa ka ba?" Nakangiti kong tanong ko kay Hannah.
"Oo!" Mataray nitong sagot.
"Ahhh kaya pala. Kasi mukhang natanggal na ang mga KALYO jan sa mukha mong mukhang paa!" Pang aasar ko rito.
"How dare you!" Inis na sabi nito.
Nginitian ko lamang ito nang nakakaloko saka ito tinalikuran para puntahan ang kambal na masayang naliligo.
"Tristan! He's insulting me" dinig kong pagsusumbong pa nito.
Pero ang lalake ay hindi na napigilan at natawa na ito nang malakas. Sa inis ni Hannah ay nag walk out na lamang ito.
Naramdaman ko naman na lumapit sa gawi namin si Tristan.
"Hey! What's that scene?" Natatawang sabi nito.
Pero imbes na sagutin ito ay inirapan ko lang ito saka lumangoy palayo rito. Pag ahon ko sa pool ay isang matipunong katawan nang lalake ang tumambad sa aking harapan.
"Oh? Its you again!" Sabi nang lalake.
Nangunot ang aking noo dahil hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.
"You dont remember? I am the guy you bumped with at the restaurant." Pagpapaalala nito.
Nang maalala ko ay napangiti na lamang ako rito.
"Im sorry if i didn't recognize you" paghingi ko nang paumanhin rito.
"By the way, Im Dylan" pagpapakilala nito sabay lahad nang kamay nito.
"Im Kia" tugon ko rito.
Nang aabutin ko na ang kamay nito ay may biglang humapit sa aking beywang at ang nakita ko ay isang Tristan na nakakunot ang noo.
"Im Tristan Samaniego, her fiancee" sabi nito at siya na rin ang nakipag kamay rito.
Tumango at ngumiti lang si Dylan sa amin saka nagpaalam na aalis na ito.
"What's that scene?" Gaya ko sa sinabi nito kanina.
Ngunit imbes na sagutin ako ay umahon na ito sa tubig para mag walk out.
Hindi ko napigilan na i-trace ang katawan nito dahil sobrang macho nito.
"Oh so hot!!! Summer na nga talaga!! That 6 packs abs!! Oh so sizzling talaga!!" Sabi nang malandi kong utak.
"Your drooling mommy" pang aasar na sabi nito saka tumalikod para umalis.
Bigla naman akong natauhan dahil sa sinabi nito saka mabilis na umahon sa tubig dahil nasira na nito ang mood ko.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...