Chapter 19

19.6K 438 15
                                    

Kia's POV

Its been 2 months nang haranahin ako ni Tristan at magkaayos kami pati nang makita ako nitong hubo't hubad. Pero let's leave it all in the past. Simula nang gabing yun ay dito na rin siya natutulog parang useless na nga ang condo unit nito. At inanounce ko na rin ang engagement namin, nagulat pa nga si Chelsea at Nicholas sa ibinalita ko at dahil doon ay nagtampo ang isa sa dalawang mahahalagang tao sa buhay ko.

~Flashback~

"Im engage" nag aatubili kong sabi.

"What?!!" Sabay na naibulalas nina Chelsea at Nic.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"I said im engage." Pag uulit ko.

"With whom?!!" Tiim bagang na tanong ni Nic.

"Kelan pa? Kanino? Bakit di mo pinakilala sa akin? Kelan mo sya ipapakilala saken?! Gwapo ba? Hot?! Mayaman?! Ghad Kia im so excited to meet him!!!!"Histerikal na sabi naman ni Chelsea.

"Uhmm.. Actually? Siya yung tatay nang kambal." May pag aalangang sabi ko dahil sa hindi na maipinta ang mukha ni Nic dahil sa ibinalita ko.

"WHAT?!! nagkita na kayo ulit?! OMG!!!!! Destiny do exist sayo Kia!!!" Kinikilig na sabi pa ni Chelsea.

Samantalang si Nic naman ay halatang hindi nito gusto ang topic lalo na ang balitang magpapakasal na ako.

"Kelan namin sya makikilala Kia?! Im so excited na! Masayang sabi ni Chelsea habang nagti twinkle eyes ito.

"Ahmmm actually papunta na sya rito" nag aalangang sabi ko.

Dahil sa sinabi ko ay napalingon naman si Nic sa gawi ko.

"He's coming?" Maiksing tanong nito.

Tango lamang ang naitugon ko rito samantalang mas lalong dumilim ang anyo ni Nic dahil sa nalaman.

"Really?! Wait! We need to go to powder room Kia! Kelangan blooming ka palage!!" Excited na sabi ni Chelsea.

Mabilis akong hinila ni Chelsea at nagtungo na kami sa powder room.

" you need to put some powder and lip balm para di dry ang lips mo pag kaharap na natin sya" dire diretsong sabi nito habang busyng busy na lagyan ako nang make up sa mukha.

"Tsk! Chelsea parang o.a naman ata itong ginagawa natin." Reklamo ko rito.

"No no no no no!!! Tama lang to noh! Baka ipagpalit ka nun sa iba!" Sabi pa nito.

Dahil sa sinabi nito ay napa isip ako.

"Ipagpapalit nya kaya ako pagdating nang araw kung makakita na sya nang mas maganda at sexy kesa sa akin?" Tanong ko sa aking isipan.

Dahil sa isiping iyon ay parang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko at parang pinipiga ang puso.

"Hey? You okay Kia?" Nag aalalang tanong ni Chelsea.

Umiling lamang ako rito at ngumiti nang pilit.

"Hey! Cheer up!! Wag mong pansinin yung sinabi ko kanina. Di ka nun ipagpapalit." Pagchi cheer up nito sa akin.

Tumango lamang ako rito at ngumiti pero hindi na katulad kanina dahil medyo nalighten up na nito ang mood ko.

Matapos namin mag ayos ay mabilis na kaming lumabas at bumalik sa table na inuukupa namin.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon