Chapter 6

21.2K 468 10
                                    

Kia's POV

Pagkapasok nang mansion ay agad akong sinabihan ni daddy na sumunod sa kanya sa study room.

"Explain Kiara Lira" -daddy

Noong una ay nag aatubili akong sabihin kay daddy pero wala akong nagawa kundi sabihin dito ang nangyari.

"Dad it happened on the night when you introduced tita anna to me, i've got so upset so i decided to drank myself to forget the pain of being set aside from your decision without knowing my opinion or what would i feel, i just want you to make me feel that my opinion and presence is important whatever you want to do because I AM YOUR DAUGHTER!" Paliwanag ko kay dad na may halong lungkot at hinanakit.

"Then why you did'nt listen to me and let me explain?" Malungkot ngunit seryosong tugon ng aking ama.

"Because i want you to make effort to do it, to make me feel im so important but you did'nt dad! You never make it up to me." Naiiyak kong sabi.

"You're too old enough to understand everything Kiara Lira! If you've just stayed in this house that night and let me explain my side about getting married to anna then maybe your not pregnant by this time! Im so disappointed to you Kiara!" May hinanakit na sabi ni daddy

"So be it dad!!" Matapang kong sagot sa aking ama.

"I dont know you anymore, your no longer my daughter. You're a disgrace to this family, if your mom is still alive she'll probably be disappointed to you." -dad

Natulala ako sa sinabi nang aking ama at tahimik na umiyak.

"Leave this house, come back if you'll show us the father of that child" sabi ni dad sa pinal na boses.

"Dad you cant do this to me" pagmamakaawa kong sabi sa aking ama.

"Leave" seryosong sabi ni dad.

Di ako makapaniwala sa kanyang sinabi at umiyak bago ako nagmadaling lumabas ng study room ni dad. Dumiretso ako sa aking kwarto at kinuha ang mga gamit ko at nilagay sa isang malaking maleta. Umiiyak akong nag eempake ng aking mga gamit. Nang matapos na akong magligpit ng aking mga damit ay kinuha ko ang mga mahahalagang gamit ko tulad ng laptop,cellphone at ang aking personal bank passbook hindi ito alam ni dad dahil sarili ko itong ipon. Matapos kong ligpitin lahat ng gamit ay handa na akong umalis at dire diretsong nilisan ang mansion ng aking ama. Bago ako tuluyang makalayo ay nilingon ko muna ang tahanan kung saan ako lumaki at kung nasaan naroon ang ala-ala ng aking ina.

"Im sorry dad but im so disappointed to you i thought you are the one who will comfort me in this situation but you did'nt" mahina kong naiusal habang umiiyak.

Naglakad na ako paalis at nilisan na ang lugar.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pumasok pa rin ako sa unibersidad dahil fully paid na rin ang lahat nang aking babayaran sa school.

Habang naglalakad sa hallway ay napapansin kong pinagtitinginan ako habang nagbubulungan ang mga estudyante hanggang sa may tumulak sakin kaya napansandal ako sa pader.

"You slut! Ang kapal ng mukha mong lokohin si Blake!! Akala mo kung sino kang santa pero may kati ka rin palang tinatago!!"

Nagulat ako sa sinabi ni Cassandra ang pinsan na babae ni Blake.

"Cass let me explain! Hindi ko naman to sinadya mangyari eh"

"Wala ka ring pinagkaiba sa ibang babae na naikama na ni Blake! Nirespeto ka at minahal ng pinsan ko pero anong ginawa mo NAGPABUNTIS KA SA IBANG LALAKE!!!" Singhal sa akin ni Cassandra.

Napasinghap ako at natulala sa sinabi nya. Napatingin ako sa aking paligid at nakita kong marami nang mga estudyanteng nakapaligid sa amin. Naiiyak na ako pero nang makita ko si Blake na papalapit sa gawi namin ay nagkaroon ako ng pag asa na ipagtatanggol nya ako pero laking dismaya ko nang tumigil sya sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na may pandidiri at dismaya sa mukha bago niya ako nilampasan at hinila si Cassandra paalis sa kinaroroonan ko. Tumakbo nalang ako palayo para makaalis na agad doon at umuwi nalang sa bagong apartment na aking tinutuluyan at iyak lang ako nang iyak.

"Alam na nang lahat ang tungkol sa pagbubuntis ko at ang tingin nilang lahat sa akin ay maruming babae" naiusal ko habang humahagulgol ng iyak.

Narinig kong tumutunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag ang bestfriend ko na si chelsea.

"Hello" umiiyak kong sagot.

"Kia nabalitaan ko ang nangyari kanina. Nasaan ka?" Tanong ni chelsea.

"Dito sa bago kong apartment" sagot ko

"Bagong apartment? Teka wala ka sa mansion nyo" -chelsea

Hindi ko na nasagot ang tanong ni chelsea dahil humagulgol na ako sa pag iyak. Hiningi nya ang address ng bago kong apartment upang puntahan nya na lamang ako.matapos ang ilang minuto ay narinig kong may kumakatok sa pintuan at agad agad akong pumunta para ito ay pagbuksan.

"Oh god! Kia what happened?!" May pag aalala sa tono ng boses nya.

"Chelsea di ko na kaya. Si dad pinalayas na ako, si Blake galit na galit sa akin, lahat ng tao sa university iniisip marumi akong klase na babae. Ano bang ginawa kong kasalanan at nagkaganito ang nangyayari sa buhay ko." Mangiyak ngiyak kong sinabi.

"Andito pa naman ako kia" pagpapagaan ni chelsea sa aking kalooban.

"Salamat chelsea"

"Ahh nga pala kia may sasabihin ako sayo" nakayukong sabi ni chelsea.

"Ano yun chelsea?" Medyo kinakabahan kong tanong.

"Ah e kasi.. A-ano lilipat na ako sa a-amerika at doon na mag aaral." Sabi nito na hindi makatingin sa akin ng diretso.

Nakatulala lang ako sakanya habang
unti unting pumapatak ang aking luha.

"Kia lagi naman kitang tatawagan eh." Umiiyak nitong paliwanag para mapagaan ang aking kalooban.

"Pati ba naman ikaw chelsea iiwanan mo na ako?" Humahagulgol kong sabi.

" im sorry kiara yun kasi ang gusto ni mommy" malungkot nitong sabi.

Marahan akong tumango at niyakap ng mahigpit ang aking kaibigan.

"Kelan ang alis mo?" Tanong ko rito matapos kong humiwalay sa pagkakayap.

"Sa makalawa na." Malungkot nitong pahayag

tila nanlumo ako sa sagot nito dahil hindi ko inaakalang ganun na siya kalapit umalis.

Niyakap ko syang muli at sinabing..

" mamimiss kita chelsea. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sakin, maswerte parin ako dahil may isa akong kaibigan na tulad mo."

"Ako rin kia mamimiss kita. Sorry kasi kung kelan napaka bigat ng problema mo dun pa tyumempo ang pag alis ko. Hayaan mo lagi kitang tatawagan at kukumustahin at saka kung kelangan mo nang tulong wag kang mahihiyang tumawag sakin." -chelsea

Nagpaalamanan na kami sa isa't isa bago ito tuluyan umalis sa aking apartment.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon