Sorry kung laging bitin po update ko..
Thanks sa mga active readers na todo support!
At salamat rin sa mga silent readers kac kahit di kayo nagcocomment alam ko nagugustuhan nyo rin yung story ko.. Maraming salamat.Love Lots❤️
-LiL_jham💋
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tristan's POV
Nandito ako ngayon sa aking opisina kasama ang bestfriend ko na si Travis, nag iisip ako ngayon kung anong magandang gawin sa gabi na sasagot na si Kia sa proposal ko.
"Aaaaaarrrrrggggghhhhh" sigaw ko sabay tapon nang papel sa basurahan.
"Ano ba yan kasing ginagawa mo at frustrated kana masyado?" Takang tanong ni Travis habang prenteng nakaupo at nakasandal sa mini sofa.
"Hindi ko alam kung anong magandang gawin na proposal para kay Kia" paliwanag ko rito.
"Hmmmm i think pare sa kagaya ni Kia mas magugustuhan nya kung badboy style ka!" Natatawang suhestyon nito.
"Hindi ako nakikipag biruan Trav" inis na tugon ko rito.
"Pero pare seryoso, try mo kaya maging reckless minsan. Masyado ka kasing seryoso. At sa tipo ni Kia di mo sya madadala sa ngiti lang o pacute mo, try mo kaya inisin sya baka umepekto." Seryosong suhestyon nito.
Dahil sa sinabi nito ay may magandang ideya ang pumasok sa isipan ko.
Nag type ako nang isang contract saka prinint ito.
"Ano naman yan pare?"
"Kontrata." Simpleng tugon ko rito.
Kinuha naman nito sakin ang papel saka binasa.
"Pffffftttt.. Ahahahahahahahahaahhah!! Ano to pare? Joke ba to?!!" Tatawa tawang sabi ni Trav.
Sa inis ko ay kinuha ko sa kanya ang papel.
"Walang nakakatuwa!" Inis na sabi ko rito sabay irap.
"Pare natatawa talaga ako dun sa isa mong kondisyon. Ahahahahahaahahahh!!! Natatawa parin nitong sabi.
"Ano naman dun?" Takang tanong ko.
"Call you in a cute endearment?! Seriously pare?! Kelangan pa ba nun?! Ahahahahahahahahahahh.." Mas lalong lumakas ang tawa nito.
"Psh.. Ano naman? Eh sa gusto ko." Inis na sabi ko rito.
Tumigil na rin ito sa kakatawa at halatang pinipigil nalang nya ito.
"Ano nang gagawin mo ngayon?" Tanong nito habang pinupunasan ang maluha luha nyang mata dahil sa kakatawa.
"Basta pare, salamat sa suggestion mo ah kahit pinagtawanan mo ko." Inis parin na sabi ko rito.
"Come on Tris. Share mo naman sakin ang plano mo" pangungulit pa nito.
"Bahala ka jan! Umalis kana nga marami pa akong trabaho." Pagpapa alis ko rito.
"Ahahhah!!! Masyado ka namang pikon pare! Isipin mo ang isang Tristan the great casanova noong college days natin eh maglalagay nang isang kondisyon na tawagin sya sa isang cute endearment! Pare seriously nakakatawa talaga!! Ahahahahahaha" pambubuska pa nito sakin.
Hindi ko na lamang ito pinansin sa halip ay inisip ko na lang ang gagawin kong plano.
~ Mall ~
Tristan's POV
Kasama ko ngayon ang kambal at ipinapasyal ko sila.
"Daddy can we buy a doll? Please? Pretty please?" Sabi nang aking anak na si Kara habang naka puppy eyes.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...