Chapter 7

20.6K 467 2
                                    

Kia's POV

Nang makaalis si chelsea ay naiwan nanaman akong mag isa. Hanggang sa mapatingin ako sa aking tiyan.

"Baby im sorry kung pakiramdam mo maraming may ayaw sayo, andito lang si mommy poprotektahan kita at mamahalin."

Napangiti nalang ako sa aking mga nasabi. Nagpapasalamat parin ako kasi kahit nawala sakin ang mga mahahalagang tao sa buhay ko ay may munting anghel naman na darating sa akin.

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa aking apartment para pumunta sa ospital para magpa check up.

"Mrs. Asuncion kayo na po ang susunod." Sabi ng nurse.

Maya maya ay pinapasok na ako sa loob ng clinic.

"Hi Mrs. Asuncion, Im Dra. Reyes" nakangiting pagpapakilala ng doktora.

"Hello po Dra." Nahihiya kong pagbati.

"Hindi mo ata kasama ang iyong asawa"

Hindi ako nakasagot sa doktora at nagbigay na lamang ako nang isang tipid na ngiti.

Maya maya ay may mga itinanong siya sa akin at pinapasok ako sa isang kwarto na may mga aparato sa loob. Pinahiga nya ako sa isang kama na pang isang tao lamang, sa harap ko ay isang monitor na nakakabit sa mga aparato. May nilagay si doktora sa aking tiyan at pinaikot ikot sa tiyan ko na animoy may hinahanap roon nang bigla siyang magsalita.

"Do you hear the heartbeat of your babies?" Tanong ni doktora

"Babies?" Balik tanong ko kay doktora.

"Yes. Congratulations iha you have a twin" masiglang sabi ni doktora.

Habang ako naman ay naluluhang nakatingin lang sa maliit na monitor at tinitingnan ang mga munting anghel na nabubuhay sa aking sinapupunan.

Nang matapos ay pinaalalahanan ako ni doktora sa mga do's and dont's para sa aking pagbubuntis at niresetahan din niya ako ng mga vitamins para sa pagbubuntis ko.

Pagkagaling ko sa ospital ay dumiretso ako sa bayan para maghanap ng trabaho, marami na akong napuntahan at napagtanungan pero wala parin akong nakitang maaaring mapasukan. Nang makaramdam ako ng pagod ay napagdesisyonan kong umupo muna sandali sa tabi ng kalsada, nang makapagpahinga ako ay agad akong tumayo at naglakad para tumawid sa kabilang kalsada para umuwi, nang biglang makaramdam ako nang pagkahilo ngunit tiniis ko ito at tumuloy sa pagtawid nang biglang makarinig ako nang isang malakas na busina at paglingon ko ay bigla nalang akong natulala at di na magawang makaalis sa aking kinatatayuan hanggang sa mandilim na ang aking paligid.

~~~~~~~~~~~~~~

Nagmulat ako ng aking mata at isang puting kisame ang tumambad saakin. Paglingon ko ay may isang di pamilyar na lalake ang tumambad sa akin.

"You're awake! Thanks god!"

"Anong nangyari sakin?" Tanong ko sa lalake estranghero.

"Nahimatay ka sa gitna ng kalsada, noong una akala ko nabunggo na talaga kita yun pala nahimatay ka lang." Pagkikwento nito.

Saka ko lamang naalala at naintindihan ang nangyari kung bakit naririto nanaman ako sa ospital.

"By the way, im nicholas" pagpapakilala nito.

"Im Kiara"

Tinanggap ko ang pakikipag kamay nito. Si nicholas na rin ang nag bayad ng hospital bills ko, nagpumilit rin itong ihatid ako sa aking apartment hanggang sa napapayag niya rin ako dahil sa malalim na rin ang gabi.

Nang makarating kami sa aking apartment ay agad syang lumabas ng kotse upang pagbuksan ako at alalayan sa pagbaba.

"Gusto mo bang magkape? Halika sa loob." Pag iimbita ko sakanya.

Tumango lamang ito at sumunod sa akin hanggang sa mabuksan ko ang pinto at tumuloy sa loob.

"Maupo ka muna. Pasensya kana maliit lang itong apartment ko."

"Ok lang. Ikaw lang ba ang nakatira dito?" Tanong ni nicholas.

"A-ahh oo.." Nauutal kong sagot.

Nang matapos akong magtimpla ng kape ay dinala ko ito sa sala at iniabot sakanya..

"Ang sarap mo naman magtimpla ng kape." Puri nito

Tipid akong napangiti sa papuri nito.

Nang matapos magkape ay inihatid ko siya hanggang sa labas.

"Maraming salamat sa kape ah."-nicholas

"Ahh wala yun.. Salamat nga pala ulit sa pagtulong mo saken kanina." Sabi ko rito.

"O pano mauna ako. Goodnight Kia" paalam nito.

"Ahh sige, ingat goodnight din!" Tugon ko sakanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry lame chapter po ito.

Please vote and comment po.

Love Lots❤️

liL_jham

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon