An Ending of a Story is also a start for a new one.

22.5K 397 49
                                    

Tristan's POV

5 years later

Mataman lang akong nakatingin sa aking mga anak habang sila ay masayang naglalaro. Matagal rin magmula nang huling mangyari ito.

Flashback

"Tristan tatapatin na kita. Kia has a brain tumor at kelangan niyang maoperahan as soon as possible bago pa ito tuluyang maging brain cancer" diretsong sabi sa akin nang doktor na tumingin kay Kia matapos itong makaramdam nang matinding pananakit nang ulo.

"Magiging maayos naman diba si Kia after nang operation dok? Kung yun po ang makakabuti sa kanya gawin nyo na po." Sabi ko sa doktor.

"Tristan hindi ko maipapangako na magiging maganda ang resulta nang operasyon ni Kia pag ito ay isinagawa na dahil maaring ma-comatose siya o di kaya ay magkaroon nang amnesia ang asawa mo kahit maging successful pa ang operasyon pero mas maigi na iyon kesa naman nawala siya nang tuluyan" paliwanag sa akin nang doktor.

Marahan na lamang akong tumango bilang pag sang ayon rito.

Matapos naming mag usap ay umalis na rin ang doktor habang ako ay naiwang malalim ang iniisip.

"Fuck!!! Bakit pa kelangang mangyari to kung kelan ayos na ang lahat!" Inis na sabi ko saka napasabunot na lamang sa aking buhok.

Nang kumalma na ako ay bumalik na ako sa kwarto ni Kia. Nadatnan ko itong mahimbing na natutulog, pinagmamasdan ko ito saka dahan dahan akong lumapit rito para tumabi, hinawi ko ang ilang hibla nang buhok na tumatakip sa kanyang magandang mukha saka ginawaran ko itong nang masusuyong haplos. Dahan dahan naman itong nagmulat nang kanyang mga mata.

"Hey?" Pagbati nya sakin saka ngumiti nang tipid.

"Nagising ba kita?" Mahina kong tanong rito habang patuloy parin ako sa paghaplos sa kanyang buhok.

"Hindi naman! Tah? Anong sabi nang doktor?" Sabi nito.

"H-Huh?! A-Ahh e-ehh?" Nauutal kong sabi dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sakanya.

"Hon? May problema ba?" Nag aalala nitong tanong habang ako naman ay hindi makatingin sakanya nang diretso.

"Hon? Is there something wrong? Pwede bang sabihin mo naman sa akin." Sabi nito at ramdam ang matinding pag aalala sa boses nito.

Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga saka ko npgdesisyonang sabihin rito ang sinabi sa akin nang doktor. Nang malaman ito ni Kia ay agad itong naiyak habang ako ay napayakap na lamang rito nang mahigpit, ramdam ko ang sakit at paghihinagpis nito sa bawat hikbi at iyak na pinapakawalan nito.

"Tristan! Please help me... Ayokong iwan kayo nang mga bata." Mangiyak ngiyak nitong sabi.

Marahan lamang akong tumango rito saka niyakap ito nang mahigpit at pilit itong pinapatahan.

"Aaaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrggggghhh!!! Ang saaaaaakkkiiiit!!!!" Sigaw nito habang nakahawak sa kanyang ulo.

Mabilis na dumating ang mga doktor saka mabilis na inasikaso si Kia.

"Dok?!! Ano na pong nangyayari sa asawa ko?!" Natatarantang tanong ko rito.

"Mr. Samaniego we need to do the operation to your wife as soon as possible bago pa lumala ang sakit nito." Diretsong sabi nang doktor.

Tila napako naman ako sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi nito ngunit mabilis rin akong napabalik sa aking huwesyo nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Kia dala nang matinding sakit na nararamdaman nito.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon