Tristan's POV
"What the heck dad!! You can't force me to do that!" Galit na asik ko sa akong ama.
"What do you want me to do? Pabayaan nalang bumagsak ang kompanyang buong buhay kong pinaglaanan pati na rin nang mga lolo mo!" Ganting bulyaw rin nito.
"I-Im sorry dad but i can't!" Nauutal kong tugon rito dahil kahit ako ay hindi makapaniwala sa gustong mangyari nito.
"Think about it Tristan. Ngayon lang ako humingi nang pabor sayo." Malumanay na sabi nang aking ama.
Matapos naming mag usap nang aking ama ay umalis na rin kami agad para umuwi na sa bahay ko kasama sina Kia at ang kambal.
"Hon you can tell me what's bothering you. Maybe i can help you." Nag aalalang sabi ni Kia.
Ngunit nanahimik nalang ako dahil alam kong masasaktan ito pag nalaman niya. Hindi na ito muling nagtanong kaya't tahimik lang kami buong byahe pauwi sa aming bahay.
~Tristan's Residence~
Pagkapasok namin ay inihatid naming mag asawa ang kambal namin sa kanilang kwarto. Sabay kaming pumunta sa aming silid ngunit wala pa rin kaming imikan dalawa.
Pagkapasok sa aming kwarto ay dumiretso ako agad sa banyo para maligo at makapag isip na rin. Nang matapos akong maligo ay nakaupo lamang si Kia sa gilid nang kama. Pumasok ako sa walk-in closet namin at nagbihis na nang damit pantulog.
"Hindi ka pa ba maliligo hon?" Tanong ko rito.
Ngunit imbes sagutin ang tanong ko ay tiningnan niya lamang ako nang mataman.
"Tristan tell me what's the problem. I just can't stand here seeing you like that. Hindi ako sanay." Nag aalala at malungkot nitong sabi.
Dahil sa sinabi nito ay natahimik lamang ako dahil hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya lalo na't buntis ito.
"Just trust me Kia. I'll fix everything. You dont need to worry. Just take care of yourself and our baby." Nakangiti kong sabi upang mapanatag ang kalooban nito.
Marahan lamang itong tumango at ngumiti nang tipid. Inalalayan ko naman ito sa pagtayo saka ito tumungo sa banyo para maligo.
Nang makapasok na ito sa banyo ay napahilamos ako sa aking kamay at tila pagod na pagod na naupo sa kama.
"Bakit ngayon pa ito nangyari! Ano nang gagawin ko ngayon!" Inis kong sabi sa aking isipan.
Nakahiga na ako sa kama nang maramdaman kong palabas na nang banyo si Kia kaya't nagkunwari akong natutulog na dahil alam kong kukulitin lang ako nito tungkol sa aking problema.
"Tsk tsk.. Ang bilis nya naman natulog hindi nya manlang ako hinintay." Dinig kong sabi nito.
Matapos nang ilang minuto ay naramdaman kong gumalaw ang katabing bahagi nang kama senyales na humiga na rin ito sa aking tabi.
"Hon kung ano man yang problema mo lagi mong tatandaan na nandito lang ako at handa kang tulungan sa abot nang aking makakaya dahil mahal na mahal kita" madamdaming sabi nito at biglang naramdaman kong marahan ako nitong hinalikan sa labi saka umayos nang higa sa aking tabi at yumakap sa akin.
Nang masiguro kong tulog na ito ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na yakapin ito nang mahigpit at bigyan nang halik sa sintido nito.
"Mahal na mahal rin kita hon. Wag kang mag alala aayusin ko ang problemang ito." Bulong ko rito saka niyakap ito nang mahigpit at natulog na.
~Kinabukasan~
Kia's POV
Nagising ako at napagtantong wala na si Tristan sa aking tabi. Nalungkot ako sa isiping hindi manlang ako nito ginising para magpaalam. Kahit ayaw ko pang bumangon ay pinilit ko parin dahil nakaramdam na ako nang pagkagutom. Kinuha ko muna ang crackers na nakalagay sa ibabaw nang aming side table pero napangiti ako nang mapansin kong may nakadikit na note roon.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...