Chapter 12

20K 532 6
                                    

Thanks readers for the support!❤️

Sana magustuhan nyo!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tristan's POV

Nandito ako sa harap ng gate nang school na pinapasukan ng aking kambal. Mixed emotion ang nararamdaman ko dahil kinakabahan ako pero at the same time excited at masaya ako dahil finally makikita ko na sila at makilala. Papasok na ako sa loob nang eskwelahan at pumunta sa information office para malaman kung saan ang class section nang aking kambal. Nang makuha ko na kung saan ito ay agad akong pumunta pero hindi pa pala tapos ang klase kaya't naghintay na lamang ako pero hindi ko maiwasan na kabahan dahil ito ang first time na magkikita kami at mag uusap. Medyo akward rin dahil sa mga nanay ng mga estudyante rito na kanina pa tumirtingin sa akin na animo'y mga dalaga pa dahil kapansin pansing nagpapacute at kinikilig ang mga ito. Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell na senyales na tapos na ang klase ay naglabasan na ang mga bata at kanya kanyang pumunta sa kanilang mga magulang. Napansin kong lumabas na rin ang kambal at umupo ito sa may bench na animo'y may hinihintay. Lumapit ako rito saka tinabihan ang mga ito.

"Hello" kinakabahang bati ko sa dalawa.

Ngunit ang batang babae ay ngumiti lamang sakin.

"Hi po!" Masiglang tugon nito.

"Hey! Kara mom told us not to talk to strangers!" Suway nang kapatid nito.

Dahil sa sinabi nito ay napapangiti na lamang ako dahil napakamasunurin nang anak kong lalake sa bilin sa kanya nang ina.

" di naman ako stranger eh. Kaibigan ako nang tito Nic ninyo at kilala rin ako nang mommy nyo." Pagpapaliwanag ko sa mga ito.

"Kita mo na Larius hindi naman pala sya stranger eh. Kilala pala sya ni mommy at tito Nic" sabi ng aking anak na babae.

Umirap na lamang ito saka ibinaling nang anak kong lalake ang kanyang atensyon sa kanyang libro.

"What is your name kids?" Tanong ko rito sabay haplos sa ulo nito at pasimpleng bumunot nang ilang hibla nang buhok

" im Kara Lielle Asuncion at sya naman po ang kakambal ko na si Larius Kielle Asuncion. Kayo po anong pangalan nyo?" Masiglang pagpapakilala nito na hindi alintana ang pagbunot nang ilang hibla sa buhok nito.

"Im your t-tito Tristan Samaniego" pagpapakilala ko rito sabay abot nang kamay para makipag shake hands tanda nang pagpapakilala.

Nang biglang may humablot sa dalawang bata at paglingon ko ang kanilang ina ang humatak sa dalawa.

"What are you doing here Mr. Samaniego?" Asik na tanong nang ina ng kambal.

Ngunit imbes na sagutin ito ay yumukod ako upang tingnan ang dalawang batang pilit nyang itinatago sa kanyang likuran.

"Aren't you gonna introduce me to OUR  kids." Sarkastiko kong sabi dahil sa inis na nararamdaman ko dahil animo'y may isa akong sakit na nakakahawa para gayon nya na lang ilayo at itago sa akin ang mga bata.

Nabaling ang aking atensyon nang magtanong ang anak kong babae.

"Mommy? Is he our daddy?"

Naaawa ako sa aking mga anak dahil hindi man lang masabi sa kanila nang ina ang katotohanan. Pero imbis sagutin ito nang kanilang ina ay humarap ito sakin.

"We need to go Mr. Samaniego. I hope this will be the last time you'll bother my family." Madiing saad nito bago tuluyang hinila ang kambal papalayo sa aking kinaroroonan. Tinatanaw ko na lamang ang aking mag iina palayo at nang sila'y mawala sa aking paningin ay kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa.

"Hello Trav, I just want to do a DNA test." Sabi ko rito.

"What?! Did you impregnant Hannah? I thought you two broke up 2 years ago?" Naibulalas nito dahil sa sobrang gulat.

"No. Its not Hannah. I can tell you but not now. I'll just send you the specimen. Bye." Sabi ko rito bago pinatay ang cellphone.

"This is not over yet. Im just starting to get what's right for me." Sabi ko sa sarili ko bago tuluyang nilisan ang paaralan.

~After 2 weeks~

Tristan POV

Abala ako sa pagpirma nang mga project at proposals nang biglang tumunog ang aking intercom.

"Sir, Mr. Castillo is here to see you" pag inform sakin nang aking sekretarya.

"Let him in" sagot ko rito.

Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan at iniluwa nun ay ang kaibigan ko na si Travis.

"Here's the result pare" sabi nito sabay abot sakin nang isang brown envelop.

Prente naman itong umupo sa mini sofa na nasa loob nang aking opisina. Kinakabahan ako habang binubuksan ang envelop na hawak ko.

99% positive

Basa ko sa resulta nang isinagawang DNA test.

"Ngayon Kiara wala ka nang lusot dahil hawak ko na ang nagpapatunay na anak ko nga ang kambal" sabi ko sa aking isipan.

Matapos kong mabasa ang result nang DNA test ay agad kong tinawagan ang aming family lawyer.

"Hello Atty. Gonzales. I want to file a custody rights againts Ms. Asuncion.

Matapos kong sabihin yun sa aking abogado ay agad kong pinatay ang tawag.

"Whooa pare. Tama ba ang dinig ko nag file ka nang custody rights.?" Pambubuska nito.

"Kelangan kong gawin yun pare para matuloy na ang plano ko." Nakangisi kong sabi kay Travis

"Tsk tsk! Ingat lang pare baka ikaw lang ang balikan nang mga pinaggagawa mo" paalala nang aking kaibigan.

Tinignan ko na lamang ito saka napasandal sa aking swivel chair.

"Humanda kana Kiara. Im gonna make you fall for me so hard" sabi ko sa aking sarili.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Whooahh.. Natapos ko rin ung update.

Please vote and comment guys!!

And to my active readers thank you nang marami!pati na rin sa mga silent readers! Thanks you so much

Love Lots❤️

-LiL_jham💋

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon