Chapter 34

16.3K 359 8
                                    

Kia's POV

Magkatabi kami ni Tristan sa dalampisagan habang nakaakbay ito sa akin at ako naman ay nakahilig sa kanyang matipunong dubdib at sabay naming pinapanuod ang papalubog na araw.

"Hon?" Masuyong tawag ko kay Tristan.

"Hmmmm?" Tugon nito nang hindi tumitingin sakin at nakatanaw parin sa papalubog na araw.

"Thank you for coming into my life and make my everyday wonderful" madramang sabi ko rito.

Napangiti ito sa aking sinabi saka tiningnan ako nang masuyo at marahang hinalikan sa noo.

"No. I am the one who should be thankful that you came into my life and make my life happy and meaningful." Nakangiti nitong sabi saka dahan dahang hinalikan ako sa labi.

Masuyo at punong puno nang pagmamahal ang iginawaf nitong halik. Pareho kaming humiwalay nang kapusin na kami sa paghinga. Nakatitig lang kami sa isa't isa at wari'y nag uusap ang aming mga mata.

"I love you hon!" Nakangiting sabi ni Tristan.

"I love you more my pinkybutt!" Tugon ko rito na may pilyang ngiti sa aking mga labi.

Isang nakakalokong ngiti naman ang itinugon nito sa aking sinabi at walang patumpik tumpik na kinarga ako nito tulad nang sa mga bagong kasal.literal naman talaga kaming bagong kasal.

"Then i'll show you again my pinky butt" sabi nito at nag smirk.

Tila pinamulahan ako nang mukha dahil sa hiya ngunit ngumiti naman ako sa kapilyuhanh iniisip nito.

Pumunta na kami sa aming tinutuluyang villa at magdamag naming ginawa na tanging mag asawa lamang ang gumagawa.

~Kinbukasan~

Kia's POV

Nagising na ako dahil sa tumatamang sinag nang araw sa aking mukha. Nangunot ang aking noo nang makita kong wala na si Tristan sa aking tabi pero napangiti na rin ako dahil napansin kong nakasuot na ako nang damit gayong natulog kami nang sabay na walang saplot sa aming katawan.

"Ang sweet talaga nang asawa ko!" Sabi ko sa aking isipan.

Biglang naramdaman kong maduduwal na ako ay mabilis akong bumangon upang magtungo sa banyo at duon nagduwal.

Naramdaman ko namang may masuyong humahagod sa aking likuran habang nagsusuka ako.Tiningnan ko lamang ito na parang pagod na pagod. Ngunit masuyong nginitian lamang ako ni Tristan saka marahang pinunasan ang butil butil na namuong pawis sa aking mukha. Napangiti na rin ako saka inabot ang kamay nito upang tumayo sa pagkakaupo ko sa harap nang toilet bowl kung saan ako nagsuka.

Inalalayan ako nito sa paglalakad at nang makarating kami sa kama sa loob nang kwarto ay dahan dahan ako nitong inalalayan saka iniabot ang isang baso nang tubig na nakalagay sa side table nang kama.

"Nakalimutan mo nanaman sigurong kumain nang crackers pagkagising mo kaya napaduwal ka nanaman." Masuyo nitong sabi.

Natahimik naman ako sa sinabi nito dahil totoo iyon. Napangiti na lamang ako nang marahan niya akong hinalikan sa noo.

"Anong gustong kainin nang mag ina ko?" Nakangiti nitong sabi saka lumuhod sa aking harap at hinimas ang manipis kong tiyan.

"Hmmmmmm?" Sabi ko na tila nag iisip.

"Gusto namin ni baby nang beef teriyaki!" Nakangiti kong sabi.

"Okay!" Nakangiti nitong tugon.

Tatayo na sana ito upang magtungo sa kusina nang pigilan ko ito.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon