Thanks for the support mga readers!
Love Lots❤️
-LiL_jham💋
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kia's POVNakahiga na ako sa aking kama pero ang isip ko ay nasa nangyari parin kanina. Hindi ko lubos maisip kung bakit nya ako hinalikan, kung para saan ito. Napagdesisyunan ko na matulog nalang pero nakailang ikot na ako sa kama pero hindi parin ako dalawin nang antok, ginulo gulo ko ang aking buhok dahil sa sobrang inis, nang mapansin kong may nagtext sakin.
"Can't sleep? Still thinking about the kiss?" Text nang isang unknown number pero alam na alam ko kung sino iyon.
Dahil sa text ay mas lalo akong nainis.
"Bakit ko naman iisipin yun?" Mataray na reply ko rito.
"Tsk! I knew it! Your still up! Can't sleep coz you can't get over by my kiss" nang aasar na reply nito.
"Kapal! Hindi no!" Masungit ko na reply.
"Then? Why are you still wake up this late?"reply nito.
Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko kung bakit gising pa ako kaya napagpasyahan kong wag na ito ireply.
Matapos ang ilang minuto ay nag beep ulit ang phone ko senyales na may nagtext, mabilis ko itong binuksan at binasa.
"Okay i'll just pretend you're not affected by my kiss. Goodnight Lira!" Basa ko sa text nito.
Asar na asar ako sa text nito kaya itinago ko nalang ang cellphone ko sa drawer nang side table ko.
"Kainis!! Napaka antipatiko!!" Inis na naibulas ko.
Lumabas nalang ako sa aking kwarto upang magtungo sa kusina at magtimpla nang gatas.
Naupo ako sa upuan at dahan dahang ininom ang gatas na tinimpla ko. Nang matapos akong uminom nang gatas ay bumalik na ako sa kwarto at nahiga nang muli pero sa isang parte nang aking utak ay may nag uudyok na kunin ang cellphone ko at i-check, di rin ako nakatiis at kinuha ang cellphone ko sa drawer. Nakita kong may isang text message kaya madali ko itong binuksan.
Here's your free ringback tone for the week:
***********
"Akala ko nagtext pa sya" may pagkadismayang sabi ko.
"Wait! Bakit ko naman aasahan ang text nya!hmp!" Sabi ko saka madaling ibinalik ang phone ko sa drawer at nahiga para matulog.
~Kinabukasan~
Kia's POV
Antok na antok akong bumangon sa kama dahil nakukulangan pa ako sa tulog pero di ako pwedeng ma-late dahil ihahatid ko pa ang kambal sa school. Mabilis akong pumunta sa banyo upang maligo at nang matapos akong maligo ay mabilis akong nagbihis at lumabas nang aking kwarto. Pababa na ako sa hagdan nang makarinig ako nang maliliit na hagikgik galing sa anak kong si Kara. Nakita ko ang mga ito na bihis na at ready nang pumasok sa school pero ang mas naka agaw sa pansin ko ay ang ama nilang sobrang hot at cool at the same time dahil sa suot nitong cargo shorts at white v-neck t-shirt kaya kitang kita ang bakat nang mga muscles nito.
"Goodmorning..Enjoying the view?" Sabi nito sabay smirk.
At pati mga anak ko ay natawa dahil sa sinabi nang ama.
Tinaasan ko lamang ito nang kilay sabay lapit sa kambal para halikan sa pisngi.
"Let's eat breakfast twins" pag aya ko sa kambal.
Agad namang nagtungo ang kambal sa kusina para kumain, susunod na sana ako sa kambal nang mapansin kong hindi parin tumitinag sa pagkakatayo ang ama nila.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...