Dahil sa mga walang sawang sumusuporta sa story ko. Here's the update.
Iloveyou readers! Wala man akong lovelife!! At broken si author. Atleast di ako broken sa story na to dahil sa inyo.
Love Lots❤️
-LiL_jham💋
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kia's POV
Its been two weeks since nagpropose sakin si Tristan, a wrecked proposal. Hanggang ngayon di ko parin makalimutan ang ginawa niyang pagsira nang moment na yun. Aaaaarrrgghhh !!! nakakainis lang!!Pero infairness since nangyari yun naging extra sweet sya sakin at talagang bumabawi siya sakin pero nunka di ako papadala sa mga diskarte nya.
~Flashback~
Nasa opisina ako ngayon at gumagawa nang bagong strategy plan proposals nang coffee shop nang biglang may kumatok.
"Come in" tipid na sabi ko.
Nagulat na lamang ako na napaka raming bulaklak ang ipinapasok sa opisina ko. Take note favorite flower ko pa na white roses. Hanggang sa may pumasok sa loob at ibinigay sa akin ang isang bouquet nang white roses, nagpasalamat ako rito at nang makalabas sila ay agad kong binuksan ang card na nakalagay sa bouquet na ibinigay sakin at binasa.
Im sorry for what i have done
Please forgive me and give a chance.-T.S
Nang mabasa ko ito ay agad kong pinatawag ang sekretarya ko at pinahakot palabas ang mga bulaklak na pinadala sakin.
"Anong tingin nya sakin? Patay? Naku di nya ako madadala sa mga pagpapadala nya nang bulaklak!" Inis kong sabi sa sarili ko.
Matapos kong ipatapon lahat ay nawalan na ako nang gana magtrabaho kaya napagpasyahan kong umuwi nalang.Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis. Nang pababa na ako nang hagdan ay may biglang nag doorbell, agad itong pinuntahan ni manang tessa at ako naman ay dumiretso sa sala at umupo sa sofa sabay bukas nang t.v at nanuod.
"Ma'am Kia may delivery po para sainyo.
Pagkasabi nya nun ay nilingon ko ito saka ko nakita ang isang napaka laking teddy bear na kulay purple at maraming box nang toblerone at ferrero rocher na chocolates.
Pagkakita ko agad ay iisang tao lamang ang nasa isip ko na magbibigay nito.
"Manang yung stuffed toy ipasok mo sa kwarto nang kambal at yung mga chocolates ay ipamigay mo nalang sa mga anak at apo mo." Utos ko kay manang tessa.
"Ma'am may card po, baka gusto nyong basahin" sabi ni manang tessa.
"Hindi na manang pakitapon na rin ho!" Sabi ko na lamang rito saka itinuon ang sarili sa panunuod nang t.v
~End of Flashback~
Marami pa syang ipinadala na kung ano ano saking panuhol para lang mapatawad ko siya, pero its a big NO! bahala siya sa buhay nya!
"Mommy! Lets eat dinner na!" Pag aaya sakin nang anak ko na si Kara habang hinihila ako nito papuntang kusina.
"Kara slow down, baka madapa tayo!" Sabi ko rito
"Mommy bilisan mo po!" Pagmamadali sakin ni Kara.
Hinayaan ko na lamang ito at napatianod na ako sakanya. Pagkapasok namin sa kusina ay isang mabangong amoy na niluluto ang sumalubong sa akin.
"Hmmmmmm! Ang bango naman nun!" Sabi ko sa aking sarili.
Paglingon ko sa taong nagluluto ay laking gulat ko dahil si Tristan ang nagluluto at take note half naked ito at nakasuot nang apron ni manang tessa na floral pink.
Kahit natatawa ako sa itsura nito at pinagnanasaan ang katawan nito at the same time ay hindi parin ako nagpahalata sa kanya at inirapan na lamang ito.
"The food is ready!" Anunsyo nito.
"Hmmmm! Ang bango naman nyan daddy!" Puri ni Kara sa ama nito.
"Syempre! Special yan kac niluto ko yan para sa inyo at sa mommy nyo!" Sabi nito sa kambal at lumingon sakin sabay kindat.
Pinandilatan ko lamang ito nang mata saka inirapan dahil hindi parin niya ako madadala sa mga pacute nya.
Naghain na ito nang pagkain sa mesa at nang nilagay na niya ang plato sa harapan ko ay may nakasulat roon gamit ang mga gulay at kanin.
"Sorry" yan ang nabasa ko.
Tiningnan ko lamang ito at inirapan dahil ayoko parin patawarin ito.
Nagsimula na kaming kumain at talagang napaka sarap nang niluto nitong afritada. Napatingin ako rito at napansin ko ang kalungkutan sa mukha nito pero agad rin itong nawala nang kausapin sya nang kambal.
"Daddy super sarap po na niluto niyo!" Sabi nang anak kong si Kara
Ngumiti lang ang kanyang ama ngunit hindi katulad nang dati na pati mata nito ay ngumingiti rin.
Nang matapos kumain ay nagpresenta ako na ako na ang maghuhugas nang pinagkainan. Dumiretso naman ang mag aama sa sala at nanuod nang t.v at naiwan akong mag isa sa kusina.
"Patatawarin ko na ba?" Tanong ko sa aking isipan pero agad ko rin ipinilig ang aking ulo at umiling iling.
"No Kia! Hindi ka pwede madala sa mga style nya!" Suway ko sa aking sarili.
Paglabas ko nang kusina ay hindi ko nadatnan ang tatlo sa sala, bigla naman umusbong ang kaba sa aking dibdib at inisip na baka tinangay ni Tristan ang kambal at tuluyan nang ilayo ang mga ito sa akin.
Patakbo akong lumabas nang bahay at nagulat ako dahil naroroon ang mag aama ko.
"Im sorry Kia! Ang tanga tanga ko kasi sinira ko pa yung magandang moment natin! Sana patawarin mo na ako. This song is for you" sincere na sabi ni Tristan
Tumugtog na ang music nito at sinimulang kantahin ang kanta na Runaway nang ezra band.
Say its true
There's nothing like me and you
Not alone
Coz i know you feel it too..Habang kumakanta ito ay lumapit ang kambal sa akin at iniabot ang tig isa nitong white roses na hawak.
Coz i would runaway..
I would runaway yeaah yeah..
I would runaway..runaway
I would runaway with you..Coz i-i have fallen in lo-love with you
No! I'll never have
I'll never gonna stop falling inlove w/you..Nang matapos itong kumanta ay lumapit ito sa akin.
Nanunubig na ang mga mata ko dahil sa overwhelming na pakiramdam na nararamdaman ko.
Hindi ko inaasahang lumuhod ito sa harapan ko.
"Im so sorry Lira! Please forgive me! I just cant stand knowing you are mad at me.." Pagsusumamong sabi nito sa akin.
Napatango na lamang ako rito at mabilis naman itong tumayo at niyakap ako.
"Thank you Lira! Di ko na uulitin sa susunod!" Masayang sabi nito.
Humiwalay naman ako sakanya sabay hampas sa braso nito.
"Talagang di mo na mauulit yun dahil once in a lifetime lang yun!" Natatawang sabi ko habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata.
"Yey!!! Success ang plano natin Larius!!" Masiglang sigaw ni Kara at nakipag apir pa sa kakambal nito.
Natawa na lamang kami ni Tristan sa dalawa. Kinarga naman ni Tristan ang kambal.
"Thanks twins! Kundi dahil sa plano nyo hindi kami magbabati nang mommy nyo!" Masayang sabi nito sa kambal.
Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang mag aama kong nagkukulitan.
"Family hug!!!" Masayang sabi ni Kara at nag family hug kami.
Sana ganito nalang kami palagi. Masaya at kompleto.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please vote and comments guys!Love Lots❤️
-LiL_jham💋
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...