Kia's POV
Nakaupo lang ako sa may balkonahe ng aking kwarto habang iniisip ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na limang taon.
Flashback
"Nic maaari mo ba akong tulungan?" Tanong ko sa binata.
"Sure! Ano yun?"
"Gusto ko kasing magtayo nang isang negosyo para naman lumago yung ipon kong pera." Sabi ko sa binata.
"Sure, ano bang gusto mong itayo na business?"
"Gusto ko sana magtayo ng isang coffee shop"
"Maganda nga yan. Nakahanap ka na ba ng location?" Tanong nito.
"Actually wala pa nga. Pwede mo ba akong tulungan maghanap? Kasi medyo mahirap ang pagbubuntis ko.
"Sige, mayroon akong kakilala na pwede tayong tulungan sa paghahanap." Ani ni Nicholas
"Talaga salamat Nic ah.!" Masaya kong tugon sa binata.
~makalipas ang 2 linggo~
"Naku! Nic ang ganda ng location na nahanap mo! Perfect spot ito para sa itatayo kong coffee shop!" Masayang sabi ko kay nic.
"Buti nagustuhan mo! Medyo may kamahalan pero alam ko na ito yung magandang lugar para sa negosyo mo!" Nakangiting saad ni Nic.
Nang araw ring yun ay nakipagkita kami ni Nic sa isang interior designer para sa itatayo kong coffee shop. Sobrang laki nang naitulong sa akin ni Nic para matupad ko ang isa sa mga pangarap ko.
Matapos namin kausapin ang designer para sa itatayo kong coffee shop ay inaya ko si Nic kumain sa isang restaurant bilang pasasalamat sa ginawang tulong nito sa akin.
"Nic maraming salamat talaga sa tulong!"
"Wala yun! Di na rin iba ang turing ko sayo!" Nakangiting sagot nito.
Dumating na ang inorder namin at nagsimula na kaming kumain nang biglang magtanong si Nic.
"Wag mo sanang mamasamain ang itatanong ko sayo Kia."
"Ano yun?"
"Sino ba ang ama nang dinadala mo at bakit hinahayaan ka nyang itaguyod mo ang sarili mo mag isa?"Seryosong tanong ng binata.
Nasamid ako sa tanong ni Nicholas.
"a-ahh e-ehh kasi ano?" Nauutal kong sabi.
"Sige hindi na ako magtatanong. Mukhang di mo pa kayang sabihin sakin" sabi ni Nic bago bumalik sa pagkain nito.
Natahimik ako sandali at nag-isip.
"Ang totoo nyan di ko kilala ang ama ng mga anak ko. Nakakahiya man pero nabuo sila dahil sa pagkakamali kong makipag one night stand sa isang lalakeng di ko kilala, at dahil din dun ay itinakwil ako nang aking ama, pero may dahilan ako akala ko pag ginawa ko yun makakalimot ako sandali sa mga problema ko pero di pala sa halip nadagdagan lang." Nakayuko kong pagkekwento rito.
Napatigil si Nic sa pagkain at napatingin sa akin ng mataimtim.
"Wag kang mag alala, andito lang ako. Hayaan mo tutulungan kita hanggang makakaya ko!nakangiti nitong sabi.
Napatingin ako sa binata na may nangingilid na luha sa aking mga mata, napangiti ako rito saka hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa mesa.
"Maraming salamat Nic!" Mangiyak ngiyak kong sabi kay nic dahil sa sobrang tuwa.
"Wala yun, at saka sino ba ako para husgahan ka at alam ko na mabuti kang tao" nakangiti nitong sabi.
~End of flashback~
Naputol ang pag iisip ko nang tumunog ang cellphone at nang tingnan ko ay si Chelsea ang tumatawag.
"Hello?" Pagbati ko rito.
"Kia! Guess what?!" Masayang sabi nito.
"Bakit? Anong meron?"
"Im going home! Pumayag na si mommy na bumalik na ako jan!!" Masiglang pagbabalita nito.
"Really?! Kelan ba dating mo para masundo kita?!" Masayang tanong ko saking kaibigan.
"Actually nextweek na uwi ko jan!"
"Sige chelsea, call me when you got here! I miss you!"
"A'right! Goodnight Kia! Cant wait to see my mga inaanak!" Sagot nito bago ko pinindot ang end button.
Dumiretso na ako sa aking kama para magpahinga pero tila hindi mawaglit sa aking isipan ang mukha nang ama nang aking mga anak. Pinilit kong ipiksi sa aking isipan ang kanyang mukha saka pumikit upang matulog.
~Kinabukasan~
Kia's POV
Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa aking mukha. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para makapaligo na. Matapos ko maligo ay nagbihis na ako nang isang simpleng white long sleeves blouse na tinuck in ko sa aking suot na black skirt. Naglagay rin ako ng konting powder sa mukha pati ng eyebrow at mascara at pati na rin lip balm. Bahagya kong kinulot ang dulo ng aking buhok na hanggang beywang at pinonytail. Nang matapos ako mag ayos ay sinuot ko ang aking black stilleto saka bumaba na ako at pumunta sa kusina, naabutan ko ang kambal ko na kumakain na nang kanilang almusal.
"Goodmorning mommy! we dont wake you up kanina kasi sabi ni Larius late ka na raw natulog kagabi". Sabi ni Kara.
Napaisip ako at napatingin sa anak ko na si Larius.
"Mommy dont look at me like that, pupunta sana ako sayo kagabi kasi hindi ako makatulog kaya lang po naabutan kitang malalim ang iniisip kaya di na po kita inistorbo." Dire diretsong sabi nang anak ko na si Larius.
Lumapit ako rito saka niyakap silang dalawa.
"Alam nyo naman na kahit kelan hindi kayo magiging istorbo sakin. Mahal na mahal kayo ni mommy." Sabi ko sakanila habang nakayakap.
Matapos ang yakapan naming mag iina ay umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay napapatingin ako sa aking kambal at napapangiti at napa isip na kung makikilala kaya sila nang kanilang ama ano kayang magiging reaksyon nito pero agad ko rin pinalis sa aking isipan ang isiping iyon at tinapos ko na kumain nang agahan.
Matapos kumain ay agad kinuha nang kambal ang kanilang mga gamit sa school para maihatid ko na sila.
~St.Michael Academy~
"Bye mommy!" Sabi nang aking kambal matapos humalik sa aking pisngi saka bumaba nang sasakyan.
"Bye! Take care and be good twins!" Sabi ko rito habang tinatanaw ko ang dalawa habang papasok ang mga ito sa loob nang kanilang paaralan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry for lame update.Please vote and comment!
I'll do appreciate it so much!Love Lots❤️
-LiL_jham💋
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...