Chapter 10

21.5K 473 10
                                    

Kia's POV

Pagpasok ko sa loob nang aking coffee shop ay binati ako nang aking mga staff, hanggang sa mapadako ang aking paningin sa isang pamilyar na bulto nang lalake na nakaupo sa isang table sa tabi nang glass window nang coffee shop. Tumayo ito at lumapit sakin.

"Goodmorning Ms. Asuncion?" Pormal na bati nito sakin.

"G-Goodmorning Mr. S-Samaniego" nauutal kong bati rito.

"Can we talk Ms. Asuncion? Sabi nito sabay smirk.

Tumango ako sakanya at siya naman ay tumalikod na upang pumunta sa table na inuukopa niya kanina. Ipinaghila niya ako ng upuan at nang ako ay makaupo na ay umupo na rin ito sa aking katapat na upuan.

"Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa Ms. Asuncion or should i say Mrs. Asuncion?" Mapang uyam na sabi ng binata.

"I prefer to be called Miss,  dahil as far as i know wala pa akong asawa" sagot ko sa mapang uyam rin na tono.

"I know I am the father of your children." Seryoso nitong sabi.

Inaasahan ko nang ito ang aming pag uusapan pero di ko inaakalang napaka straight forward nito kaya di ko parin maiwasang mabigla,napanganga ako rito ngunit mabilis ko ring inayos ang aking composure.

"Paano ka nakakasigurong anak mo nga ang mga anak ko? Its just one time when we do it, hindi ba sumagi sa isip mo na baka bukod sayo ay may iba pang lalake." Dire diretso kong tanong rito.

Kahit magmukhang masamang babae ako sa mga pinagsasabi ko ay ginawa ko, para lang na di nya na isiping sakanya nga ang kambal dahil baka pag nagkataon ay kunin niya ang mga ito mula sakin.

"I doubt you will do sleep with any other man again after we do." Confident nitong sagot

"At paano mo naman nasabi?" May mapang uyam at inis kong tanong.

"As i remember from the look at your face and the way you act that morning when you woke up beside me, you totally regret what happened to us that night. And to think that im your first, I know you wont commit the same mistake again" confident at dire diretsong sagot nito habang naka smirk.

Hindi ako nakaapuhap nang maisasagot hanggang sa magsalita itong muli.

" by that reaction of yours MS. Asuncion, now I know the answer to my question." Seryosong saad nito at binigyan diin pa ang salitang Ms.

Agad akong napabalik sa aking hwesyo dahil sa sinabi nito ngunit bago pa ako makapag salita ay nakatayo na ito at nag iwan nang pera sa ibabaw nang mesa bago naglakad pero lumingon ito muli sakin at nagsalita.

"If I were you Ms. Asuncion you better introduce me to them as soon as possible and dont make any plans and move that i wont like because if you do-" tumigil ito saka tinitigan ako sa mata at nag smirk at sinabing.

"-i'll make sure i will get them to you by hook or by crook" may pagbabantang tono sa kanyang pagsasalita bago ito tuluyang umalis sa aking coffee shop.

Sanantalang ako ay naiwang nakaupo parin at nakatulala sa kawalan.

"Hindi ito maaaring mangyari, hindi nya pwedeng ilayo sakin ang kambal." Saad ko habang tahimik na humihikbi.

Mabuti na lamang ay walang nakapansin sa akin habang ako'y umiiyak kaya nagmadali akong pumunta sa aking opisina at sinabihan ang aking sekretarya na ayaw kong magpaistorbo. Pagkapasok ko ay hindi ako mapakali at naglalakad pabalik balik sa loob nang aking opisina.

"He can't do that wala naman siyang proof na anak nya nga ang kambal, so calm down Kia hindi nya makukuha ang mga anak mo." Pagpapakalma ko sa aking sarili.

Paano kung pinaimbestigahan nya na ang mga bata at kumuha na ito ng mga DNA samples nito. - sabi nang isang bahagi nang aking utak.

"No it cant be!! Di yun pwede mangyari!!" Nangangamba kong sabi.

Hindi yun imposible mangyari, he has money, power and connections!-giit parin nang tinig sa aking isipan.

Napaupo nalang ako sa mini sofa at napasandal at hinayaang dumaloy ang masaganang luha sa aking mga pisngi. Napahilamos nalang ako sa aking mukha at sinabing wag ko munang problemahin ito dahil wala itong pruweba na magpapatunay na anak nya ang kambal. At hindi ko hahayaang mangyari na makuha nya sa akin ang mga anak ko. Ang buhay ko!.

Napagdesisyonan kong ayusin ang aking sarili at ipagsawalang bahala ang nangyari kanina at itinuon nalang ang aking atensyon sa pagtatrabaho. Nag umpisa na akong i-review at pirmahan ang mga papeles na dapat kong trabahuhin nang mapansin kong magtatanghali na at kelangan ko nang sunduin ang mga bata sa school na pinapasukan nito dahil half day lang ang pasok nila ngayon. Agad kong inayos ang mga papeles at ang aking mga gamit saka tuluyang umalis na nang coffee shop.

~ St. Michael Academy~

Kia's POV

Pinark ko ang kotse ko malapit sa gate nang school at bumaba, tumingin ako sa aking suot na relo at napagtantong eksakto lang ang dating ko sa oras nang uwian nang aking mga anak. Pumasok na ako sa eskwelahan nang aking mga anak at dumiretso sa kanilang classroom ngunit laking gulat ko nang madatnan kong nakikipag usap si Kara kay Tristan samantalang si Larius naman ay tahimik lang na nakaupo katabi ang kanyang kambal at prenteng nagbabasa nang kanyang libro. Nagmamadali akong lumapit sakanila at agad hinila ang aking kambal palayo sa lalake at itinago sa aking likuran.

"What are you doing here Mr. Samaniego?" Pagalit kong tanong sa lalake.

Pero imbis na sagutin ako ay yumukod ito saka tinignan ang kambal na itinatago ko sa aking likuran saka ito diretsong tumayo ulit at tumingin sakin.

" Aren't you gonna introduce me to OUR kids?" Nang aasar na sabi nito at binigyang diin pa ang salitang our.

Nabigla ako sa sinabi nito.

"Mommy? Is he our daddy?" Inosenteng tanong sakin ni Kara.

Napatingin naman ako sa kanyang kakambal na kanina ay seryosong nagbabasa ngunit ngayon ay nabaling na ang atensyon sa amin nang lalaking nakatayo sa aming harapan.

"Bakit di mo sabihin sa kanila ang totoo? Ganyan ka ba ka-unfair? At pati katotohanan ipagkakait mo sa mga anak natin?" Saad nito na may pang uuyam na mahihimigan mo sa boses.

"Is that true mommy?" Tanong ulit sa akin ni Kara.

Ngunit imbes sagutin ito ay hinarap ko ang lalakeng nasa aking harapan.

"We need to go Mr. Samaniego. I hope this will be the last time you'll gonna bother my family." Tiim bagang sabi ko rito.

Saka hinila ang aking kambal papalayo rito. Nang makasakay kami nang aking kambal sa kotse ay agad akong tinadtad nang tanong ni Kara.

"Mommy is he our daddy?" Mangiyak ngiyak na tanong nito sakin at saka ko sila nilingon.

"Kara , Larius diba i told you not to talk to strangers." Pag iiwas ko sa tanong ni Kara.

"Why are you changing the topic mom? Bakit hindi mo po masagot ang tanong ni Kara?" Diretsong tanong sakin ni Larius katabi ang kanyang kambal na umiiyak na.

Nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Larius. Natahimik ako at nag isip nang isasagot.

"What am i gonna do? Im doomed!" Nasabi ko sa aking isipan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sasabihin na kaya ni Kia?

Next Chapter
Point of View na ni Tristan

Please vote and comment guys!!😘

Love Lots❤️

-LiL_jham❤️

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon