Here's the update!
Love Lots❤️
Hope you'll like it!~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kia's POV
Pagdating sa bahay galing sa eskwelahan ay dire diretsong tumakbo ang kambal sa kanilang kwarto. Di ko naman ito masisisi dahil napagtaasan ko ito nang boses dahil sa mga tanong nang mga ito, dahil ang totoo ay di ko parin kayang sabihin sa kanila ang katotohanan.
~Flashback~
"Mommy is he our daddy?" Mangiyak ngiyak na tanong nito sakin at saka ko sila nilingon.
"Kara , Larius diba i told you not to talk to strangers." Pag iiwas ko sa tanong ni Kara.
"Why are you changing the topic mom? Bakit hindi mo po masagot ang tanong ni Kara?" Diretsong tanong sakin ni Larius katabi ang kanyang kambal na umiiyak na.
Saglit akong natahimik sa tanong kung kaya't nang wala akong maisagot ay nasigawan ko ang mga ito.
"Stop asking non sense questions Kara ,Larius! I dont wanna hear any about this again!! Now stop crying Kara!!" Frustrated na sigaw ko sa kambal.
Pagkagulat at takot ang makikitang emosyon sa mga mukha nito bago ito sumagot.
"Yes m-mommy" kinakabahang sagot nang kambal.
~End of Flashback~
Nakatanaw lang ako sa pinto na pinasukan nang aking mga anak saka ko napagpasyahan umakyat at pumasok sa aking kwarto para makapagpahinga muna. Dumiretso ako sa banyo saka naligo, nang matapos akong maligo ay nagsuot lamang ako nang isang pink na fitted shirt at cotton shorts. Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay napaisip ako sa mga sinabi sakin kanina ni Tristan.
"Nagiging unfair na nga kaya ako sa mga bata?" Kausap ko sa aking sarili
"Pero di pa ako ready sabihin sa kanila ang katotohanan"
Eh nandyan na nga yung tatay ng kambal at inaako na! Aarte ka pa ba?! Sigaw nang isang boses sa aking isipan.
Sa huli ay napagpasyahan kong puntahan nalang ang kambal upang ayain kumain nang hapunan at para humingi na rin nang tawad dahil sa pagtataas nang boses ko sakanila.
"Twins?" Tawag ko sa mga ito.
Ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa mga ito. Doon ko napagdesisyunan na tuluyang pumasok nalang. Nakita ko si Kara na wala paring patid sa pag iyak habang nakayakap sa kakambal nito. Si Larius naman ay pilit pinipigilang umiyak ngunit bakas parin sa mukha nito ang kalungkutan.
Pagkapasok ko sa silid nang kambal ay agad itong napalingon sa aking kinaroroonan ngunit nagtalukbong lamang ang dalawa nang kumot. Lumapit ako sa higaan nang mga ito saka nagsalita.
"Twins im sorry kung nasigawan ko kayo kanina." Paghingi ko nang tawad dito.
Ngunit wala parin akong nakuhang sagot mula sa dalawa. Napabuntong hininga na lamang ako saka nag salita.
"Okay fine! I'll tell you the truth." Pagsuko ko sa dalawa.
Sabay nitong inalis ang kumot at humarap sa akin upang makinig.
"Oo sya ang daddy ninyo" pag amin ko sa dalawa.
"Bakit ayaw nyo pong lumapit kami sakanya? Bakit po hindi natin sya kasama like sa mga classmates namin ni Larius na kasama ang Daddy nila." Pagtatanong ni Kara.
"Kasi mom is too scared of losing you twins. Because if he'll know about the two of you he might take you away from me" pagpapaliwanag ko sa mga ito.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...