Chapter 18

19K 457 13
                                    

Kia's POV

Matapos nang harana session/ peace offering ni Tristan ay nagpaalam na ito sa amin umuwi.

"Daddy can you stay here tonight?" Malungkot na sabi Kara.

"Baby daddy cant sleep here. Pupunta nalang ako dito bukas nang maaga." Paliwanag naman ni Tristan.

Tumingin naman sa akin si Kara at makikita mo sa mukha nito na gustong gusto nya talaga na dito matulog ang daddy nya. Hindi ko naman matiis ang anak ko dahil ayokong nakikita na malungkot ang mga ito.

"Tristan you can sleep here, gabi na rin masyado at alam kong pagod kana rin."

Dahil sa sinabi ko ay biglang nagtatalon sa saya ang kambal at hinila na nang mga ito ang daddy nila papasok sa loob nang bahay.

"Mommy can we sleep in your room? Para magkakatabi tayong matulog nina daddy." Masayang sabi ni Kara.

Nag aalangan akong tumingin kay Tristan at mukhang nakuha naman nito ang gusto kong iparating.

"Baby we cant sleep together in the same room. Kung gusto mo sa room nalang ninyo ni Larius ako matutulog." Pagpapaintindi naman nito kay Kara.

Biglang lumungkot naman ang mukha ni Kara dahil sa sinabi nang ama.

"But why? Ngayon lang tayo magkakatabi matulog daddy at saka diba bati na rin kayo ni mommy?" Malungkot nitong sabi.

Nagkatinginan kami ni Tristan at magsasalita na sana ito nang putulin ko ito.

"O-okay you can sleep in my room. Pero wag kayong makulit ah." Nauutal kong sabi.

Matapos kong sabihin yun ay humiyaw sa tuwa ang kambal saka hinila kami ni Tristan papunta sa kwarto ko.

Nang makapasok kami sa kwarto ay agad kong tinawag si manang tessa at inutusang kuhaan nang damit na pamalit ang kambal.

Naligo naman nang sabay ang kambal at nagkasarilinan naman kami ni Tristan.

"Thank you." Mahinang sabi ni Tristan

Napalingon naman ako rito.

"Bakit ka nagti thank you?" Takang tanong ko rito at saka naghanap nang damit na pwede ipahiram kay Tristan.

"Kasi pumayag ka na dito ako matulog kasama nyo nang kambal."

"A-ah yun ba? Wala yun basta para sa kambal." Nauutal kong tugon.

Tumahimik na rin ito at naka hanap na ako nang medyo malaking t-shirt na pwede ipahiram kay Tristan. Maya maya pa ay lumabas na sa banyo ang kambal at nagbihis na ang mga ito.

"Ito oh damit pamalit. Pasensya kana wala akong ibang maipapahiran sayo kasi wala naman kaming ibang kasamang lalake rito kaya pag tyagaan mo muna yan" nahihiyang sabi ko sa binata.

Tumango lamang ito sa akin.

"Pwede bang makigamit nang banyo?" Tanong nito sa akin.

"Go ahead, meron ding toiletries sa may cabinet. Kumuha ka nalang" tugon ko rito.

Pumunta na ito sa banyo at ako naman ay binihisan na ang kambal, nang matapos kong bihisan ang dalawa ay saktong lumabas naman si Tristan sa banyo. Napalingon kami sakanya nang mga kambal at kasabay nun ang malakas na tawa nang kambal, maski ako ay natatawa rin dahil bukod sa putok na putok ang muscles nya sa t-shirt na pinahiram ko ay kulay pink ito at may print na pink piglet sa harap.

"Wag mo nang pigilan ang tawa mo." Nahihiyang sabi nito.

Napahalakhak nalang ako sa kanya at kitang kita na nahihiya na ito dahil namumula na ang tenga nito.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon