Kia's POV
Its been 3 days since nagfamily dinner at ipinakilala kami ni Tristan sa magulang nya. At ngayon ay nandito kami ni Tristan sa isang restaurant para sa food tasting, maraming nakahain sa mesa pero isang putahe lamang ang tumawag sa aking pansin, ang buttered chicken. Tinitingnan ko palang ito ay naglalaway na ako.
"Ehemm! Kia lets start to taste the food" sabi ni Tristan kung kaya't naagaw nito ang atensyon ko mula sa pagkain.
"Okay! I want to taste first the buttered chicken!" Excited kong sabi.
Mabilis naman na iniabot sa akin ni Tristan ang pagkain at agad ko itong nilantakan.
"Hmmmmmm! Ang sarap!" Sabi ko habang sarap na sarap sa kinakain ko.
Nakatingin lang sa akin si Tristan habang kumakain ako. Halos siya na lamang ang tumikim nang ibang pagkain dahil ang atensyon ko ay nasa buttered chicken nalang dahil.
"Kia ano pang pagkain ang gusto mong ipadagdag para sa catering?" Tanong ni Tristan.
"Uhmmm... Spicy chicken wings at Tempura pati narin Bulalo.
"Okay!"sagot naman nito.
"Finish eating that then we'll go" sabi pa ni Tristan.
"Uhmm pwede ba mag take out tayo nito?" Tanong ko kay Tristan.
Napakunot noo naman si Tristan at parang di makapaniwala sa sinabi ko.
"Magti take out ka pa niyan Kia? Eh halos naka apat na plate kana nyan. Tama na yan." Dire diretsong sabi naman ni Tristan.
"Please pinky butt!!! Can we take another plate for take out! Pretty please!!!" Malambing sabi ko rito habang nagpapuppy eyes.
Namula naman si Tristan dahil sa itinawag ko sakanya kaya pakiramdam ko ay ang sarap nyang kurutin at kagatin lalo na ang tenga nya na pulang pula na.
"O-Okay! Pagbibigyan kita but this time only!" Nahihiyang sabi nito.
"Yey!!!! Thank you so much!!!" Sabi ko rito saka niyakap ito nang mahigpit at pinugpog nang halik.
"Tama na Kia! Marami pa tayong pupuntahan." Saway nito sa akin.
Nagpout lang ako at parang anytime ay iiyak na ako.
"Hey? What's wrong?" Nag aalalang tanong nito habang hawak nang dalawang kamay nito ang aking mukha.
"Ayaw mo kasi magpalambing sa akin!" Nakapout kong sabi.
"Marami pa kasi tayong gagawin Kia. Maybe later pag sa bahay na tayo at tayo nalang dalawa dahil gusto ko solo kita." Malambing na sabi ni Tristan.
Ngumiti na lamang ako rito saka marahang tumango. Hinalikan naman niya ako sa aking noo saka niyakap nang mahigpit.
Nang makuha na namin ang pinatake out kong pagkain ay next stop naman namin ay sa flower shop para pumili nang gusto naming flower arrangement para sa araw nang kasal namin. Pagkarating namin sa shop ay bigla nalang akong nahilo dahil sa mabahong amoy na sumalubong sa akin. Hindi ko ininda ang pagkahilo at tumuloy parin kami sa loob nang flower shop.
"Masakit ba ulo mo Kia?" Nag aalalang tanong ni Tristan nang mapansin nitong hinihilot ko ang aking sintido.
"H-Hindi. Okay lang ako." Pagsisinungaling ko rito.
Ngunit nang maamoy ko ang iba't ibang klaseng amoy nang mga bulaklak ay tumindi rin ang pagkahilo ko kaya hindi ko namalayan na nawalan na ako nang balanse.
"Kia?! Are you alright?! I'll gonna take you to the hospital!" Yan ang huling narinig ko bago nandilim ang aking paligid.
~Hospital~
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...