Chapter 25

19.1K 421 23
                                    

To my dearest readers and supporters of IGPBAS...Thank you sa pagtangkilik sa story ko!! Keep reading guys!!! Mahal ko kayo!!!

Love Lots❤️

-LiL_jham💋

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kia's POV

Its been a week since pumunta kami nang Batangas. Simula nung intimate scene namin ni Tristan ay mas naging sweet and caring ito sa akin at dahil rin doon ay mas nagiging komportable na ako sa kanya, madalas na rin may nangyayari sa amin dahil gusto na nitong magkaroon kami ng baby ethan.Pero di ko maiwasan itanong sa aking sarili kung ano nga ba talaga ang real-score between us ni Tristan at ang mas ikinakatakot ko pa ay unti unti na akong nafa-fall sa kanya. Letcheng kontrata yan!!

"Mommy!! Daddy's here na!!! Hurry up!!!" Naputol ang aking pag iisip dahil sa pagtawag sa akin ni Kara mula sa labas nang aking kwarto.

"Wait!! Im coming!! Just a minute!" Tugon ko rito.

Nagmadali na akong mag ayos nang aking sarili dahil pupunta kami ngayong mag anak sa bahay nang Daddy ko.

Kinuha ko na ang red stilleto ko terno sa suot kong red long sleeves dress na hapit sa aking katawan, hinayaan ko lang nakalugay ang buhok kong bahagya kong kinulot sa dulo. Naglagay rin ako nang light make up. Humarap ako sa full lenght mirror ko upang tingnan ang aking sarili, nang makuntento na ako sa aking itsura ay mabilis akong lumabas nang kwarto upang puntahan ang aking mag aama.

"Wow!!! Ang ganda ganda nyo mommy!!!" Masiglang puri sa akin ni Kara.

"Thank you anak!" Tugon ko rito nang nakangiti.

Ibinaling ko naman ang aking atensyon kay Tristan na sobrang hot at gwapo sa suot nitong white v-neck tshirt na pinatungan nang navy blue coat na tinupi nya hanggang siko. Lumapit naman ito sa akin at binigyan ko lamang ito nang isang matamis na ngiti. Hinalikan naman nya ako sa aking pisngi.

"Your so gorgeous baby!" Bulong nito sa akin.

Tila may mga paru parong lumilipad sa loob nang aking tiyan. Kilig na kilig ako sa papuri nito sa akin.

"Let's go! They're waiting for " sabi ko rito.

Lumabas na kami nang bahay at sumakay na sa kotse ni Tristan saka mabilis na nagtungo sa mansion nang Daddy ko.

~Asuncion Mansion~

Papasok pa lang kami nang gate ay halo halong emosyon na ang aking nararamdaman. Kaba dahil ito ang unang punta ko rito matapos akong palayasin nang aking ama limang taon na ang nakakaraan, Takot dahil alam kong may sama parin nang loob sa akin ang aking ama at Saya dahil muli na akong makakabalik sa tahanan na aking kinagisnan at kung saan naroroon ang masasayang alaala namin ni Daddy.

"Are you ready Kia?" Nakangiting sabi ni Tristan nang huminto na kami sa tapat nang bahay habang hawak nito ang aking kamay at marahan na pinisil.

Tumango lamang ako rito saka binigyan nang isang tipid na ngiti.

Naunang bumaba si Tristan para pagbuksan nang pinto ang kambal, ako naman ay hindi maiwasang kabahan dahil hindi ko alam kung magiging maganda ba ang kahihinatnan nang pagpunta namin rito.

Pinagbuksan na ako nang pinto ni Tristan saka inalalayang bumaba nang kotse.

"Just relax Kia. Everythings gonna be fine." Cheer up nito sa akin.

Ngumiti ako rito saka umabre siete sa kanyang braso habang hawak ko si Larius sa kabila kong kamay at sya naman ay kay Kara.

"Ready? Sabi nito sakin nang nakangiti.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon