Kia's POV
Masayang naghahabulan ang mag aama habang ako ay nakaupo lamang rito sa isang villa malapit sa dagat at tinatanaw lamang ang mga ito. Naisipan ko itong kunan nang litrato upang maging remenbrance namin dito.
"Asan na ba ang camera ko?" Sabi ko sa aking sarili.
Nang maalala kong nailagay ko pala ito sa isa pang dala naming bag kaya't napagdesisyonan kong bumalik nalang sa hotel room namin para kunin ito.
"Tristan!! twins!! Babalik lang ako sa kwarto!! May kukunin lang ako!! Babalik rin ako agad!!" Sigaw ko sa mga ito bilang pagpapaalam.
Nagtungo na ako pabalik sa Hotel at habang naglalakad ako sa lobby ay may bigla akong nakabanggaan.
"Tita Anna" gulat kong sabi.
"Kia? Its that you?" Gulat ring tanong nito.
Nang makabawi ako sa pagkakabigla ay agad akong lumakad papalayo rito ngunit hinabol ako nito at hinawakan sa braso.
"Anong ginagawa mo rito?" Galit na sabi nito.
Hindi ko inaasahan ang naging asta nito kung kaya't hindi ko napigilan ang aking sarili na magtaray rito.
"Natural nagbabakasyon..ano pa bang ibang gagawin ko rito?!" Mataray na sagot ko rito.
Matalim ako nitong tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Kunsabagay. Maybe your whoring out yourself again." Sarkastikong sabi nito.
Dahil sa pagkainis ay hinablot ko ito sa damit saka itinulak.
"Ngayon alam ko na kung bakit noon pa man mabigat na loob ko sayo dahil hindi ka naman pala mapagkakatiwalaan! You old gold digger!" Inis na sabi ko rito.
Nang biglang dumating ang kanyang anak at ang Daddy ko at mabilis na tinulungan ang asawa nito.
"You-! Kia? Anak ikaw ba yan?" Natitigilang sabi nang aking ama.
Pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak sa harap nito at yakapin ito dahil sa sobrang sama nang aking loob dahil sa mga pinagsasabi nang kanyang asawa.
"Alejandro!" Tawag nang kanyang asawa nang tangkain nang aking ama na lumapit sa akin.
Nilingon ito nang aking ama saka mabilis namang yumakap ang matandang babae rito.
"Hu-huhuhu! Itinulak niya ako Alejandro at hindi ko alam kung bakit" umiiyak nitong sumbong.
Mabilis namang tumingin sa akin ang aking ama.
Pailing iling naman akong tumingin rito.
"Hindi totoo yun Dad. Kaya ko siya naitulak dahil pinagsalitaan niya ako nang hindi maganda." Naluluha kong paliwanag sa aking ama.
"Kia mabait ang Tita Anna mo! At hindi ko alam kung bakit ka nya pagsasalitaan nang hindi maganda!" Dumadagundong na sabi nang aking ama.
Napaiyak na lamang ako dahil sa labis na lungkot at pagkapahiya dahil sarili kong ama ay hindi naniniwala sa akin.
"Hanggang ngayon ay ganyan parin ang pag uugali mo! Kung hindi mo matanggap ang Tita Anna mo ay hindi mo na kailangan na saktan ito sa pisikal! Ngayon na nga lang tayo nagkita ganito pa ang mangyayari!" Galit na sabi nito.
Tatakbo na sana ako palayo nang maramdaman kong may biglang kumabig sa aking braso at naramdaman kong may isang palad na lumapat sa aking pisngi.
"Para yan sa pagtulak mo sa mommy ko!!" Galit na galit na sabi ni Hannah ang anak nang bagong asawa nang daddy ko.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...