Kia's POV
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang nakatakdang araw nang desisyon ko. Si Tristan naman ay palaging nandito sa bahay at siya na rin ang naghahatid at sumusundo sa kambal sa school nang mga ito.
"Ma'am Kia, ayos lang ho ba kayo?" Tanong ni manang tessa sa akin.
Napalingon ako kay manang tessa na nagwawalis.
"Manang tessa sa tingin nyo po ba magandang ideya na maging parte nang buhay namin nang kambal ang ama nila?" Marahang tanong ko sa matandang kasama ko.
"Sa tingin ko naman iha eh mabuting tao si Sir Tristan at sa tingin ko rin ay magiging mabuting ama ito sa iyong kambal." Sagot nito sa akin.
Napaisip ako sa sinabi nang matanda pero ang totoong bumabagabag sa akin ay dahil sa kakaibang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko ito at nakakasama, lagi nalang bumibilis ang tibok nang puso ko pag kasama ko siya at pag nag uusap na kami ay parang may mga paru paro na nangingiliti sa aking tiyan. Naputol ang aking pag iisip nang biglang dumating na ang aking mag aama galing sa pamamasyal.
"Mommy Mommy!! Look i have a new doll!" Masiglang sabi nang aking anak na si Kara sabay pakita nang bagong manyika na ibinili sa kaniya nang ama.
"Mom dad bought me a new book! Its about dinosaurs!" Excited na sabi naman ni Larius.
Nginitian ko lamang ang kambal hanggang sa napatingin nalang ako sa kanilang ama at ngumiti rito. Pinapunta ko na muna ang kambal sa kanilang kwarto upang mabihisan na sila ni manang tessa. Ako naman ay nilapitan ang kanilang ama.
"Maraming salamat sa pagpasyal sa kambal" nakangiting sabi ko rito.
"Its nothing, gusto kong makabawi naman sa mga anak ko kahit sa maliit na paraan para mapasaya sila." Nakangiti nitong tugon.
Bigla naman akong nakonsensya dahil kung hindi ko inilihim sa kanya ang tungkol sa kambal at hinanap sya siguro'y hindi na namin napagdaanan nang mga kambal ang hirap.
"So? About what we talked about last week, did you already decide?" Seryosong tanong nito.
Bigla naman akong kinabahan sa tanong nito kaya napatulala na lamang ako sakanya. Naalis lang ang pagkakatulala ko sa kanya nang biglang tapikin ako nito sa balikat.
"Ok ka lang ba Lira?" Nag aalalang tanong nito.
"A-aahh e-eeh oo! Okay lang ako!" Nauutal kong sagot rito, pero naramdaman kong biglang nag init ang pisngi ko kaya mabilis akong tumalikod rito.
"A-ah gusto mo ba nang juice?kape? O tubig?" Tanong ko rito habang hindi ako magkandaugaga pagpunta sa kusina.
Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin. Narinig ko pang nag chuckle ito.
"You dont have to force yourself, i can wait till tonight sa sagot mo." Diretsong sabi nito saka lumabas nang kusina dahil nasa sala na ang kambal. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ang bilis nang tibok nang puso ko sa tuwing malapit sya sakin at nagkakandaugaga ako at nabubulol kapag kausap na siya.
Nang kumalma na ang aking puso dahil sa mabilis na pagtibok nito ay lumabas na rin ako sa kusina upang dalhan nang meryenda ang aking mag aama.
"Twins mag meryenda muna kayo nang daddy nyo" pagtawag ko rito dahil busy ang tatlo sa paglalaro nang video games. Agad naman lumapit ang mga ito sa akin, kinuha naman ni Tristan ang tray nang pagkain sa akin nang di sinasadyang nagkadikit ang aming kamay, bigla akong napakislot dahil sa kuryenteng naramdaman ko sa pagdampi nang balat nito sa akin, muntik ko nang mabitawan ang tray dahil dito pero mabilis naman itong nasalo ni Tristan.
BINABASA MO ANG
I got Pregnant by a Stranger
RomanceShe's Kiara Lira Asuncion 19 years old Pretty face Smart Simple Good daughter Loving girlfriend An ideal girl But everythings changed when she made a stupid mistake that turn her perfect life into a disaster. She lost her family, she lost her boyfr...