Chapter 20

19.6K 458 15
                                    

Tristan's POV

Inihatid ko na si Kia sa bahay nang makatanggap ako nang text message galing kay Travis.

From: Travis
What happened bro? Nic's been drunking himself. Come here @ XV CLUB ASAP.

Basa ko sa text ni Travis sa akin.

~XV CLUB~

Mabilis naman akong nakarating nang XV CLUB at nadatnan ko roon ang lasing na lasing na si Nicholas at si Travis na pilit itong inaawat sa pag inom.

"Nic tama na yan. Lasing kana" sabi ko rito.

"Llook whosh here! Hik! Ang magaling kong kaibigan "hik" na bumuntish kay Kia! Hik!" Lasing na lasing na sabi ni Nic.

"Tama na yan. Lasing ka lang. Umuwi kana." Sabi ko rito at hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi nito.

Booggsshh!

Naramdaman kong pumutok ang labi ko nang sinuntok ako ni Nic.

"T@ng in@ pare! Mataposh mong buntishin! Hik! Iniwanan mo!! Hik! Taposh nang ayosh na shi Kia ginugulo mo nanaman!!!!!" Sigaw ni Nic.

Tumayo ako at tiningnan ko lamang ito nang seryoso.

"Hindi mo alam ang nangyari kaya wag kang magsasalita na parang alam mo ang lahat." Seryosong sabi ko rito bago ko binalingan si Travis na inaawat si Nic.

"Ikaw na pare bahala jan. Baka di na ako makapag timpi." Sabi ko rito bago ko sinulyapan ang lasing na lasing na si Nic at tuluyang iniwanan ng dalawa. Pero bago pa man ako makalayo ay rinig na rinig ko ang sinabi nito.

"HINDI AKO PAPAYAG NA MAPASHAYO SHI KIA!!!! TANDAAN MO YAN!!!" Sigaw nito bago ako tuluyang umalis.

"Kahit kaibigan kita Nic kakalabanin kita para lang sa mag iina ko." Sabi ko sa aking sarili saka tuluyang umalis sa lugar na iyon.

~Kinabukasan~

Maaga akong pumunta sa bahay nila Kia upang sunduin ang mga ito dahil pupunta kami sa isang resort sa Batangas dahil wala nang pasok ang kambal.

Pagkapasok ko sa loob nang bahay ay agad akong sinalubong nang kambal.

"Daddy!" Masiglang sabi ni Kara.

Ngumiti lamang ako rito pero biglang nangunot ang noo nito.

"Daddy what happened to your lips?" Inosenteng tanong nang anak kong babae.

"Daddy napaaway ka po ba?" Dire diretsong tanong naman ni Larius.

Ibinaba ko muna si Kara at itinabi sa kambal nito saka lumuhod sa kanilang harapan para makapantay ko sila.

"Hindi ako napaaway twins. Ahmm aksidenteng nakagat ko lang yung lips ko." Pagpapalusot ko sa mga ito.

Tumango lamang ang dalawa saka nila ako hinila para maupo sa sofa.

"Daddy dito ka po muna pupuntahan lang po kami sa room namin para kunin yung mga gamit namin." Pagpapaalam naman ni Larius.

"Let's go kara" aya nito sa kanyang kakambal.

Mabilis na umalis ang kambal at ako naman ay naiwang mag isa sa sala.

"Ang aga mo ata ngayon Tristan"

Napalingon ako sa pinanggagalingan nang boses at nakita kong pababa si Kia nang hagdan at halatang bagong ligo. Ngumiti lamang ako rito.

"Goodmorning mommy!" Pagbati ko rito.

Pinamulahan naman ito nang mukha dahil sa sinabi ko.

"Hmmmm bakit di mo na ako tinatawag na pinkybutt mommy?" Pambubuska ko pa rito.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon