Chapter 11

21.3K 486 13
                                    

Sorry sa late update!! Medyo nasabaw po utak ko these past few days.

Sana magustuhan nyo!!
LoveLots😘

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tristan's POV

Matapos ang di inaasahang pagkikita namin nang babaeng matagal nang gumugulo sa aking isipan ay di ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari sakin sa nakalipas na limang taon.

~flashback~

"Yow! Tris, kamusta na? Finally your back man!" Bati sakin ng kaibigan ko na si Travis at nakipag fist bump

"Yeah right! Im back man! So what's up?" Ganting bati ko.

"Same old! Same old!" Sagot nito sa nakakalokong tono.

"Hindi ka parin nagbago pare, babaero ka parin!" Pang aasar ko rito.

"Alam mo naman pare babae na lumalapit, alangan naman na tanggihan ko pa? Alam mo naman ako sobrang mapagbigay at mapagmahal! " pagyayabang pa nito.

Hanggang sa nagkaayaan kami pumunta sa madalas namin noon na tambayan ang XV Club. Pagkarating namin sa club ay sinalubong agad kami nang maingay na party dance song. Pinauna ko na si Travis sa loob dahil sinagot ko pa ang tawag nang girlfriend ko na si Hannah. Matapos ang phone call ay agad na akong pumasok sa club pero sa di inaasahan ay may nabunggo akong isang babae bago pa man ito tuluyang matumba ay agad ko itong nasalo, nang mapagmasdan ko ang babae ay tila parang nakakita ako nang isang anghel. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha mula sa kanyang mapupungay na mata, maliit ngunit matangos na ilong at sakanyang makipot at maninipis na mapula pulang labi. Ngunit mas lalo akong nabighani sa kanyang mata na kakulay nang berdeng karagatan, nagulat na lamang ako nang bigla niyang kabigin ang aking batok at halikan, sa sobrang pagkabigla ay hindi agad ako nakatugon sa halik nito ngunit parang may sariling pag iisip ang aking mga labi at unti unting tinutugon na nito ang mapusok nitong paghalik. Binuhat ko ito ngunit patuloy parin kami sa paghahalikan, nang makalabas kami nang club ay agad kong tinungo ang aking kotse. Pinutol ko ang aming paghahalikan saka ko mabilis binuksan ang pinto nang kotse at inalalayan siyang makapasok at saka ako mabilis na umikot sa kabilang dako ng kotse at mabilis na sumakay at pinasibad ang aking kotse. Nang makarating kami sa aking condo ay nagtalik kami ngunit ang di ko inaasahan ay isa pa pala itong birhen. Nang kinaumagahan ay nagising na lamang ako dahil sa kanyang pagsigaw at dahil sa nakita kong reaksyon sa kanyang mukha ay tila may nag uudyok sa akin na asarin pa ito lalo kung kaya't tumayo ako sa higaan na hindi alintana na hubo't hubad ang aking katawan dahil sa pagkabigla sa aking ginawa ay agad rin nitong tinakpan ang kanyang mata gamit ang kanyang dalawang kamay pero mabilis yata ang karma at bumalik ito agad dahil di ko inasahang malalaglag ang kumot na tanging nagtatakip sa kanyang katawan. Dahil rito ay agad akong nakaramdam nang pang iinit sa katawan pero para di ako mahalata ay agad ko itong sinabihan.

"What a nice boobies"

Dahil doon ay agad niya g tinanggal ang kamay na nakatakip sa kanyang mata at agad na hinila ang kumot upang itakip sa kanyang katawan. Agad naman akong pumasok sa banyo upang maligo para maibsan ang init na nararamdaman ko sa aking katawan. Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako at naabutan ko itong nakabihis na pero makikita mo sa kanyang bawat galaw na nahihirapan syang kumilos. Matapos nitong magbihis ay agad itong nagtungo sa pinto para umalis ngunit bago pa man siya makalabas ay nahawakan ko siya sa braso pero bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako nito.

"Kalimutan mo nalang kung anong mga nangyare kagabi, kelangan ko nang umalis" sabi nito.

Nabigla ako sa kanyang sinabi at napaisip, bakit parang ganun na lang kadali para sakanya ibigay ang pagkakababae nya sa isang lalake na hindi nya man lang kilala. Pero bago ko pa man maitanong ang gusto kong malaman ay nakaalis na ito at di ko na nahabol pa.

I got Pregnant by a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon