Prologue

694 13 5
                                    

@shinkumi: Hello sis! natatandaan mo pa ba ako? ako yung nagreklamo sayo dati about sa TPV mo kasi same tayo ng story. XD pero pinalitan ko na yung plot ng akin. Dahil mahilig karin sa Vampire stories, naisip ko na ialay sayo ang kwento na to. :) sana mabasa mo to. 

Authors Note: magandang hapon sa inyo mga readers! Lalo na sa mga Vampire Story Lovers. Dahil ayos na ang laptop ko ay makakagawa na ako ng new story! :D Yehey! Ang saya saya! BTW, tsaka na yung cover ng story na to. Hindi ko agad naisip un. Hehehe... Habang inaupdate ang story na ito ay kasalukuyan akong nanonood ng Absolute Boyriend. Hehehe... o sha, patikim muna tong Prolouge.

---

 

I Love my Vampire Hunter

Written By: StrawberryStation

 

ALL RIGHT RESERVED

 

No part of this book may be reproduced in any manner whatsoever or transmitted in any form or by any means, electronics or mechanical, including photocopying, copying and pasting, printing, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, expect where permitted by law.

---

Prologue

[Anastacia’s POV]

Naglalakad ako sa isang kalsada. Walang dumadaan, walang katao tao at tanging ako lang ang nangahas na dumaan sa kalyeng iyon. Tanging liwanag lang ng isang poste ang nagsisilbing liwanag sa kalye. Dinadama at pinapakiramdaman ko ang hangin sa paligid. Hanggang sa maramdaman ko ang isang kaluskos mula sa aking likuran. Patuloy parin ako sa paglalakad at patuloy parin siya sa pagsunod sa akin.

Umarte ako na para bang natatakot at nangyari na nga ang inaasahan ko. Isang lalaki ang sumunggab sa aking likuran at pilit akong dinala sa madilim na lugar.

“tulungan niyo ako! Tulong-“

“huwag kang sumigaw! Papatayin kita!”

 

Itinutok niya sa leeg ko ang isang matalim na kutsilyo at sinimulan na niya ang balak niya.

 

“akin na ang pera at alahas mo! Kung Hindi papatayin kita!”

“p-pero... wala akong-”

“sinabing akin na eh! Bilisan mo! Akin na ang pera at alahas mo kung ayaw mong malaslasan yang leeg mo!”

“i-ito na po... maawa kayo sa akin!”

 

Tinanggal ko ang kwintas, hikaw at sing sing ko at ibinigay ko ito sa kanya.

 

“pati yang Cellphone mo! Akin na!”

“w-wala po akong Cell-”

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon