Part 2: blonde

5.1K 138 6
                                    

Dumating ang summer at halos araw araw kaming magkakasamang magpipinsan. Si Ate Angel ay minsan wala dahil nasa kanyang mga barkada. Si Kuya Dealan din ay busy paminsan minsan dahil sa school pero bakasyon ngayon ay nakakasama namin siya.

It was a friday morning when Gia and Trish came to our house. Kumakain kami ng breakfast nila Mommy at nila Kuya ng dumating sila. They joined us at hindi pa rin daw sila nag aagahan.

"San naman ang punta niyo? Palagi na lang kayong umaalis magpipinsan huh?" Ani ni Mommy sa mapanuring tono. Nag iwas ako ng tingin at yumuko. I don't want to disobey her. Its like, Daddy wont like it if i will be a burden to her beloved wife. Kaya buong buhay ko ginawa ko ang lahat para ipagmalaki ni Mommy. Naging okay na rin naman ang pakikitungo ni Mommy sa akin. She's cold but not as cold as before. Hindi na niya muli ako pinagbawalan na tawagin siyang Mommy simula ng mabasa niya ang Will and Testament ni Daddy.

"Sasamahan lang po namin si Cady magpakulay ng buhok Tita." Umangat ang tingin ko kay Gia. She smiled at me at dumiretso ang tingin kay Mommy.

"Oo nga pala Cady, why you always dye your hair brown? You looked good with your natural blonde hair." Mommy said. It was her first time complimented me. Halos magtatalon ang puso ko sa narinig.

"Talaga po?" Maligaya kong tanong.

Tumango siya at saka nag iwas ng tingin. "But, if that's what you want to do with your hair, then do it. I'm not stopping you from anything." Tumango tango ako na para bang sang ayon na sang ayon sa mga sinasabi niya.

I heard another "tsked" from somewhere. Malamang ay galing na naman yun sa bugnutin kong kapatid.

Matapos ang agahan ay sumunod sa akin sina Gia at Trish sa aking kwarto. Dalawa lang silang magkapatid, at dugong Montealto ang nananalantay sa mga ugat nila. Halos magkamukhang magkamukha silang dalawa. They have the same fair and pearl skin. Mahaba pareho ang buhok nila, ang pagkakaiba lang ay may bangs si Trish. Parehong nakapilintik ang mga pilikmata nila at ang tangos ng ilong nila ay bagay na bagay sa maliit nilang mukha.

Dumiretso ako sa loob ng aking walk in closet. Naghahanap ng masusuot. Sumunod si Gia sa akin at kinikwento niya sa akin mga ginawa ng kanyang manliligaw para sa kanya. Nakikinig ako sa mga kwento niya habang nagbibihis.

"You think i should say Yes?" Tanong niya sa akin.

"If that's what you want. Ano ba sa tingin mo?"

Pumasok si Trish mula sa aking kwarto. Pinagsasabihan niya ang kanyang kapatid na huwag basta basta maniniwala sa mga lalaki na para bang ilang beses na itong nakaranas ng heartbreak. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil magkaiba sila ng mga opinyon sa buhay.

Nang matapos na akong magbihis ay dumiretso na kami sa baba. Nakita kong nakatayo si Kuya Kaden sa may pintuan na para bang may hinihintay. Nang tuluyan na kaming makalabas sa bahay ay sumunod pa rin siya sa amin.

"Kaden, stop following us!" Bulyaw ni Gia sa aking kapatid.

"Ako ang inatasan ni Mommy na mag drive sa inyo." Tinaas niya ang susi ng sasakyan niya. Pinasadahan ko ang parking at ang kanyang sasakyan na lang ang natitirang nakaparada.

"Kuya, umalis si Mommy?" Huminto kami sa paglalakad at hinarap si Kuya Kaden.

"How many times do i have to tell you Cady, stop calling me Kuya!" Inis na sambit niya at dumiretso sa kanyang sasakyan. Nang dumating siya mula sa states ay binilhan siya ni Mommy ng kotse. Dahil sa states ay nagmamaneho na rin siya. Sina Kuya Kieran at Kuya Kaizer ay may sariling sasakyan na rin. Bale apat ang sasakyan, sa kanilang tatlo at kay Mommy.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon