Matapos gamutin ni Kaden ang sugat ko sa aking tuhod ay hinatid na niya ako pauwi sa bahay. Ang akala ko ay mag s-stay siya at hindi na babalik doon pero nagkamali ako. Umalis siya.
Siguro dahil may naiwan siya roon. Si Vanessa. The thought of it made my heart sting. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na lang pinansin kung ano man ang mga tumatakbo sa isip ko at saka nakatulog.
Umaga ng magising ako ay katabi ko si Trish at si Franky. Nasa sofa ng aking kwarto naman ay mahimbing na natutulog si Yuriko.
What happened to them last night? Masyado ba silang na lasing kaya ay nag sleep over na lang sila rito sa amin? We only have one guest room, siguro naroon ang iba ko pang pinsan.
Tumayo ako at ginising si Yuriko. Nagkusot siya ng mata at tamad na pumikit muli. Inalog ko siya.
"Yuri! Lumipat ka na doon sa kama." Tamad na tamad siyang tumayo mula sa sofa at tumabi roon kay Trish kung saan ako nakahiga kanina.
Pumasok ako sa aking walk in closet upang kumuha muna ng damit upang sa loob na ako ng banyo magpalit at maligo. Ayaw ko naman magpalakad lakad sa aking kwarto ng nakatuwalya lamang. Naligo na ako at saka bumaba.
Naabutan ko si Mommy sa kusina. She gave me a worried look. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning Mommy."
"Look at your knee. Ang laki ng sugat mo." Mayroong kung ano sa puso ko ang nagdiwang ng marinig si Mommy. She cared for me. I just smiled at her at binalewala ang medyo pag kirot ng aking sugat.
"Ayos lang po ako Mommy." Binaling ko agad ang aking atensyon sa niluluto niya. Maraming iba't ibang klaseng fried siyang niluluto. May sinangag din sa gilid at garlic rice. Nagsimulang kumulo ang tiyan ko dahil sa amoy ng pagkain.
"Your cousins were so drunk last night. Only few managed to stay sober. Ang iba dumiretso na sa kwarto mo dahil ang mga kuya mo ay may dalang babae at pinatulog sa mga kwarto nila." Nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Mommy. Hindi ko alam kung sinong kuya ang tinutukoy ni Mommy. Ang tatlo ba? I remember, si Kuya Kieran at Kaden lang naman ang may kapareha kagabi. Siguro silang dalawa nga ang may inuwi.
"Gisingin ko na po ba sila Mommy para makapag breakfast na?" Tumango si Mommy.
Paalis na sana ako ng kusina ng magsalita muli siya. "Pero kung gusto pa nilang matulog huwag mo na silang piliting bumaba." Tumango ako at saka dumiretso sa taas.
Ang una kong pinuntahan ay ang guest room. Pag bukas ko rito ay bumulaga sa akin si Kuya Dealan na natutulog sa sahig. Si Ate Angel ay nasa kama at mag isa lang siya roon. Umiling ako. Lumapit ako kay Kuya Dealan at inalog siya ng dalawang beses. Ungol lang ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi ko na pinilit at si Ate Angel naman ang ginising ko. Nagdalawang isip pa ako nung una dahil baka magalit siya sa akin. Nagising naman siya at sinabing hindi daw siya nag aalmusal kaya ay babalik na lang siya sa pagtulog.
Lumabas ako ng guest room at dumiretso sa kwarto ni Kuya Kieran. It was locked. Sa kwarto ni Kuya Kaezer ay nagulat ako dahil bukas ito. I knocked three times before entering. Holy crap! My brother is half naked and he's with someone! Mabilis kong sinarado ang pintuan. Hindi ko inakalang mag uuwi siya ng babae. Ang akala ko ay si Kuya Kieran lang at si Kaden.
When i was in front of Kaden's room my heart beats fast. Nasa ere na ang kamay ko at nagdadalawang isip na kumatok rito. I don't want to see another brother half naked with someone. Pero kumatok pa rin ako at binuksan iyon.
I kinda felt relieved when i saw Gia and Kuya Nerjie on my brother's bed. Sa kanyang itim na sofa ay naroon siya nakahiga at nakatakip ang mukha. He's only wearing a boxers shorts that's too short for a short. Nagkalat rin ang mga damit niya kagabi sa sahig.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.