Part 32: two minutes

3.1K 87 1
                                    

Nasa harapan ko ngayon ang malaking double doors kung saan ang entrance ng party. Suot ko na ang aking Pink na gown at excited akong makita ng lahat kung gaano ito kaganda tuwing umiikot. Inaantay ko lang bumukas ang pintuan na nasa harapan ko dahil iyon na daw ang cue na pwede na akong pumasok. I can't hear what's going on inside. Basta ang sabi ay iintroduce lang ako sa stage at lalabas doon pag pwede na.

Ang kaninang kaba ay nawala na lang lahat. Lalo na ng makita ko sa repleksyon ng salamin kung gaano ako kaganda ngayong gabi. I really do look like a princess. Lalo na sa maliit na korona na nasa aking ulo. Naka fishtail ang buhok ko na medyo ginulo gulo at may mga crystal pins sa tail ng aking buhok. May gloss ang lips ko at sparkling ang eye shadow na ginawa sa akin. My green eyes really popped when the make up artist put fake lashes on my eyes.

Napili ng designer ang kumikinang na pumps na suotin ko. Hindi naman iyon nakikita dahil sobrang malobo at mahaba ang aking gown. Siguro kung uupo ako saka lamang iyon makikita.

And then the double doors opened. I wanted to put a shocked face when i saw how beautiful and how the people was all smiling to me. Para bang isa akong magandang regalo na binuksan sa isang box at ng makita nila ay tuwang tuwa sila. Camera flashing in my face. Nakita ko ang organizer at sinabing ngumiti ako at maglakad sa harapan. I kinda knew what to do dahil nag rehearsed naman kami pero iba pa rin kapag nasa mismong scene ka na.

Maraming pamilyar na mukha akong nakita. Mga kaklase ko noon, kaibigan, schoolmates and relatives. May mga hindi ko kilala rin akong nakikita. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay sinalubong ako ni Mommy. Naroon siya at nag niyakap ako. I hugged her tight.

"Mommy, thank you po sa lahat." Sabi ko. May inayos siya sa mukha ko at ngumiti lamang siya sa akin.

Naglakad kami ni Mommy sa bandang stage. Inatasan kaming umakyat doon sa munting stage na may engrandeng puting upuan sa gitna. I saw my face on the screen at may nakalagay doon na. Cady turns 18.

Sa gilid ng upuan ay naroon ang tatlo kong kapatid. Kaden was seriously looking at me. Nahiya tuloy ako bigla. Inabot ni Kaden sa akin ang malaking bouquet ng bulaklak na hawak niya. I mouthed thank you to him. Hinalikan niya ako sa pisngi at ganoon din ang ginawa ng dalawa ko pang kapatid.

Pinaupo nila ako sa engrandeng upuan na parang sa isang palasyo mo lang makikita na inuupuan ng hari at reyna. Ganoon siya kaganda. Yakap ang bulaklak na hawak ko ay pinasadahan ko ang buong paligid. Wala ako masyadong makita dahil nakatutok sa akin ang ilaw. Maraming camera ang kumukuha ng litrato ko at meron ding nag vvideo.

Nag salita na ang MC sa aking gilid. Mayroon siyang ipapalabas daw na video sa screen. Excited akong makita ang video na iyon.

Umpisa pa lang ay na teary eyed na agad ako dahil unang lumabas ang picture namin ni Daddy noong seven years old pa lamang ako. Nakaupo ako sa kandungan niya at nakauniporme pa si Daddy sa picture. I miss him so freaking bad!

Lumabas pa doon ang mga pictures naming magkakapatid through the years. Pictures ng mga pinsan ko kasama ako. Sa mga family picture kung saan kami kompleto ay saka lang lumalabas si Kaden. Hindi kami close noon kaya wala kaming litrato na dalawa lamang kami. Hanggang sa mga latest na ang pinalabas sa screen. Iyong litrato namin noong nasa Zantander kami. Noong birthday ni Yuriko. Mga pictures namin sa pool nila Gia at Trish. Masisira ang aking make up ko kung magpatuloy pa ang mga litrato na ito dahil tuluyan ng tutulo ang luha ko.

Matapos ang video na pinalabas ay nagsalita muli ang MC. Natatawa ang lahat sa humor niya, maging ako.

"Let's all welcome, the debutant's escort... Mike Larazabal!!! He will perform a song number for our dear Cady." Anunsyo ng  MC. Wow! I didn't know Mike could sing and he'll be having a song number for me tonight. I was surprised!

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon