Medyo nalasing ako nung party ni Kaden kaya ay natulog na ako ng maaga. My cousins are also tipsy at iilan na lang ang medyo normal pa.
Hinatid ako ni Kaden nung gabing iyon at wala na talaga ako sa sarili lalo na ng ipaalala niya sa akin ang lakad namin sa araw mismo ng birthday niya.
Kaya ng magising ako kinabukasan ay iyon agad ang pumasok sa aking isipan. Ano kaya ang maaari kong ipaalam kay Mommy mamaya? Papayagan niya naman ako kaso hindi ko lang alam kung paano magsinungaling sa kanya. Hindi ako magaling magsinungaling kaya ay natatakot akong mahuli niya ako na hindi nagsasabi ng totoo.
Ang sabi saakin kagabi ni Kaden ay maaga daw kaming aalis ngayon. Kaya ay ng makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko, tumatawag, ay agad ko iyong sinagot.
"Good morning. Buti gising ka na. Are you hang over?" Ang malambing niyang boses ang bumungad sa akin. Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
"No, i'm fine. Happy birthday!" Maligaya kong bati sa kanya. I can still smell my morning breath, tapos narito ako kinikilig na parang tanga sa aking kwarto.
"Thank you baby. I can't wait to spend it with you though." His husky voice lingered into my ear. Halatang nakahiga pa yata siya ngayon habang magkausap kami.
"Saan nga pala tayo pupunta today?"
"Somewhere that both of us will enjoy baby... " Nanuot sa akin ang kilig. "I'll pick you up doon sa Mall kung saan kita sinundo kahapon." Tumango ako sa sinabi niya. Buti na lang at iyon ang naisip niya dahil malamang ay baka pagdudahan kami kung sabay kaming aalis na dalawa. "I should better get ready, ikaw din."
Kaya ay napatayo ako sa sinabi niya. "Okay, see you later." Binaba ko na ang phone at nagmadaling pumasok ng banyo.
I did the usual. Nang matapos akong maligo ay dumiretso ako sa aking closet. I wore a flowy yellow sunday dress. I paired it with a wedge. Kinulot ko ng kaonti ang aking buhok, tama lang para maging effortless wavy ito. Naglagay rin ako ng kaonting make up at handa na ako para sa araw na ito.
Nagmadali akong bumaba, nakita ko pa sa malaking orasan namin na alas nuwebe pa lang ng umaga. Nakita ko pang kakalabas lang din ni Kuya Kaezer sa kanya kwarto. Ngumiti siya sa akin at inasar ako ng mga tingin niya.
"Wow Cayd... Saan ang date?" Aniya. Kinurot pa ako sa aking pisngi ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.
"Date?" Nanlaki ang mata ko. Halata bang makikipag date ako ngayon sa itsura ko?
"It seemed like it. Like you really put some effort to curl your hair..." Aniya at hinawi pa ang buhok ko. Ginapangan ako ng hiya. Shit. Maging si Kuya Kaezer ay napansin ang pag aayos na ginawa ko today. "Kung sino man yang ka date mo, he must be someone special." At tinalikuran na ako at saka bumaba ng hagdanan. Nagbuntong hininga ako at saka sinundan si Kuya na bumaba.
Dumiretso din pala siya sa dining area kung saan naroon na si Mommy at nakaupo sa kanyang upuan. Kuya Kieran was also there on his seat. Yumuko ako at humalik kay Mommy at binati siya ng good morning. Sabay kaming umupo ni Kuya Kaezer sa aming mga upuan. Katabi ko si Kuya Kieran at katapat ko naman si Kuya Kaezer. Nasa gitna si Mommy at pinagmamasdan ako.
Tumukhim si Mommy kaya ay napilitan akong tingnan siya sa mga mata. I bit my lower lip. "Cady? Where are you going iha?" Tanong ni Mommy sa akin sa usual niyang tono.
Tumukhim muli ako at nag iwas ng tingin. But her presence demands an eye contact from me, kaya iyon ang ginawa ko. "Lalabas lang po ako My with my classmates. Sa mall lang po ako." O my gosh! I can't believe i jus said that.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
Roman d'amourIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.