Part 40: free

8.4K 214 59
                                    

Matapos ang mainit na sandali kasama si Kaden ay ginawa pa rin namin ang unang plano sa araw na iyon.

Nagpunta kami sa bayan upang magsimba. Sa malaking simbahan sa bayan kami nagpunta at halos puno ang loob nito. Buti na nga lang at may naupuan pa kami kahit papaano.

Matapos ang misa ay dumiretso kami ni Kaden sa may peryahan doon. Sumakay kami sa maliit na ferris wheel at naglaro ng bingo. It was fun! Niyaya pa nga ako ni Kaden na pumasok sa horror booth pero hindi na ako pumayag.

Sa mga gilid lang ng peryahan ay nagkalat ang mga sari saring stalls ng mga pagkain. Kumain kami ng fishball at kikiam. Binilhan din ako ni Kaden ng halo-halo na paboritong paborito ko.

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Kaden at nilibot ang bayan. Maliit lang pala ito at kaya mong libutin ng ilang oras lang.

Nakaakbay si Kaden sa akin habang nakatingala kami sa logo ng eskwelahan na nasa harapan namin. May nakasulat doong MEDELLIN HIGH.

"Kapag naging maayos na ang lahat at naasikaso ko na ang mga papeles mo sa school, pwede ka na rito mag aral." Tinitigan ko si Kaden habang parang malawak ang iniisip habang nakatingala doon sa pangalan ng school.

Marami siyang plano para sa amin at lahat ng iyon ay hindi ko naman minamadali. Para sa akin ay mas maganda kung dahan dahan ang lahat. Pakiramdam ko kasi ay ang bilis ng panahon at araw.

"Pwede naman akong maghanap ng trabaho Kaden. Hindi ko na siguro kailangang mag aral." Kumunot noong tiningnan niya ako. Alam kong gusto niyang tapusin ko ang pag aaral ko pero hindi iyon praktikal para sa amin ngayon. Lalo na't tama lang sa araw araw na pagkain namin ang sinisweldo niya.

"Hindi p-pwede. Kahit isa man lang sa atin ang makapagtapos, hindi ba?" Tumango na lamang ako sa kanya.

Naglakad pa kami at napansin namin ang isang open court kung saan may mga naglalaro ng basketball. Mga kasing edad lang yata namin o mas bata pa ang mga naglalaro. Napansin ko din ang iilang dalagitang nagtutumpukan at naghihiyawan dahil sa mga binatang naglalaro.

Lumapit kami ni Kaden doon. Habang nanonood kami ay may grupo ng kababaihan ang lumapit sa amin. Nahihiya pa sila noong una. They were looking at Kaden tapos ay titingin sa kanilang cellphones.

"Excuse me po. Kayo po ba iyong trending sa facebook na si MEAT MAN?" Tanong ng isang babae. Nagtanguan sila ng tatlo niya pang kaibigan. Taka kaming nagkatinginan ni Kaden. Meat man? Trending? Facebook? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Siya nga iyon, promise pa! OMG! Sobrang gwapo niya!"

"Lalo na sa personal!" Narinig kong sambit nila. Para silang mga kabuting kilig na kilig at nagsisikuhan.

Ngumisi lang si Kaden at hinapit ang bewang ko. "I don't know what you're talking about." Pilit na tumawa ito sa mga babae.

"Kayo po talaga yun eh. Wait, Maique ipakita mo nga iyong picture na nasa facebook." Ani noong babae sa kaibigan niya.

Kunot noo pa rin akong tinitingnan ang mga babae. Maging si Kaden ay parang nahihiya na dahil panay ang kuha ng picture ng isa sa kanila sa kanya. Nag selfie pa ito habang nasa likod niya si Kaden. Seriously? She can ask for a photo, maaari naman iyon.

"Ito oh." Inabot noong babae ang cellphone niya kay Kaden. Kinuha iyon ni Kaden at tinitigan ang nasa screen.

"Damn it!" He cursed and then gave me the phone. Sa reaksyon pa lamang ni Kaden ay parang may ideya na ako.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon