Buong byahe patungong Talon ay tulala lang ako. Nag uusap si Mike at Kuya Dealan tungkol sa basketball kaya ay tahimik lang kami nila Trish at Remma.
Nang dumating kami sa Talon ay nakita ko na rin ang ibang sasakyan kanina, maging iyong sasakyan na SUV kung saan sumakay si Yuriko at Kaden kasama ang mga babaeng pinsan ni Mike.
Kompleto na ang apat na sasakyan na dala namin kaya siguro kami na lang ang naiwan kanina. Pagkababa namin sa sasakyan ay napakamot ng ulo si Mike.
"Mukhang nauna na sila sa Star Apple." Aniya. "Maglalakad pa tayo ng kaonti, pero onti lang." Kaya naman ay nag umpisa na kaming maglakad papunta roon.
Medyo malayo ang kailangang lakarin pero ng makita ko ang Talon na sinasabi nila ay nawala ang kahit na anong pagod. Malayo pa lang ay rinig na ang agos ng tubig sa malaking Talon. Hindi ko na muna pinansin ang mga kasama dahil manghang mangha ako sa tubig na nanggagaling sa tuktok ng Talon. Ngayon pa lang ay gusto ko ng maligo at tumalon roon.
Narinig ko ang malakas na pag tawag ni Gia sa akin. Lumingon ako kung saan galing ang boses niya at nakita kong naroon sila sa isang floating kubo sa gilid ng Talon. Paano sila nakarating doon? Nasagot agad ang tanong sa utak ko ng makita si Mike na dumiretso sa isang maliit na bangka. Inalalayan niya pa si Trish na makapasok roon sa bangka. Kitang kita sa itsura ni Trish na tulad ko ay sobrang namangha din siya sa lugar na ito.
"Cady!" Sigaw ni Kuya Dealan sa akin. Halos kompleto na pala sila doon sa bangka. Nag half jog ako papunta roon at sumakay na rin.
"This place is so cool." Rinig ko pa si Kuya Dealan. Tama siya, sobrang cool nga dito. Maging ang talsik ng tubig ng talon ay nararamdaman ko na at malamig nga iyon.
Segundo lang ang binyahe ng bangka papunta sa lumulutang na kubo. Naroon na pala lahat ng makarating kami.
Ang mga babaeng pinsan ni Mike ay naghubad na ng damit at ang kanilang halos hubad na katawan ay kitang kita ko mula rito. They are all wearing two piece swim suit. Bigla tuloy ako ginapangan ng hiya at naimagine ang sarili sa suot kong two piece sa loob ng aking suot ngayon.
Sa loob ng kubo ay may mahabang lamesa at nakapalibot ang mga kawayang upuan rito. Nakita kong pumwesto na agad doon sina Kuya Dealan at Remma sa may gilid. Inayos nila ang gamit nila. Nagpatianod naman ako kay Trish na ngayon ay pumwesto rin sa isang gilid, naroon din kasi si Gia at Perri.
Sa dulo ng kubo ay may isang bukanang kawayan. Naroon ang mga kapatid ko at mga pinsan na lalaki. Lahat sila ay naka board shorts lang at pinagkalandakan ang kanilang mga abs.
Nag iwas ako ng tingin ng makita ang katawan ni Kaden.
Si Mike naman ay lumapit doon sa grupo ng kanyang mga kapatid at pinsan. Ang mga lalaking pinsan niya ay nag umpisa na ring maghubad ng tshirt nila, maging si Mike ay ganoon na din ang ginawa.
Nakita ko kung paano nabaling ang mga paningin ng mga pinsan ni Perri ng magsimulang maghubad ng damit si Ate Angelica. She's oozing with sex appeal and she got the banging body that everybody would drool over. She got everybody's attention when she's only wearing her baby blue bikini.
Narinig ko pa sa banda nila Mike ang pagka mangha ng iilan sa tattoos sa katawan ni Ate Angel.
She flipped her hair and her attention was on us. "Come on, let's swim!" Anyaya niya sa amin ni Trish. Nagkatinginan muna kami ni Trish at saka tumingin kay Gia. Nagtanguan kaming tatlo at sabay sabay na hinubad na rin ang mga suot namin. Gia was wearing a floral one piece bikini. She got a tight ass na nakita ko pang napatingin doon si Perri. Trish and i are both wearing two piece bikini. Ang akin ay kulay pink at kay Trish naman ay kulay black. Halos pareho lang ang hubog ng katawan namin ni Trish, medyo slender lang si Gia sa amin ng kaonti.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.