Part 5: back

4.4K 112 0
                                    

"A-ayoko niyan. I'ts hot!" Nauutal kong sambit sa taong nagsuot sa akin ng robe.

"Damn! You're drunk!"

Pinilit kong hubarin muli ang robe. Ang init init. Niyakap ako muli at sinuot ang robe sa akin.

"Ano ba!" Hinampas ko siya sa dibdib niya. Nanlaki ang mata ko at halos isuka ko na ang nainom ko ng mapagtantong si Kuya Kaden iyon. Shit! Now, i'm totally screwed.

"Hindi mo ba nakita? Pinagppyestahan ka na ng mga lalaki dito kanina." Aniya at galit na galit. Mas galit siya ngayon, natatakot ako. Hindi na ako nagsalita, alam kong mali ako. Kahit naiinitan ako sa robe ay hindi ko na ulit ito hinubad. Nagpa tianod ako sa paghila sa akin ni Kuya Kaden.

Nakasalubong namin sina Gia at Trish. They looked at me like i'm a mad mess. I think i am. I feel like a mess.

"Samahan niyo siya magbihis." Nakita kong tumango sina Gia at Trish. Kahit hindi pa sila okay ni Kuya Kaden ay sinunod nila ang sabi nito.

Binitawan ako ni Kuya Kaden at inalalayan ako nila Gia. Umakyat kami sa pangalawang palapag ng bahay. Pumasok kami sa isang kwarto. Nang makita ko ang kama sa loob ay gusto ko na lang humiga at matulog.

"God, Cady. What happened to you?" Narinig ko ang pagsarado ng pintuan. Hinubad nila ang robe ko at saka itinulak ako sa loob ng banyo.

"Take a shower." Kaya iyon ang ginawa ko. The water was hot kaya ay parang nahimasmasan ako kahit papaano. Matapos ko magshower ay nakita ko si Gia na nakaupo sa kama. She's busy with her phone ng makita akong lumabas sa banyo. Nilapag niya ang cellphone niya at saka inalalayan ako upang maupo sa kama.

"Are you okay? Ano ba kasing nangyari sayo?" Umiling lang ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makapag salita.

Ilang sandali pa ay pumasok si Trish na may dalang mga damit. Ibinigay niya saakin iyon at sinoot ko. Panlalaki ang damit. Maybe it's Yuriko's or Kuya Dealan's clothes.

Malaki ang tshirt na kulay puti. Wala akong bra dahil nandoon sa loob ng kwarto ni Ate Angel ang mga damit ko. I don't even have panties on. Sinuot ko ang pang basketball na shorts na halos jogging pants na sa sobrang laki.

"Come on." Nagtataka ko silang tiningnan dahil pinatayo nila ako. Can i just stay here?

Paglabas namin ng kwarto ay nakita kong naroon si Kuya Kaden. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan, maybe waiting for us.

Hindi ako makatingin kay Kuya. Pakiramdam ko, mas pasaway pa ako sa mga kapatid ko.

Nasa magkabilang gilid ko si Gia at Trish. Habang sinusundan naman namin si Kuya Kaden. Palabas na kami ng bahay. Iginaya nila ako papasok sa kotse. Sa front seat nila ako pinaupo.

Umikot si Kuya Kaden para pumunta sa driver seat. Tumingin ako sa labas ng bintana. Naroon si Gia at Trish. Hindi pala sila sasama sa amin. Kumaway sila, tumango ako at tipid na ngumiti. Hindi ko na nilingon pa si Kuya sa gilid ko hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Pagka park ng kotse niya ay lumabas na ako at tumakbo paakyat sa aking kwarto. Wala akong mukhang maipakita. Pakiramdam ko ay naging pasanin ako ng kapatid ko at mga pinsan ko.

Nagising ako ng masakit ang ulo. Tiningnan ko ang orasan at alas tres pa lang ng madaling araw. Kumakalam ang sikmura ko. Hindi nga pala ako nag dinner kagabi at uminom pa ako.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon