Hindi ako makapag concentrate sa panonood ng pelikula sa screen dahil pana'y na pinaglalaruan ni Kaden ang mga daliri ko. Na didistract ako sa ginagawa niya sa kamay ko.
Nang matapos ang palabas ay nagdinner kami sa isang restaurant dito pa din sa Mall. Panay ang lingon ko sa paligid dahil baka lang may kakilala kaming makasalubong. Magkahawak kamay parin kasi kami habang naglalakad sa mall.
Hindi ko nga akalain na ang isang Kaden ay sweet at gentleman pala. Kabaliktaran iyon ng pagkakakilala ko sa kanya simula noon pa. Ang makita siyang ganito sa akin ay nagpapasaya sa akin.
Nakikita ko na rin siyang nakangiti at masasabi kong masaya siya sa kislap ng mga mata niya. Ayaw ko munang isipin ang maaaring mangyari sa hinaharap, ngayong magkarelasyon na kami. Ayaw ko muna mag isip ng negative. Gusto ko munang sulitin ang alam kong kaonting mga araw na magkasama kami. Dahil alam ko kalaunan ay mahihinto rin ito dahil mas pipiliin ko ang Pamilya ko. Mas pipiliin kong sundin ang mas nakakarami kesa sa taong Mahal ko.
I cannot offer Kaden anything. Dahil walang wala din ako. Wala akong ibang pamilya, ni wala akong ibang kakilalang kamag anak na talagang kadugo ko. Si Mommy lang at ang mga kapatid ko ang meron ako sa ngayon.
Nang pauwi na kami galing sa Mall ay pana'y ang lingon ni Kaden sa akin sa byahe. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa kaya ay sinabihan ko siyang sa kalsada na lang tumingin at hindi sa kung saan saan pa. Ngumingisi lang siya sa akin at panay ang pa cute. Like duh, kaya nga yata ako naglalaro ngayon sa apoy dahil he's cute enough to made me fall for him. Di ko nga alam kung pinlano niya ba ito, ang pag iwas at pagsusungit sa akin noon tapos ay bigla na lang magiging mabait at sweet sa akin.
Nang nakapasok na kami sa loob ng aming subdivision ay agad kong inayos ang sarili ko. Bumukas ang malaking gate namin sa bahay ng mamataan ng guard ang sasakyan ni Kaden. Nagulat pa kami dahil halos mapuno ang aming bakuran sa mga sasakyan. Mga hindi pamilyar na sasakyan ang mga narito. Madilim naman sa loob at mukha namang walang tao.
Bumaba kami sa sasakyan ni Kaden. Kinuha niya sa likod iyong mga pinamili ko. Kinuha ko iyon dahil ayaw kong siya ang magdala noon. Baka lang makahalata ang kung sino man ang tao sa bahay ngayon.
Umakyat kami sa mahabang hagdanan bago makapasok sa main entrance ng bahay. Pagkabukas namin ay napakadilim sa loob. The house is not usually like this. Maaga pa naman para patayin na ang ilaw rito sa salas.
Napakapit ako sa braso ni Kaden ng biglang bumukas ang ilaw at naroon ang mga pinsan ko, ang mga Titos-Titas, si Mommy at ang mga ibang kaibigan na kakilala namin.
"Surprise!!!" Sigaw nila ng sabay sabay. Nasa harap si Mommy at siya ang may hawak ng maliit na cupcake na may candle na ngayon ay sinindihan ni Kuya Kieran. Nakita kong nagulat si Kaden tulad ko.
"Happy birthday Kaden!!!" Sigaw nilang muli. I saw how genuinely surprised Kaden's face right now. Napabitaw ako sa kanya at napangiti. Napalingon siya sa akin.
"Happy birthday!" Sabi ko sa kanya. He mouthed thank you to me and to all the people in front of us.
Nagdadalawang isip ako ng iabot sa kanya ang gift ko ngayon na hawak ko kasama ng ibang paper bags na pinamili ko kanina kasama sina Trish at Gia.
Lumapit si Kuya Kaezer at nag bro hug sila ni Kaden. "Finally, you're legal now." aniya. Ngumiti lang si Kaden at unti onting lumapit doon kay Mommy na may hawak na cupcake. Binlow niya ang candle noon at humalik siya kay Mommy. I can now imagine what is like to break this family... Masakit na masakit tulad ng nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay ako ang magiging dahilan para magkagulo ang pamilya.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomantikIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.