Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Kaden. Ito ang unang araw na nagising ako na malayo sa aking pamilya. Kamusta na kaya sila? Nag aalala na siguro sila sa amin ni Kaden. Hinahanap na siguro nila kami. I want to tell them that we are fine, pero paano? Ayaw ko naman i-risk ang mga naumpisahan na namin ni Kaden rito. Baka matunton nila kami.
Ramdam ko kaagad ang pananakit ng aking likod dahil sa manipis na foam lamang ang aming higaan.
Umalis na kaya si Kaden? Hindi man lang ba siya nag breakfast? Tumayo na ako at nagligpit ng higaan.
Tama! Magluluto ako ng breakfast at dadalhin ko kay Kaden. He should at least eat something.
Mabilis akong naghanda para maligo. Hindi pa naman masyadong tirik ang araw kaya alam kong maaga pa. Dumiretso na ako sa likod kung nasaaan ang aming banyo.
Nag igib na rin pala muli si Kaden ng tubig. Balak ko sanang sa batis maligo pero since nagmamadali na ako ay dito na lang muna.
Matapos maligo ay naisipan ko namang magluto ng omelet at ilalagay sa tinapay. Ito muna sa ngayon habang hindi pa ako nakakapag paturo kay Nana Josefa. Matapos ko ihatid kay Kaden ang kanyang breakfast ay didiretso na ako kina Nana.
Hindi ako nahirapan sa pagluto ng omelet dahil madalas ay ito ang niluluto ni Yaya noon at lagi ko pinapanood. I prepared everything. Matapos ay nag ayos na rin ako ng sarili at nag suot ng shorts at spaghetti strap na damit. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko habang basa pa.
Susundan ko na lang siguro ang dinaanan namin kahapon gamit ang sasakyan, this time ay lalakarin ko lang. Bitbit ko ngayon ang supot na may lamang omelet at tinapay. Sigurado ako matutuwa si Kaden nito.
Habang naglalakad ay namulot pa ako ng sanga upang mapaglaruan habang ako ay naglalakad. Hinahawi ko ang mga patay na dahon na aking maibigan. I can definitely live in a province. I love how simple and quiet everything in this place.
Ilang minuto din ang nilakad ko at sa wakas ay nakarating na ako sa main road. Sa di kalayuan ay may mga tricycle na nakapila. Medyo malayo pa ang bayan kaya kailangan sumakay ng tricycle.
"Manong sa bayan po." Halos lahat ng driver ng tricycle ay nakatingin sa akin, tila namamangha. What? Ngayon lang ba sila nagkaroon ng pasahero?
Sumakay na ako sa pinaunang tricycle na nakapila. Medyo bata pa ang driver at mukhang mabait naman. "Kaninong anak ka? Bago ka lang ba rito?" Narinig kong tanong ng driver. Should i talk to him? Should i answer his questions? It's like, talking to a stranger...
"Opo..." Iyon na lang muna ang sinagot ko. I don't want to give any details about my self.
Nang nasa palengke na ay pumara na ako. Nagbayad ako at dumiretso na sa loob ng palengke. Oh shoot! Now i need to find Kaden. Hindi ko nga pala alam kung saan ang pwesto nila rito.
Sa bawat daraanan ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Take note, mula ulo hanggang paa kung makatingin sila. Dumiretso ako sa mga karne at sa may isang dako ay may ngkukumpulan roon na mga babae. Naaninag ko si Kaden. There you are!
Dumiretso na ako roon at halos hindi ako makasingit dahil maraming bumibili. Pero siniksik ko ang sarili ko.
"Ano ba miss, ako ang nauna rito." Ani ng isang babaeng mga nasa eraly 30's.
"Cady?" Nagulat pa si Kaden ng makita ako. Nginitian ko lang siya at halos lahat ng mga bumibili sa kanya ay napatingin sa akin. "Halika rito." Pinapasok niya ako sa kanyang stall.
As i look at him i see a different Kaden. He was wearing an apron and there's blood all over it. I mean meat blood. Pawis na pawis siya at alam kong nahihirapan siya. May hawak siyang malaking kutsilyo at nasa harapan niya ang malaking chopping board at may timbangan sa gilid. Ohhh Kaden...
![](https://img.wattpad.com/cover/65852933-288-k909640.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we all belong to something, someone, or somewhere. But in my case, I didn't belong to anything. All my life, I felt like a stranger-until my brother made me feel like I belonged to him.