Umaga ng bumyahe na kami patungong Zantander. Anim na oras daw ang byahe kaya minabuti kong magdala ng unan. Nasa may window side ako ng van, upuan bago ang dulo. Katabi ko si Yuriko na ngayon ay panay ang pakikipag harutan kay Kuya Kaezer. Pinipitik niya kasi ang tenga ni Kuya at ayaw niyang patulugin.
Sa likod ko ay si Kaden, Kuya Kieran at Trish. Sa harapan ko naman ay si Gia, Perri at Franchois. Kuya Dealan is driving. May kasama siyang babae at iyon ang katabi niya sa front seat.
Nasa likuran lamang namin si Ate Angel at si Kuya Nerjie sakay sa Wagon. Naroon sa Wagon ang mga gamit namin kaya ay nagsiksikan na kami halos lahat rito sa Van.
Mabilis akong nakatulog. Makalipas ang tatlong oras ay ginising nila ako para sa stop over. Naabutan kasi kami ng lunch time sa byahe. Sa isang local na karenderia namin naisipang kumain.
Umupo na ako sa mahabang lamesa at inokopa namin lahat ang mga upuan. Kung ano na lang ang naisipan nilang orderin ay iyon na lang din ang kakainin ko. Hindi naman kasi ako mapili pagdating sa pagkain.
Bakante ang upuan sa tabi kaya nagulat ako ng biglang umupo rito si Kaden. Naalala ko tuloy ang ginagawa niya sa likod ko kanina sa Van. Nakasandal ang noo niya sa sandalan ng upuan ko kaya tuwing nag bbreak ang van ay nagkakauntugan kaming dalawa. Siya pa ang galit tuwing napapalingon ako sa gawi niya dahil sa umpugan namin.
Dumating na ang mga order namin at natakam agad ako sa pagkain. Puros lutong bahay ito. May menudo, adobo at kung ano ano pa.
Habang kumakain ay bigla na lang akong kinakausap ni Kaden. "I brought my guitar." Sabi niya sa akin. O ano naman ngayon? Gusto kong irapan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakapanibago kasi ang bigla bigla niyang pagiging mabait. It's not that i don't want him to be good to me, its just that... i'm getting this weird feeling inside of me whenever he acts like this. I don't know of it's a good thing or what.
"Can i sit beside you later? Might want to share your pillow?" Daldal niyang muli. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Napakadaldal niya ngayon, sobrang nakakapanibago.
"So Perri, saan kami mag-sstay pagkarating sa lugar niyo?" Tanong ni Kuya Dealan kay Perri. Napahinto siya at uminom ng tubig bago sumagot.
"We can stay at our Villa if you want. Pero dahil may dala naman kayong mga tents, mas maganda kung sa may lawa tayo magpalipas ng gabi. But before that, dinner muna sa Villa."
"Lawa? Marami bang tao dun? I mean, is it private?" Tanong naman ni Yuriko. "Baka lang maraming chikababes..." Sabay halagapak niya ng tawa.
Natawa kami dahil sa sinabi ni Yuriko. Sa mga panahong ganito, babae pa rin ang nasa laman ng utak niya.
Tinapos ni Perri ang tawa niya bago niya sinagot ang walang ka kwenta-kwentang tanong ng pinsan ko.
"At this time of the month, i don't think so... Mukhang tayo lang ang naroon." Ani ni Perri. Napapatango kami sa kanya.
"Diba Perri may mga falls din sa lugar niyo? Pwede nating puntahan yun, diba?" Sa sobrang liit ng boses ni Gia dahil sa kanyang pag papa cute ay napa face palm ako. Itong pinsan kong ito talaga. Tumango si Perri at hinalikan siya sa noo. What a view. I rolled my eyes.
Napagpasyahan na naming magpatuloy sa byahe matapos ang tanghalian. Bago pumasok sa van ay nagkainitan pa si Kuya Dealan at Ate Angel. Kaya ay natigil kaming lahat.
"Can you just at least be civil, Angelica?" It's Kuya Dealan. He confronted Ate Angel.
"Bakit na naman ba? Ano na namang ginawa ko?" Natatawang sambit ni Ate Angel. Napailing si Kuya Dealan.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.