Part 37: takot

2.9K 88 0
                                    

Naligo kami sa batis. Nag igib na din si Kaden matapos iyon. Ako naman ay naglinis ng bahay at inayos ang aming mga damit at inilagay sa lumang aparador.

Maggagabi na at wala pa rin kaming ilaw ni Kaden. Pumunta siya doon kina Nana Josefa upang manghiram sana ng kandila. Nang bumalik siya ay lampara ang kanyang dala.

"Wala din palang kuryente dito." Aniya ng salubungin ko.

"Tuwing gabi lang naman kailangan ng ilaw eh." I positively said. Alam ko napanghihinaan na siya ng loob sa sitwasyon namin pero gusto kong ipakita sa kanya na ayos lang ang lahat.

"Wala pa tayong mga gamit, wala tayong mailuluto, ano ang kakainin natin?" Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. I smiled. Nilapitan ko siya at pinaharap sa akin.

"Let's go buy some... Bilhin na natin ang mga kailangan natin sa araw2x. I still have cash in my wallet. Let's try our cards baka naman hindi na pina cut ni Mommy."

Namumungay na naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin. He smiled, finally. I gave him a peck on the lips.

"Let's go, bago pa dumilim ng tuluyan." Tumango siya sa sinabi ko. Pareho kaming umakyat para kunin ang wallet ko at ganoon din siya. Dumiretso kami sa sasakyan matapos iyon.

"Paubos na ang gas nito." Aniya ng binuhay niya ang makina. "Magkano na lang ang cash mo diyan?"

"I still have four thousand."

"I have eight thousand left." Aniya at pinaandar na ang sasakyan.

Mabilis kaming nakarating sa bayan. Pinag titinginan ang aming sasakyan san man kami magpunta. Huminto kami sa may bandang mercury drug. Thank God, there is one. Doon kami nag park at pumasok na sa loob.

Bumili ako ng mga napkin, toothbrush, sabon, shampoo, anything na magagamit sa pang araw araw. Nasa tapat ang palengke at doon daw kami bibili ng mga gamit sa kusina at kung ano ano pa.

Nang makapag bayad na sa Mercury Drug ay dumiretso na kami sa palengke. May nakita kaming unan, kaya bumili na rin kami.

Marami kaming pinamili. Namalengke na rin kami ng aming lulutuin. I bought eggs, bread at kung ano ano pa. Bumili na rin kami ng mga kitchen tools like kaldero, kutsilyo, plato, kutsara, name it!

Bago bumalik sa bahay ay pinagasan pa namin ang sasakyan. Hindi namin ginawang full tank ito dahil malamang ay ubos agad ang pera namin. Sakto lang upang makauwi kami. 

Madilim na ng makauwi kami kaya sakto ang mga pinamili naming mga kandila. Sinindihan ko ito at inilagay sa lamesa. Inumpisahan na rin ni Kaden na sindihan ang uling na binili namin kanina.

"Anong lulutuin ng asawa ko?" Aniya ng lumapit sa akin at nakayap pa sa akin mula sa likod. Humagikgik ako at inirapan siya.

"Obviously, fried egg?" Sabi ko habang binabati ang itlog sa mangkok. Tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi at umupo sa harap upang pag masdan ako.

"I can do this all day..." Aniya habang nakatitig sa akin. Ngumuso ako.

"Do what?"

"I can look at you all day... Hindi ako magsasawa." Halos lumuwa ang puso ko sa sobrang kilig. Kung pwede lang magsisigaw rito ay ginawa ko na.

"Stop making pa cute, just help me here." Tumayo siya at tiningnan ang kawali kung ito'y mainit na. Sumenyas siya ng OK kaya ay nilagyan ko na ito ng mantika. I can cook, but only fried. Kapag wala kasi akong magawa ay tumutulong ako noon kay Yaya. But both Kaden and i don't know how to cook rice so i bought bread instead. Bumili rin naman ako ng bigas at bukas na bukas ay magpapaturo ako kay Nana na mag saing.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon