Part 13: forget

3.6K 106 3
                                    

"Kuya..." Pinunasan niya ang luha ko. Matapos niya punasan gamit ang kanyang daliri ay lumapat ang kanyang daliri sa aking labi. Nanginig ang labi ko sa ginawa niya

"Shhh... I said, don't call me Kuya. You're not my sister Cady." Mapungay pa rin ang mga mata niya. Hindi ko alam kung lasing lang ba siya kaya niya nasasabi to o pinagttripan niya lang ako. Gusto kong maniwala dahil sinasabi ng mga mata niyang totoo ang lahat ng ito. Sinasabi ng mga mata niya na paniwalaan ko sya.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya. And it's struck me. Kaya niya ba sinasabi parati sa akin na hindi ko siya kapatid ay dahil matagal na niya itong nararamdaman sa akin? Kaya ba walang araw noon na hindi niya iyon pinapaalala sa akin na hindi ako pamilya. Na di kami magkadugo. It's making sense now.

Nakita ko ang pag aalala niya ng lumayo ako. Umupo ako at pinahid ang sariling luha. Hindi ko alam kung paano ako napasok sa ganitong sitwasyon.

Mabilis na pinantayan ni Kaden ang upo ko. Matangkad siya kaya ay pinilit niyang magpantay kami kahit papaano.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Nag iwas ako ng tingin pero binalik niya ang mga mata ko sa kanya.

"Cady... Baby..." Nanginig ang sistema ko ng marinig muli ang salitang baby. Ang pangalan ko na sobrang lambot ng pagkakabigkas niya rito. My heart won't stop pumping too freaking fast.

"Alam ko, mali ito. I should never felt this way in the first place. Pinigilan ko naman eh. Believe me, pinigilan ko." Namumula ang mga mata niya. Parang gustong kumawala ng mga luha rito. Nasasaktan ako. "I decided to study abroad to forget my feelings towards you. I thought five years was enough to forget you, to forget what i feel for you. Pero mali ako. The moment i laid eyes on you again, bumalik lahat. Seeing you so grown up and became this beautiful woman you are now, hirap na hirap na ako." Tumulo ang luha ni Kaden.

Para siyang bata na umiiyak. Parang kinukurot ang puso ko.

Pinunasan niya ang mga mata niya. Nag iwas siya ng tingin dahil wala akong masabi. Walang salitang gustong kumawala sa bibig ko. Suminghot siya at tiningnan muli ako.

"I won't force you to love me back. Maybe, eventually, i'll forget about you. Maybe it will be easy now, now that you know what i feel about you." Kumurap ako ng ilang beses at mabilis ng nakalabas si Kaden ng tent. Mabibilis ang hininga ko. Pilit na pinroseso ang mga salitang binitawan niya.

Tulala ako at iniisip ng paulit ulit ang mga sinabi ni Kaden sa akin kanina. Sa ginawa niyang pag amin ay hinding hindi ko na ulit siya matitingnan bilang kuya ko. Hinding hindi ko na siya matitingnan kaparehas ng pagtingin ko kay Kuya Kaezer at Kuya Kieran. It won't never be the same again.

Dumating na rin si Kuya Kaezer. Mabilis siyang nakatulog pagkapasok pa lang niya. Amoy alak rin siya tulad ni Kaden kanina. Tinitigan ko si Kuya. Pareho sila ng labi ni Kaden. Kahit ang hugis ng kanilang panga ay pareho rin. Bakit ko nga ba kinokompara si Kaden sa kanya? Bakit ba ayaw na lang niya umalis sa isip ko at patulugin na lang ako.

Buong gabi ay hindi ako makatulog. Inabangan ko si Kaden na bumalik rito sa tent pero umaga na lang ay hindi pa rin siya bumabalik. Saan na kaya siya nagpunta? Saang tent naman kaya siya nakatulog? Tinampal ko ang sarili ko. Bakit ko nga ba siya inaalala.

Nilingon ko si Kuya Kaezer na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog. Lumabas ako ng tent at ang simoy ng hangin at huni ng mga ibon kaagad ang bumungad sa akin. Lalo akong namangha sa Lawa ng makita ko ito na parang magkayakap sila ng papalabas na araw.

"Sunrise." Nagulat ako ng lumapit sa akin iyong babaeng kasama ni Kuya Dealan. Maaga din pala siyang nagising tulad ko. Wait... Eh hindi naman ako nakatulog eh.

"Good morning." Bati ko sa kanya. Ngumiti siya at ngayon ko lang napansin na maganda pala siya lalo na at bagong gising.

"I'm Remma. Hindi na ako napakilala ni Dealan sa inyo. Nagmadali na kasi tayo sa pagbyahe kanina." She chuckled.

"Oo nga eh. Pasensya ka na rin kay Ate Angelica ha." She sincerely smiled at me. Alam kong wala siyang masamang tinapay sa pinsan ko. Mukha naman siyang mabait.

Niyaya niya akong magswimming kaya ay pumayag na ako. Wala rin naman kasi kaming gagawin dito kundi ang mag swimming. Naka two piece si Remma habang ako ay naka one piece naman. Tinitigan ko ang mga paa ko na nasa kawayan ngayon bago lumapat sa tubig. Nag dive agad si Remma doon. Tinawag niya ako kaya ay tumalon na rin ako sa lawa.

Hanggang dibdib ko ito at alam kong palalim ng palalim ito. Nasa malayong dako na si Remma. Lumangoy ako at sinundan siya. May papag na kawayan sa gitna kaya mabilis kaming lumangoy papunta roon. Umahon ako at umupo roon sa kawayan. Ganoon rin ang ginawa ni Remma.

Humarap ako kung nasaan ang aming mga tent. Tinanaw kami ni Gia at Kuya Kieran. Gising na din pala sila. Mabilis na lumangoy at sumunod si Kuya Kieran sa amin.

"Cady! Wait for me!" Nag hubad si Gia ng kanyang damit. Suot na rin pala niya ang two piece niya roon kaya ay nag dive siya sa tubig.

"Wooo!" Nanlaki ang mata ko at tumawa ng umahon si Kuya Kieran sa tubig. Tumili pa si Remma dahil umalog ang papag na kawayan.

"God damn it! It's so beautiful in here." Natawa ako. Si Kuya Kieran talaga. May malaking puno doon sa gilid at may malaking sanga na may lubid at gulong na naka bitay rito. Tinuro iyon ni Kuya Kieran.

"Let's swim there." Aniya. Tumango ako bago pa man nakalangoy ay papunta na roon si Kuya Kieran.

Sumigaw si Remma at tinawag si Kuya Dealan na ngayon ay gising na din pala. Tinawag niya ito at niyayang sumunod sa amin. Hinintay ko si Gia na makarating sa papag bago ko siya niyayang lumangoy papunta roon sa may gulong.

Nang nakarating kami doon ay yakap na ni Kuya Kieran ang gulong at nag duyan siya at sinadyang ihulog ang sarili sa tubig. Tumili si Gia sa ginawa ni Kuya.

"Tara Cady." Yaya ni Gia sa akin. Umahon kami at umakyat doon sa puno. Natatakot akong binalanse ang sarili ng dumating na ako sa malaking sanga. Sabay kami ni Gia na tumalon ng nahawakan na namin ang gulong.

"Wooo!" Tawa ako ng tawa sa sigaw ni Gia. "This is the best trip ever!" Aniya.

Isa isa na ring nagisingan ang mga pinsan ko. Halos kompleto na kaming naliligo maliban kay Kaden at Mike. Si Perri at Gia ay naghabulan pa. Sobrang sweet naman ni Kuya Dealan at Remma na magkayakap doon sa may Papag na kawayan. Kung hindi kaya kami magkapatid ni Kaden ay ganoon din kaya kami ka sweet kapag naging kami? Mabilis akong umiling para mawala ang iniisip. Damn Cady.

Yuriko suddenly left his boxers in the water. Nagmura siya ng itapon iyon ni Kuya Kaezer sa malayo. Nagtawanan kaming lahat. Frustrated na nilangoy ni Yuriko ang distansya niya sa kanyang shorts. Pero bago niya iyon maabutan ay nakuha na ni Kuya Nerjie at binato sa kay Ate Angelica. Tawa kami ng tawang lahat ng sumisid si Yuriko at nakita pa ang kanyang pwet.

"Ate! Give it to me!" Pagmamakaawa ng pinsan ko sa kapatid niya.

"What is it to me? May mapapala ba ako kapag inabot ko sayo ito?" Natatawang pang aasar ni Ate Angel sa kanya. Hindi ko mapigilan ang matawa ng sobra. Nakakaawa na kasi ang itsura ni Yuriko.

"Maawa ka naman sa bunso mong kapatid. Makakatulong ka sa kanya. Do it for Love Ate." Humagalpak ang lahat sa sinabi ni Yuriko. Pero ako ay hindi ako natawa. Do it for love. Parang napaka simple lang ng sinabi niya pero iba ang ibig sabihin nun para sa akin.

"I love you Yuri." Natatawang binato ni Ate Angel ang shorts ni Yuri rito. Napangiti ako. Mahal nila ang isa't isa. Mahal nila ang isa't isa pero hindi sa romatic na paraan. Mahal lang nila ang isa't isa.

"I love you too Ate!"

"Ulol! Nagtawanan muli kami dahil sa huling sinabi ni Ate Angel.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon