Part 33: handle

2.8K 92 4
                                    

Matapos ang sa tingin ko ang pinaka mabilis na dalawang minuto sa buhay ko ay pinakawalan rin ako ni Kaden.

Lumapit si Kuya Dealan sa akin at inabot ang isang pulang rosas. Sumayaw kami tulad ng iba.

Matapos ni Kuya Dealan ay si Kuya Nerjie naman. Nagkwentuhan pa kami habang sumasayaw. Mamimiss daw niya ako dahil uuwi na siya sa America bukas din ng umaga. I will miss him too.

Si Franchois naman ngayon ang kasayaw ko. Like the usual, sobrang tahimik niya. Ni hindi niya ako mangitian. Pero matapos ang aming sayaw ay bineso naman niya ako at binati ng Happy birthday.

The giddy Yuriko is next. Bungisngis niyang inabot sa akin ang rosas at hinapit ang bewang ko para sa aming sayaw. Dalawang beses niya pa ako pinaikot ng magkasunod kaya halos mahilo ako. Hinampas ko ang braso niya at saka kami nagtawanan. Napapailing na lang ako sa kakulitan nitong pinsan ko.

Sumunod kay Yuriko ay si Tito Roberto ang kanyang ama. Sumunod ang ama nila Gia na si Tito Joel. Sunod sunod na rin ang iba ko pang mga naging kaklase na kahit papaano ay close ko naman simula noong elementarya pa.

Nang dumating na ang oras para sa last dance ay hindi ko mapigilang hanapin si Kaden sa bugso ng mga tao. How i wish he is my last dance.

Malaki ang ngiti ni Mike ng lumapit siya sa akin para ibigay ang rosas na para sa akin at isayaw ako sa huling pagkakataon para sa gabing ito.

"For you, beautiful." Aniya.

Kinuha ko ang rosas. Inilagay ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg at halos hindi ko na mahawakan ang labing walong rosas.

"Thank you Mike for doing this. I mean for being my escort for tonight."

"It's my pleasure Cady. Everybody wants to be in my position right now." Matalim siyang nakatingin sa gilid kaya ay napatingin din ako doon.

Then i saw he was looking straight to Kaden who is now standing on the side with hands on his pocket. He looked so annoyed and bored. Binaling muli ni Mike ang atensyon niya sa akin pero may ibang ibig sabihin ang ginawa niyang iyon. Stating those words while looking at Kaden. Something is not right.

After the last dance ay nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko mapigilang mapatingin kay Mike kahit na nakalayo na siya sa akin. Something is wrong with him after we went to Zantander. Iba ang pakiramdam ko. May alam kaya siya? Did he saw us? O di kaya doon sa lugar ng designer? Nakita niya kaya kami ni Kaden na pumasok doon sa powder room? Nalilito na ako sa kakaisip kung ano. Pero isa lang ang alam ko... may alam siya.

Mayroong intermission number na inalay para sa akin. Tatlong violinist ang tumugtog para sa akin. I enjoyed their performance. Naalala ko noon, pangarap ko ang matuto ng violin.

Inanunsyo naman ng MC na magsisimula na ang 18 gifts. Kabilang si Gia doon at sina Ate Angelica at iba ko pang mga babaeng kaklase. Naalala ko tuloy ang kaibigan kong si Serimi. Nasa ibang bansa pa siya ngayon kaya hindi siya makakadalo sa aking kaarawan.

Nauna si Gia. Umakyat siya sa stage bitbit ang isang malaking kahon. Nakaupo ako sa aking upuan ng iabot niya sa akin ito.

Ang sabi ay habang binubuksan ko daw ang regalo ay saka naman sasabihin ng nagbigay kung bakit iyon ang iniregalo niya.

Gia looked so perfect with her black mini dress na mahaba sa likod. Naka gladiator pumps siya. Naka bun ang kanyang buhok at sobrang bumagay sa kanya ang smoky eyes make up niya.

"Thank you Gia." Sabi ko ng iabot ni Gia ang regalo niya sa akin.

Inabutan siya ng mikropono. "Happy birthday Cous!" Ngumiti ako sa sinabi niya. Inumpisahan ko ng sirain ang balot ng kanyang regalo. "I chose that specific gift because i just know you'll love it and you'll love me for giving that to you." Tumawa siya sa mikropono kaya halos nagtawanan din ang lahat.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon