Part 29: reached

3.3K 105 2
                                    

Warning: SPG!

Nang makarating kami sa designer ng aking gown ay nakita kong naroon si Mike sa labas ng boutique. Abala siya sa kanyang cellphone na para bang may hinihintay na tawag o text.

Papalapit na ako doon ng maramdaman ang prisensya ni Kaden sa likod ko. Tumikhim pa siya ng isang beses kaya ay nilingon ko sya at kinunutan ng noo. Alam kong naiinis siya ngayon dahil magkikita kami ni Mike.

Lumiwanag ang mukha ni Mike ng mamataan niya ako. Nag iba din agad ito ng makita kung sino ang nasa likod ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikabahala ang pagiging iba ni Mike simula ng umuwi kami galing sa kanila doon sa Zantander. Ayaw ko man isipin pero pakiramdam ko ay nakita niya kami ni Kaden noon sa garden nila nung gabi bago kami umuwi ng Maynila. Pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi naman siguro dahil kung totoo ay matagal na siguro niya kaming kinompronta at sinabi na niya iyon sa mga pinsan ko o di kaya sa pinsan niyang si Perri.

"I didn't expect that you're not going to be alone." Aniya sabay sulyap sa kay Kaden sa likod ko.

"Ah, pinasama siya ni Mommy. Pasensya na." Sabi ko kay Mike at tumango na lamang siya at pumasok na sa loob.

Lumapit kami doon sa receiving area kung nasaan iyong secretary ng designer. Pinasadahan ni Mike ang buong paligid habang si Kaden naman ay tamad na tamad na umupo doon sa sofa sa harapan.

Kinausap ko ang secretary na naka schedule kami para magpasukat sa designer at itinuro ko si Mike dahil siya lang naman itong susukatan. Sandali lamang kaming nag antay at pinapasok na kami sa office ng designer.

Nilingon ko si Kaden at sinenyasan na papasok kami doon kaya mabilis siyang tumayo at sumunod sa amin ni Mike. Tahimik si Mike habang si Kaden naman ay panay ang pangungulit sa akin. Hinihila niya ng mahina ang buhok ko o di kaya ay tinutusok ako ng daliri niya sa tagiliran dahilan para makiliti ako. Napapalingon si Mike sa amin tapos ay kukunot lamang ang noo. Pinipigilan ko ang pagtawa sa mga pangungulit ni Kaden dahil tahimik ang buong boutique at ayaw ko gumawa ng ingay.

Sinalubong kami ng designer ng makapasok kami sa kanyang office. Nakipag beso siya sa akin at sa dalawang lalaking kasama ko.

"So he's your escort iha? Bagay na bagay kayo..." Kumapit sa aking braso ang designer at iginaya kami sa loob ng fitting room. Ngumisi si Mike habang kabaliktaran naman si Kaden. Ang mapang asar niyang itsura kanina ay napalitan ng pagkairita.

"Boyfriend mo ba siya?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ng designer. Tumikhim si Kaden kaya ay mabilis akong umiling.

"Hindi po." Sabi ko. Ngumisi si Mike. Hindi ko alam kung para saan iyong ngisi niya. Itinuro ng designer ang isang maliit na stage kay Mike at pinatayo siya roon. Sinukatan siya ng designer.

Nilingon ko si Kaden na ngayon ay nakaupo na naman at tamad na tamad na nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.

Nakatayo lamang ako doon sa gilid at hinihintay na matapos ang sukatan na nagaganap ng tawagin ako ni Kaden at tinapik niya ang space sa sofa sa kanyang tabi. Lumapit ako doon at umupo. Inakbayan ako ni Kaden kaya mabilis ko itong tinanggal. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"What?!" Iritado niyang tanong.

"Not here Kaden."  Bulong ko pa at umusog palayo sa kanya. Umusog din siya ng kaonti para magtabi muli kami. Umusog rin ulit ako. Ganoon muli ang ginawa niya hanggang sa wala na akong mausugan. Hays. I gave up!

Umakbay muli siya sa akin. Nakatingin si Mike sa amin at ayaw kong may maisip siyang may kung ano sa amin ng kapatid ko. Naiinis na ako dahil napaka tigas ng ulo ni Kaden.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon