Bago pa dumilim ay bumalik na kami ni Kaden sa rest house na kubo. Nagbanlaw lang kami at nag ayos sandali bago pumihit pabalik ng Manila.
Kabado ako ng makauwi na kami ng bahay. Kaden insisted that we should go home together. Bahala na lang kung ano ang ipapaliwanag niya kung sakaling may magtanong.
Pumasok ako sa bahay, nauna ako kay Kaden at rinig ko na ang ingay sa may dining area. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumunta roon.
Nagtatawanan ang mga pinsan ko ng malingon silang lahat sa akin. Naroon si Gia, Trish, Yuriko at Franchois. Si Kuya Kaezer lang ang naroon kasama nila pati si Mommy. Ngumiti silang lahat saakin kaya kumaway ako at dumiretso kay Mommy para humalik sa kanyang pisngi.
"They've been waiting for you iha." Sabi ni Mommy ng humalik ako sa kanya. Nilingon ko ang mga pinsan ko. Gia and Trish was all smile, nanunuya naman ang mukha ni Yuriko, si Franky ay parang nag oobserba lang.
"San ka ba kasi galing Cady?" Tanong ni Gia. Umupo na ako sa katapat na upuan niya. Busog ako dahil sandali kaming nag stop over ni Kaden kanina sa byahe.
"I'm with my friends." Sabi ko na lang, hindi makatingin sa kanila. Inabala ko ang sarili sa pag inom ng tubig.
"Parang nangitim ka?" Tanong ni Kuya Kaezer sabay hawak sa aking braso.
"Oo nga... Nag swimming kayo ng mga friends mo?" Tanong naman ni Yuriko.
"Uh, oo."
"Malapit na ang debut mo iha, baka hindi bumagay ang kulay pink na gown mo sayo." Sabi ni Mommy. Nahiya ako dahil ngayon pa lang niya nabanggit muli ang tungkol sa aking kaarawan.
Lahat naman kami ay napalingon ng dumating si Kaden. He is now wearing a "pambahay". Halata din sa kanyang balat ang pamumula dahil sa pagbilad na ginawa namin sa araw kanina. Nahuli agad niya ang paningin ko.
"Why are you all here?" Tanong niya sa mga pinsan ko sabay upo sa aking tabi.
"Happy birthday! Balak sana namin yayain kanina si Cady na mag skate, kaso wala pala siya kaya dito na kami nag dinner." Ani ni Trish sa aking kapatid.
"How's your day Kaden? Kamusta ang celebration ng birthday mo?" Tanong ni Mommy.
"It was great My... Actually, ito na yata ang pinaka masayang birthday ko." Aniya at tumingin sa akin. Agad akong napainon ng tubig.
"It's looked like, you both hang under the sun the whole day." Sambit ni Franky. Napatango tango sa kanya si Gia at ngumuso. Ako naman ay ginapangan ng kaba sa di malamang dahilan.
"I got a lil' bit crazy under the sun." Kaden chuckled.
"And Cady too." Ani ni Franky.
"Can we still skate after this? Pwede po ba My?" Pag iiba ko ng topic. Kabadong kabado na ako sa mga sinasabi ni Franky. He's not usually like this. Hindi naman siya pala komento sa mga tao sa paligid niya.
"Ayos lang. Ikaw ang pinunta nila rito." Tumango ako sa sinabi ni Mommy.
Kaya ng matapos ang dinner ay dumiretso na kami sa labas ng bahay. Binuksan ang headlight ng sasakyan ni Yuriko para magsilbing ilaw namin sa kalsada.
Hiniram ko muli ang skateboard ni Kuya Kieran. Si Kaden ay panay naman ang sunod sa akin kung san man ako magpunta. Si Gia ay panay ang pakitang gilas sa mga tricks na alam niya. Ganoon din si Yuriko. Franky was just there, sitting on the gutter, waiting for something to happen. Like he wants to prove something that he need to see it in his own eyes. Tinutusok na kasi ako ng kanyang mga titig. Lalo na ngayon na panay ang lapit ni Kaden sa akin.
BINABASA MO ANG
My Brother And I (COMPLETE)
RomanceIn life, we belong in something, someone or somewhere. But in my case, i don't belong in anything. All my life i was a stranger. Not until my brother made me feel i belong to him.